Chapter 34.2

33.3K 469 30
                                    


Chapter 34.2

Isang linggo na ang nakalipas wala akong natanggap na text o tawag kay Alexis. Naisip ko na baka galit siya sa akin. Mag sorry kaya ako? Siguro nadala lang siya ng galit kaya nya nasabi sa akin yun at nadala din ako ng galit sa mga nangyari. Ako na lang ang mgapapakumbaba para sa magiging anak namin. Wala namang masama kung ako ang magpapakumbaba di ba?

Kaya ng hapon na iyon napagpasyahan kong pumunta sa condo tutal may susi naman ako pero pagdating ko walang Alexis doon. Naghintay ako sa unit niya. Sumapit na ang gabi pero wala pa din siya. Kaya napagpasyahan kong bumaba at maghintay sa parking lot. Anong oras na ba? 9pm na pala. Wala pa din siya. Umuwi na lang kaya ako? Gabi na din kasi bawal sa akin ang mapuyat. Paalis na ako ng matanaw ko ang sasakyan ni Alexis nabuhayan naman ako ng loob balak ko sana syang salubungin ng mapansin ko may bumabang babae sa passenger seat at di ako nagkakamali si Madeline nga. Biglang bumigat ang nararamdaman ko. Naiiyak ako. Ganto na lang ba talaga? Wala na? Sabagay ako nga pala ang nagsabi na wala na kaya baka malamang sinunod niya lang. Ang tanga ko. Napaka tanga. Aalis na sana ako ng makita kong hinatak ni Madeline si Alexis at hinalikan ito sa labi. Naghahalikan sila. Hawak ni Alexis ang bewang ni Madeline. At ako? Heto pinapanood sila ay masokista ko na siguro. Pero hindi ko kayang panoodin sila kaya di na ko nag isip at nilapitan ko sila hindi naman nila napansin ang paglapit ko sakanila. Di na ako nakapagpigil at hinatak ko ang buhok ni Madeline at sinampal siya ng malakas di pa ako nakuntento at sinampal ko siya ulit. Hinahatak ako ni Alexis pero sinampal ko din siya ang kapal ng mukha nilang dalawa.

"Ang landi mo! Ang landi landi mo!" Gigil na sabi ko habang hablot ang buhok niya

"Ikaw ang malandi! Mang aagaw ka! Bitch!" Sigaw ni Madeline na pinipilit makawala sa pagkakahila ko sa buhok niya

"Kung may bitch sa ating dalawa! Ikaw yun! Haliparot!" Sigaw ko

Inaawat kami ni Alexis di niya alam kung sino ang patitigilan niya sa amin. Nang hinawakan ako nito sa kaya biglang nakawala si Madeline at nagkaroon ito ng pagkakataon makatakas at nagtago sa likod ni Alexis at bigla itong humagulgol

"Umalis ka dyan! Wag mong itago sa akin ang babae na yan!" Tulak ko kay Alexis

Inaawat pa din ako neto pero dahil sa ngayon ay galit na galit ako.

"Fuck! Stop it! What are you doing here?" Galit na sabi ni Alexis

"Ano kasi... Gusto ko sana---" naputol ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita

"Oh I don't care anyway." Sabi nito sabay hawi sa kamay ko na nakahawak sa braso niya

"Alexis please..." Sabi ko at mukhang kawawa ako dito nakita ko naman ang pag ngisi ni Madeline

"Go home." Sabi nito

Di ko mapigilang mapahikbi. Pinagtatabuyan niya ako.

Wala sa loob na tumakbo ako paalis doon at agad akong pumara ng taxi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Kaya napagpasyahan ko na kala Gem na muna ako pupunta sinalubong naman ako nito at niyakap alam niya rin siguro na may problema ako.

"Ssssh. Wag ka ng umiyak makakasama kay baby yan." Sabi ni Gem habang pinapatahan ako

"Ang sakit eh." Umiiyak na sabi ko

Niyakap lang ako nito. Hinatid ako ni Gem sa kwarto para magpahinga iniwan niya ako doon para makapagpahinga na daw. Tulala ako habang nakatingin sa kisame at biglang tumunog ang phone ko.

"Let's meet tomorrow @ **** Coffee Shop. I wanna tell you all. Let's settle this."
-Madeline

Ang kapal naman nitong itext ako? Ano naman ang pag uuspan namin? May dapat ba kami pag usapan pero dahil pakiramdam ko may dapat akong malaman ay pumayag ako.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon