Chapter 37.2

47.9K 665 37
                                    

Chapter 37.2

Pagkagising ko ang sakit ng katawan ko. I feel so sore. Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. Si mommy ang kasama ko. Hinahanap ko si Alexis pero wala naman siya. Kasama ko siya kanina di ba? Paanong wala siya? Nanaginip lang ba ako?

"Mom..." Mahinang tawag ko. Bahagya naman gumalaw ito.

"Yes sweetie? Kumusta na ang pakiramdam mo? Are you hungry?" Tanong nito

"I'm okay my. Nauuhaw lang ako." Sabi ko agad naman akong inabutan ng tubig nito at dahan-dahan na pinainom.

"Kumusta? May masakit ba sayo?" Tanong ulit nito

"I'm okay mom. Don't worry. Where's my baby?" Tanong ko

"Nasa nursery room pa. Mamaya dadalhin na siya dito. He's really handsome! Ang gwapo ng apo ko." Nakangiting sabi nito

"Is he okay? Healthy ba siya mom?" Tanong ko

"Very healthy anak. Kaya wag kang mag alala." Nakangiting sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko di ko makakayang mailuwal siya ng maayos.

"Thank God." Masayang sabi ko.

"So you better rest kasi mamay mag breastfeed ka na kay baby." Sabi nito

"Okay. Uhm. Mom." Gusto ko sanang itanong si Alexis pero wag na lang pala. Baka dahil lang sa pagod kaya ko siya nakita

"Ano iyon?" Tanong nito

"Uhm. Nothing." Sabi ko. Nagpahinga naman ako dahil kailangan ko ng lakas.

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nagulat ako sa nakita ko. Kinusot ko ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako. Bahagya ko pang sinampal ang pisngi ko dahil baka nanaginip lang ako.

"Lex..." Mahinang tawag ko. Hindi man ito nagsalita. Inabot ko ang pisngi nito.

"Are you real? Am I dreaming?" Tanong ko. Naramdaman kong hinaplos nito ang kamay ko at hinalikan ito. Gusto kong maiyak. Yung galit na nararamdaman ko unti-unting nawawala. Sa ngayon ayoko munang isipin ang galit ko.

"I'm real. I'm here." Sabi nito

"Pero bakit?" Tanong ko

"Kailangan pa ba ng rason kung bakit ako nandito? Nandito kayo ng anak natin kaya nandito din ako." Mahinahong sagot nito. Magsasalita pa lang ako ng may kumatok sa pinto. Pumasok sa loob ang nurse dala ang baby ko. Kasabay nito si mommy. Naluluha ako. Inabot sa akin ng nurse ang baby at sinabi din nito na kailangan nito na i-breastfeed. Umalis na din ito. Pagbuhat ko sa baby ko di ko na napigilan ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hinalikan ko ito sa noo.

"Anak..." Bulong ko at hinalikan ulit to.

"Anak mag breastfeed ka na gutom na sigurado yan si baby." Sabi ni mommy. Nginitian naman nito si Alexis. Sinunod ko si mommy. Masakit sa nipple nung una pero habang tumatagal ay nasanay na rin ako.

Habang nagbebreastfeed ako ay napansin kong nakatingin lang si Alexis sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya. Hindi niya inaalis ang tingin niya na parang mawawala ako sa harap niya. Nang matapos akong magpadede lumapit si Alexis hinaplos nito si baby at hinalikan niya ito sa noo. Naramdaman ko naman ang pagmasa ng mata ko.

May kumatok at pumasok ulit ang nurse kanina. Sa pagkakaalam ko ay pinay ito.

"Ma'am pwede na po bang malaman ang name ni baby?" Tanong nito. Nakatingin sa akin si Alexis at naghihintay ito ng sagot ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Alexandre Chace." Nakangiting sagot ko.

"Surname po?" Tanong ng nurse

"Santillan." Sagot ko pero agad naman itong dinugtungan ni Alexis

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon