Chapter 33

34.1K 420 13
                                    






Chapter 33

Ilang araw ko ng iniiwasan na magtagpo ang landas namin ni Alexis ewan ko ba naguguluhan ako sa mga pangyayari. Ilang beses ko na din sinasagot ang mga tawag nito ang dinaahilan ko lang ay busy ako sa ginagawa kong pagrereview para sa board exam. Gusto ko muna syang iwasan para makapag isip ako. Alam mo yung feeling na lagi kang kinakabahan? Ganon ang nararamdaman ko. Di din ako masyado makatulog kakaisip. Haaay. Naputol ang pag iisip ko ng may kumalabit sakin.

"Miss, kanina pa tumutunog ang phone mo nakaka istorbo ka na sa mga ibang tao dito sa library." Sabi ng lalaki kaya napalingon ako at laking gulat ko na lang kung sino ang makita ko sa harapan ko

"Fuck! Jerome is that you?" Gulat na tanong ko

"The one and only." Nakangising sabi ni Jerome. Naalala niyo pa ba si Jerome yung makulit kong schoolmate nung college ako? Oh well makulit pa din naman siya noon nabawasan lang nung naging boyfriend ko na si Alexis. Lumayo na kasi ito.





"Ang lalim ng iniisip mo ah. Nagwapuhan ka sa akin no? Sabi na nga ba crush mo ako talaga." nakangisi na sabi ulit ni Jerome

"Huh! Kapal mo talaga kahit kailan!" Tumatawang sabi ko




"Sus. Alam ko naman na gwapo ko. Matagal na." Nakangising sabi nito

Natawa na lang ako. Nagkwentuhan din kami ng balak ko na sanang umuwi ay niyaya pa ako nito para kumain sa labas. Niyaya niya ako sa restaurant nila dahil bigla akong nakaramadam ng craving para sa mga putahe nila ay sumama ako. Seafoods daw. Naglalaway na ako agad.



Nang makarating kami sa restaurant nila ay sinalubong kami ng ate ni Jerome nakipag beso-beso naman ito sa akin. Ang bait ng ate niya at ang ganda pa. Dinala kami nito sa pinaka magandang spot sa restaurant nila. Vip siguro to. Si Jerome na ang ang nag order ng kakainin namin excited na tuloy ako. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

Nang dumating na ang pagkain ay agad ko naman itong nilantakan. Tatawa-tawa naman si Jerome habang tinitignan ako.



"Oh hinay-hinay lang kasi."sabi nito habang hinahagod ang likod ko dahil nabulunan ako





"Ang sarap kasi eh. Hehe."nakangiting sabi ko


"Lakas mong kumain eh. Akala mo pang dalawang tao kang kumain kung di lang kita kilala iispin ko buntis ka." Nakangiting sabi ni Jerome bigla naman akong nabilaukan at inabutan ako agad ng tubih nito habang hinagod ulit ang likod ko. Sinong buntis? Ako? Buntis ako? Paano? Pero bigla kong naisip yung mga nangyari sa amin ni Alexis. Sa pagkakatanda ko di sya gumagamit ng proteksyon habang ginagawa namin yun. Napakagat ako ng labi.

"Huy, okay ka lang ba?"tanong ni Jerome


Anong gagawin ko? Naalala kong di pa nga pala ako na di ako nagkaroon ng dalaw nung nakaraang buwan. Isang buwan na akong delayed. Di ko mapigilang kagatain ang ibabang labi ko. Shit.

"Ahh. Uhm. Okay lang ako. Hehe." Sabi ko at pinilit kong ngumiti

"Akala ko kung napano ka na eh. Kain ka lang kain." Nakangiting sabi ni jerome

Nawalan naman ako ng gana dahil sa kung ano-anong naiisip ko. Paano kung buntis ako? Lagot na! Di naman sa ayaw ko pero natatakot ako lalo na at magulo pa ang sitwasyon namin ni Alexis. Papanagutan niya ba ako kung sakaling buntis ako? O baka naman magiging single mom ako? Ughhhh.

Nang matapos na kaming kumain ay niyaya ko ng umuwi si Jerome sabi ko masama ang pakiramdam ko. Sabi kong sa mall niya na lang ako dalhin dahil may nakalimutan akong bilhin gusto nya pa sana akong samahan sabi ko wag na dahil may pupuntahan din ito hanggang sa napilit ko siyang ihatid na lang ako. Dumaan ako sa watson para makabili ng pregnancy test. Pagkatapos kong bumili ay agad na din akong umalis ng mall at nag taxi na lang akong pauwi. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Anong gagawin ko dito sa PT? (Kainin mo sabi ng utak ko) Arghhhh. Nag diretso ako sa cr at nilock ko ang pinto tinignan ko ang instruction kung paano ito gagamitin. Sinunod ko kung ano ang nakalagay. Pagkatapos kung gawin kung ano man ang dapat gawin ay naghintay ako ng mga ilang minuto para hintayin ang resulta. Pag tingin ko sa PT ay nakahinga ako ng maluwag ng nakita kong isang linya lang. Negative!

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon