Chapter 36

40.5K 559 20
                                    

Chapter 36

Melbourne, Australia

Fresh air. New environment. New life. Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni mommy. Di ko mapigilang mapaiyak. Finally, kasama ko na ang mommy ko. Sobrang namiss ko siya pinagbawalan din kasi ako ni daddy na makita siya dahil baka ibrainwash daw ako ni mommy at sumama ako sakanya kaya laking pasalamat ko ng pinayagan niya ako. Marahil ay gusto nitong mapabuti ang lagay ko at makapagsimula ako ulit. Sinabihan ako ni Dad na tawagan siya pagdating ko dito kaya naman pagdating ko ay tinext ko na siya marahil ay tulog pa iyon at madaling araw pa lang sa Pinas.

"I miss you so much mommy!" Yakap ko at di ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko

"Oh god! I miss you more sweetie! Miss you so much my baby girl." Sabi nito at hinalikan ako sa ulo

"Mommy bakit mas lalo kang gumanda! Mapagkamalan tayong magkapatid lang." Natatawang sabi ko sabay punas sa luha ko. Ginulo naman ni mommy ang buhok ko sabay kurot sa pisngi ko. Kaya napahagikgik kaming dalawa. Gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil kasama ko na ang mommy ko.

Dumiretso na kami sa bahay niya hindi ito ganon kalaki tulad ng bahay namin sa Manila pero kumportable at malaki pa din naman kumpleto ang mga gamit at sariwa ang hangin. Nakakatanggal ng pagod. Hinatid ako ni mommy sa kwarto ko nakita ko naman na ayos na ayos ito mukhang matagal na itong nakaayos. Puro mga paborito ko ang nakalagay. Halos lahat yata ng sulok ng kwarto ko ay may mickey mouse. Ang bedsheet ko mickeymouse din pati ang mga unan ang mas nakaagaw pansin sakin ang isang maternity dress na may design na mickey mouse. Hindi ko alam kung maiiyak o matutuwa ako. Paano nalaman ni mommy? Hindi ko pa naman nababanggit ang tungkol sa pagbubuntis ko. Sa ganong tagpo ako nakita ni mommy na hawak ang dress na iyon.

"Mommy...?" Tawag ko

"I already know sweetie. Your dad called me last night. Nung tumawag ka ka sa akin last month alam kong may mali at alam kong may problema ka. Sabi nga nila mother instinct." Nakangiting sabi nito

"Mommy naman eh!" Sabi ko at niyakap ito. Hinaplos nito ang buhok ko. Namiss ko ang paghaplos ni mommt sa buhok ko. Namiss ko siya ng sobra.

"Magiging mommy na ang baby ko. Naku! Kahit maging mommy ka na baby pa din kita okay? Pakiss nga si mommy!" Tumatawang sabi ni mommy. Ang sarap pakinggan ng tawa ni mommy dahil naalala ko noon nung bago sila maghiwalay ni daddy ay puro iyak ang naririnig ko sakaya at ngayon nakakatawa na siya at alam kong masaya na talaga siya. Napangiti ako. Umaasa pa din ako na magkabalikan sila ni dad pero marahil ay hindi na siguro at malabo na maayos pa. Tulad ko... Ayokong sapitin ng magiging anak ko ang nangyari sa akin gusto kong buo ang pamilyang kalalakihan niya. Pero mukhang hindi yata mangyayari. Napapikit ako. Sorry anak, mahina si mommy. Hayaan mo gagawin ko ang lahat para hindi mo maramdaman na iba ka ibang bata na buo ang pamilya.

"Oh by the way sweetie, I want you to meet someone. Maybe tomorrow night? Let's have a dinner. Alright?" Sabi ni mommy. Sino naman kaya? Hmm.

"Oh sure mom. No problem." Nakangiting sabi ko.

"Eat your breakfast na at pagkatapos magpahinga ka na sweetie I know you are tired. Para naman makapagpahinga kayo ng baby mo." Nakangiting sabi nito.

"Yes mom." Sabi ko. Kaya pagtapos ko kumain ay nagpahinga na ko. Jetlag.

Nagising ako ng nakaramdam ako ng gutom. Gutom na agad ako? Parang di pa ako nakakatulog. Pagtingin ko sa orasan ay 12:27 pm na pala. Ang haba din pala ng tinulog ko. Bumaba ako at nagpunta sa kitchen nakita kong may note na nakadikit sa ref

Sweetie, I'll be back later. May bibilhin lang si mommy. Don't forget to eat your lunch or else papaluin kita. xoxo

~your pretty & sexy Mom

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon