Chapter 40

48.4K 542 15
                                    

Chapter 40

Tinignan ko ang sarili ko sa isang malaking salamin habang suot ko ang wedding gown ko. Hindi ako makapaniwala na sa haba ng panahon at problema na pinagdaanan namin ay sa simbahan pa rin ang tuloy. Di ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pinahid ko ang luha ko. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.

"Bessy! Yung make up mo masisira!" Natatawang sabi ni Allysa ng nilapitan niya ako. Pinahid nito ang luha ko.

"Ano ka ba waterproof ang make up niyan para mamaya kapag nagsisiran sila ni Alexis ay keri lang." Natatawang sabi ni Gem. Kinurot ko naman ito. Natawa lang ito.

"Ay akala mo virgin kung makapag react." Natatawang sabi ni Allysa at naghagalpakan kami ng tawa. Biglang bumukas ang pinto at nakita kong nakangiti na lumapit sakin si Alexa. Niyakap naman ako neto.

"Ang ganda mo ate. Sobrang ganda mo. Sigurado akong mababaliw si Kuya." Natatawang sabi neto

"Baliw ka." Ngiti ko

"Aba ate, kanina pa ko tinatawagan at tinetext ni kuya para i-check ka baka daw kasi di ka sumipot. Baliw talaga yun eh. May anak na nga kayo kabado pa rin." Humagikgik na sabi ni Alexa. Nagtawanan naman kami.

"Bessy, yung red lingerie na regalo ko sayo suotin mo yun mamayang gabi. Pak na pak talaga yun!" Nakangising sabi ni Allysa. Namula naman ako. Siraulo talaga tong si Allysa.

"Haaay nako. Pavirgin talaga kahit kailan." Tumatawang sabi ni Gem. At nagtawanan kami. Mga baliw talaga sila. Nahinto kami sa pagkukwentuhan ng bumukas ang pinto at pumasok ang munting prinsipe ko. Nakakapaglakad na ito. 1 year old and 3 months na ito. Pansin kong naiinitan na ito sa suot niyang white armani suit. Ang alam ko terno sila ng Daddy niya. Napangiti ako. Habang lumalaki si Chace ay kamukhang-kamukha nito si Alexis. Lumapit sakin si Chace at yumakap sa binti ko.

"Mimi ko." Tawag nito sakin. Napangiti naman ako at binuhat ito

"Bakit baby ko? Antok na ba ikaw?" Nakangiting sabi ko. Umiling naman ito.

"Anong gusto mo anak?" Tanong ko. Umiling lang ito at yumakap sakin. Niyakap ko naman ito. Ang sweet ng batang ito. Sana paglaki niya at nagbinata siya any sweet pa rin siya samin ni Alexis.

"Baby Chace, let's go na. Come to tita. Malapit na magsimula wedding nila ni Daddy mo." Sabi ni Alexa at kinuha sakin si Chace. Hinalikan ko muna ito sa pisngi bago lumabas. Bigla akong nakaramdam ng kaba sabi nila normal lang ito kapag kakasal ka. Parang tambol at karera ang dumadagundong sa puso ko.

"Okay, 5 mins be ready." Sabi ng wedding coordinator namin. Ni-retouch ulit ang make up ko. Simpleng white gown lang ang suot ko na si Gem ang mismong nag design pero halatang elegante. Nilapitan ako ni Daddy at niyakap. Si Mommy naman ay maluha-luha. Ang alam ko magkaibigan na silang dalawa.

"Big girl na talaga ang prinsesa ko. Magiging reyna na siya." Nakangiting sabi ni Daddy. Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagkaiyak

"Kahit anong mangyari ikaw pa rin ang one and only princess ni Daddy okay? And now you'll will be someone's queen. I love you princess." Maluha-luhang sabi ni Daddy.

"I love you too Daddy." Niyakap ko ito.

"Sweetie... Mag aasawa na ang anak ko." Nakangiting sabi ni mommy

"Mommy naman eh." Natatawang sabi ko

"You're so gorgeous anak. Mana ka talaga sa akin. Kaso kinulang ka sa height pero bawing-bawi naman sa ganda." Natatawang sabi ni mommy kaya natawa din ako. Alam kong pinapagaan ni mommy ang nararamdaman ko.

"I love you sweetie." Sabi ni mommy

"I love you too mommy." Nakangiting sabi ko at niyakap ko to. Nilapitan kami ng wedding coordinator

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon