Chapter 19

46.2K 554 23
                                    

Sorry kung late na yung update. May naiisip akong bagong story pero di ko alam kung ipopost ko na sa wattpad sisimulan ko lang siguro yun kapag di na ko busy. Kahapon ko pa sana to i-uupdate kaya lang ang bagal ng internet. Enjoy reading!

Chapter 19

Mabilis lumipas ang araw at saturday na actually nandito sila Gem and Allysa dahil sila na daw ang mag aayos sakin dahil nasa sakanila yung cocktail dress at heels na ipadala ni Alexis kaya ang mga baliw kinulit ako na aayusan daw nila ako wala naman akong magawa dahil hindi nila ko titigilan.

"Si gem na ang bahala sa buhok mo at ako naman sa make up mo at sisiguraduhing namin na maglalaway si fafa alexis sa kagandahan mo. hihihi" nakangising sabi ni allysa

"Naman! Kami na bahala sayo mag relax ka lang wag kang kabahan." sabi ni gem

At sinimulan na nila akong ayusan habang inaayusan nila ako naglalaro lang ako sa phone ko dahil naiinip na din ako dahil ang daming seremonyas ang ginagawa nila sa totoo lang di naman ako mahilig mag make up pero wala akong magawa ngayon dahil hawak ako ng dalawang baliw kong bestfriend habang naglalaro ako sa phone ko ay may biglang tumawag mabilis ko naman itong sinagot at napatigil ang dalawa sa pag aayos sakin

"Si Alexis yan noh? Masyado naman excited parang di kayo magkikita mamaya hihihihi."sabi ni allysa

"Ssshhh hindi siya to kaya wag kang maingay"sabi ko

"Hello Jerome, bakit napatawag ka?"sabi ko sa kabilang linya at oo si Jerome ang tumatawag

"Namiss lang kita. Free ka ba mamaya? Pasyal sana tayo."sabi nito

"Sorry Jerome, di ako pwede mamaya may lakad kasi ako. Next time na lang promise!" Sabi ko

"Ahh ganon ba... Sige next time na lang promise yan ha. Sige ingat ka Chloe."matamlay na sabi nito

"Sorry talaga. See you around, bye."sabi ko at tinapos ko na ang tawag

"Grabe ang haba talaga ng hair! Napapaligiran ka ng mga gwapong fafa." humahagikgik na sabi ni allysa

"Baliw ka talaga."sabi ko

At ipanagpatuloy na nila yung pag aayos. Nang matapos na ay nagpahinga muna kami ng sandali pagkatapos nag bihis na at ayan ready na.

"Wow! Bessy ang ganda mo talaga! Sure na maglalaway si fafa alexis sayo niyan! Hihihi"sabi ni allysa

"Ang pretty mo bessy! Supeeeeeeeeeer!"sabi ni gem

"Lagi naman kaya akong maganda. Hehe."sabi ko

"Alam namin yun pero ngayon grabe ang hot at pretty mo ngayon." Sabi ni allysa

Malapit na din mag 6pm ay naka receive ako ng text kay Alexis na on the way na siya kaya bumaba na kami at pumunta sa sala.

Habang hinihintay namin si Alexis ay nagkukwentuhan muna kaming tatlo at palagi ang kwento ni Allysa tungkol kay Matt and Sarah. Dahil nahuli niya daw ang dalawa sa parking lot na nagkikiss. Halos mapapadyak na sa inis si Allysa dahil daw di niya matanggap na mahilig sa hipon si Matt. Hayaan na natin bitter ang lola niyo. Ha ha ha

"Di ko talaga matanggap yun bessy eh! Masyadong todo taboy sakin si Matt pero sa Sarah bitch na yun at sa ibang girls na malalandi hindi niya tinaboy! Bakit ako? kung makaiwas siya sakin akala mo may sakit ako! Nakakadiri sira ang sakit nila sa mata!"inis na inis na sabi niya

Yun nga din ang pinagtataka ko bakit sa iba okay naman si Matt pero pag dating kay Allysa sobra siyang maka iwas. Maganda naman at mabait si Allysa pero ewan baka mahilig talaga sa clown si Matt.


A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon