Chapter 27

36.8K 430 14
                                    

Chapter 27

Isang linggo na din ang nakakalipas ng mag usap kami ni Dylan. Pero panay din ang tawag at text nito sakin para mag usap kami, kaya sinabi ko na bukas na lang kami magkita tutal sabado naman.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Allysa dahil maaga naman ang uwian nandito muna kami para maglibang problemado kasi tong dalawa. Parehas broken hearted.

"Bessy! Sige na kasi inoooooom na tayo! Sandali lang naman tayo sa bar? Puhleaseeeee?"pacute na sabi ni Allysa

Oo kanina pa nagyaya iyan na mag bar kami ayoko lang pumayag baka kasi kung ano ang mangyaro samin mahirap na.

"Wag na kasi, dito na lang tayo sa bahay! Mas safe!"sabi ko

Naglilikot naman si Allysa parang bata lang. Tss

"Eeehhh kasi naman! Di naman tayo magtatagal dun eh!"sabi ulit ni allysa

"Bessy dito na lang tayo! Tama naman si Chloe, mas safe tayo sa bahay. Baka mamaya mawala na naman si Chloe niyan sa bar alam mo na ang hilig mawala niyan."nakangising sabi ni Gem

Nanlaki naman ang mata ko. Medyo namumula ang mukha ko. Kasi naalala ko yung nangyari noon. Ang hilig kasi ni Alexis na kidnappin ako. Hihihi

"Sabagay, baka mawala na naman yan. Ehhh paano yan? Gusto ko ng alak! Wala naman dito!"sabi ulit ni Allysa

Napangisi naman si Gem na napatingin saming dalawa.

"Problema ba yun? Ano namang silbi ng bag ko?"nakangising sabi ni Gem at nilabas nito ang isang bote ng Jack Daniel's

Nagulat naman kami ang good girl nitong si Gem tapos may dala siya niyan? Pero alam na namin ang dahilan. Nagkatinginan naman kami ni Allysa at napangisi naman kami.

"Let's party!!!"tili ni Allysa at nagsasayaw sa kama niya buti na lang nasa kwarto kami

Nagsimula na kaming uminom, or sila. Hindi ako masyadong umiinom para may magbantay sa dalawang to. Kwentuhan tapos nag iiyakan silang dalawa. Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako sakanila. Weird kasi nila, kaya mahal ko sila.

Napatingin ako sa phone ko at no sign pa din ni Alexis nung nakalipas na linggo lagi na lang itong busy at lagi din mainit ang ulo nito. Lagi din itong space out. Parang ang lalim ng iniisip nito.

Nabalik na lang ako sa wisyo ng bigla akong kurutin ni Allysa. Kaya napatingin ako sakanya.

"Bessy!!! Di ka naman nakikinig eh!"naka pout na sabi ni Allysa

"Huh? Ano ba yun?"sabi ko

"Sabi ko na nga ba tulaley ka na naman jan! Ang sabi ko, parang nakita ko yung boyfriend mo nung Monday nung may sinet-up na date sakin si mommy at guess what."parang baliw na sabi allysa dala na ng kalasingan nito

"What? Si Alexis?"sabi ko

"Oo si Alexis! May iba ka pang boyfriend maliban sakanya? Nakita ko siyang may kasamang matangkad na girl na parang kapre na mukhang clown!"sabi pa nito

Kinabahan naman ako sa sinabi ni Allysa. Totoo kaya?

"Huh? Sure ka bang si Alexis ang nakita mo?"tanong ko

"Hindi nga ko sure! Parang kasi siya yun kasing tangkad at katawan at kasing yummy niya din!"sabay hagikgik ni allysa

Baka hindi naman siguro siya yun kasi ang sabi ni Alexis sakin nasa condo lang siya nung Monday. Malabong siya yun. May tiwala ako sakanya. Tama. May tiwala ako kay Alexis.

"Baka naman hindi siya yun, kasi nasa condo niya siya nun eh."sabi ko

"Oo siguro nga! Baka namalik-mata lang ako."sabi naman ni allysa

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon