Chapter 35

39.9K 573 39
                                    

Chapter 35

Hinatid ako ni Dylan sa sa bahay nila Gem at sumunod din si Allysa kailangan ko ng kaibigan ngayon na masasandalan. Ayaw pa umalis ni Dylan pero sinabi ko na okay lang ako at gusto kong mapag isa nagpilit pa din ito na mag stay pero tumanggi ako kaya naintindihan naman nito. Hindi ako umiyak buong gabi masaya akong nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ko. Ayokong umiyak. Nakakasawa ng umiyak. Pinatay ko din ang phone ko dahil baka tawagan ako ni Alexis. Asa naman ako. Si Madeline nga di ba ang pinili niya?

"Let's sleep na girls! May date ako bukas kaya please sana samahan niyo ko sa mall para makabili ng dress at makapagpa-spa na din." Nakangising sabi ni Allysa

"May date ka na naman? Sino naman ang bagong target mo?" Natatawang sabi ni Gem

"Target agad? Friend ko lang. Pinakilala sa akin ni mommy, no choice naman ako kundi sumunod lang." Sabi ni Allysa

"Eh paano na si Jovit? Akala ko ba..." Sabi ko

"Hmm. Wag na natin pag usapan." Pagiwas ni Allysa

"Ohh okay." Sabay naman sabi ni Gem

"Tulog na tayo!" Sabi ko kahit na nakakaramdam ako ng lungkot pero dapat lakasan ko ang loob ko

Kinabukasan

Sinamahan namin si Allysa sa mall para mamili at nag relax din kami. Inaliw namin ang sarili namin. Nang matapos na kami ay nagpagpasyahan namin na umuwi na. Hinatid naman nila ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagpahinga napagod ako maglakad. Dahil din siguro sa pagod ay nakatulog din ako agad.

Ilang araw na ang lumipas at ganito ang naging takbo ng buhay ko araw-araw naman akonh dinadalaw ni Dylan para kamustahin ako. May appointment ako sa OB ko ngayon at sabi niya sasamahan niya daw ako kahit tumanggi ako mapilit siya.

"Ready?" Tanong sakin ni Dylan pagdating namin sa clinic at tumango naman ako

Pagpasok namin sa loob ng clinic ay sinalubong kami ng nakangiti na si tita Angie or Doc Angie niyakap pa ako nito at kinamayan si Dylan

"Siya ba ang daddy ng baby mo? Ang gwapo ha. I'm sure ang gwapo or ganda ng magiging baby niyo." Nakangiting sabi ni Doc. Nailang naman ako napakamot lang sa ulo si Dylan

"Uhm. Tita, hindi po siya yung Daddy ng baby ko. Kabigan ko pa siya sinamahan niya lang ako." Nakangiting sabi ko

"Ohh. I see. Let's start na?" Nakangiting sabi ni Doc at tumango naman ako

Tuwang-tuwa si Dylan ng pinakita ni Doc sa monitor ang baby. Ngiting-ngiti ito habang pinagmamasdan ang monitor at sobrang nakikinig ito sa mga sinasabi ni Doc tungkol sa pagbubuntis ko. Naisip ko ganto rin kaya ang reaksyon ni Alexis kung siya ang kasama ko? Matutuwa kaya siya habang pinapanood sa monitor ang baby namin? O magiging emosyonal siya? Inalis ko agad sa isip ko si Alexis di ko sya dapat iniisip ngayon. Naramdaman ko ang paghawak ni Dylan sa kamay ko.

"Chloe, look oh! Gumagalaw yung baby! Ang galing!" Sabi nito at napalakpak pa kaya napatawa kami ni Doctora

"Yung mga bilin ko wag kalimutan. Iho, ikaw na bahala kay Chloe paalala mo yung mga bilin ko. By next month pwede na malaman kung ano ang gender ng baby. I hope na sana masamahan ka na ng Daddy niyan Chloe. Thanks sa pagsama sa inaanak ko Dylan. Mag ingat kayo." Nakangiting sabi ni Doc at nagpasalamat kami bago umalis

"Saan mo gusto pumunta? May gusto ka bang kainin?" Tanong ni Dylan pagdating namin sa sasakyan

"Hmm. Parang gusto kong kumain ng cake." Nakangiting sabi ko bigla akong nag crave sa mango naiisip ko pa lang naglalaway na ko

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon