Chapter 25

37.1K 453 7
                                    

Chapter 25

Nakaupo ako habang tulala habang nag iisip sa mga nangyari. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay hindi man lang nag text or tumawag si Alexis. Oo nga pala nakatulog ako dahil sa kakaisip sa mga nangyari, una sa sinabi ni Madeline at pangalawa sa pagbabalik ni Dylan.

Dylan...

Sino nga ba siya sa buhay ko? At ano ang naging parte niya sa buhay ko?

Si Dylan Villafuerte ay ex-boyfriend ko. Niligawan niya ako nung 3rd highschool ako at sinagot ko naman siya nung JS Prom namin. Naging campus couple din kami. Ang tingin ng lahat na perfect couple kami. Wala namang relasyon na perpekto, may mga di rin kami napag-uunawaan. Pero agad din itong naayos. Sweet at caring talaga siya, gentleman, varsity player pa siya ng basketball, rich & brainy. Kumbaga siya ang "ideal boyfriend" or "dream guy" umabot din ng tatlong taon ang relasyon namin. Akala ko siya na ang soulmate ko pero naglaho yun sa isang iglap. Unti-unting lumamig ang pakikitungo niya sa akin at nababalitaan ko na din sa campus na may dinedate na daw itong iba pero syempre ako di ako naniwala dahil alam ko naman na madaming naiinggit sa relasyon namin. Sinubukan ko siyang kausapin dahil nawawalan na siya ng oras sakin pero lagi naman itong busy hinayaan ko na lang kasi college naman na kami kaya naiintindihan ko. Pero isang araw ang di ko inaasahan ang nakita ko na naging dahilan para madurong ang puso ko. Nakita ko siya na may kasamang babae sa parking lot. Nilapitan ko siya para tanungin kung ano ang mga nangyayari at ang sinabi niya ang halos dumurog ng puso ko. Ayaw niya na sakin dahil hindi niya na daw ako mahal. Umiyak ako sa harap niya pero umalis pa din siya. Kinabukasan nalaman ko na lang na nag drop out siya sa school at lumipad kung saan mang parte ng mundo. I was so hurt that time. Kasabay pa sa nangyari sa mommy ko ang taong akala ko mapaghuhugutan ko ng lakas ng loob ay iniwan ako buti na lang nanjan ang dalawang kong kaibigan sila ang naging lakas ko. Kinalimutan ko naman siya ginawa ko ang lahat para makalimutan siya at nagtagumpay naman ako.

Hinawakan ko ang dibdib ko, pinapakiramdaman ko kung ano ang nararamdaman ko. Wala na akong maramdamang sakit or bitterness sa puso ko. Napabuntong hininga ako at ngumiti ako.

Nagulat na lang ako ng may nag lapag ng milk shake sa table. Napalingon ako. Ngumiti naman ako ng tipid.

"Ang lalim nun ha. Ano na naman ba ang iniisip mo?" Tanong ni Jerome

"Wala naman. May naalala lang naman ako."sagot ko naman

"Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako honeybunch."sabi nito napatawa naman ako ng narinig ko na naman yang 'honeybunch' na yan

"Si Graciella daw kailangan ng kausap."biro ko sakanya

Napasimangot naman ito agad gusto ko naman tumawa

"Ha! Kahit di na ko magsalita di ko kakausapin yung stalker na yun!"sagot ni Jerome

"Admirer mo siya. Ang ganda at simple lang nun. Alam mo ang arte mo ha."natatawang sabi ko

"Yun ba ang maganda? Nakita mo ba kung gaano ka-creepy yung babae na yun? Kahit siya na lang ang nag iisang tao sa mundo hindi talaga ako magkakagusto sakanya."nakasimangot na sabi nito

"Pero alam mo ang pangalan niya."natatawang sabi ko kaya mas lalong napasimangot to

"Paanong di ko malalaman eh halos lahat yata ng subject classmate ko siya. Napaka stalker talaga."nakasimangot na sabi ni Jerome

"Alam mo, pansinin mo na kasi ang bait pa naman nun."sabi ko talaga naman kasing mabait si Graciella ewan ko nga ba kung bakit ayaw ni Jerome dito na kapag nakita niya pa lang ay nagtatakbo na siya

"Alam mo naman na iba ang gusto ko. Kaya nga lang may iba na siyang mahal."sabi ni Jerome napatingin ako sakanya at ang lungkot ng mata niya

"Kung may iba na siyang mahal, tanggapin mo na lang yun. Diba dapat maging masaya ka dahil masaya ang taong mahal mo? Ang daming babae na naghihintay na mapansin mo. Si Graciella, di mo ba napapansin ang mga effort niya para mapansin mo siya? Yung tipong lingunin mo lang siya masaya na siya." Sabi ko

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon