Chapter 34

32.5K 466 10
                                    




Chapter 34

Ilang linggo ko na din iniiwasan si Alexis dahil kapag nakikita ko siya o naririnig ko man lang ang boses niya ay nasasaktan ako. Nagsimula ang kwento namin sa pag iwas ko hanggang sa dulo ba naman? Siguro dahil nagsimula kami sa mali. Sa isang gabi ng pagkakamali. Kahit sa mali man kami nagsimula ay nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya kung hindi wala sa akin ang baby ko, ang anak ko sa ngayon siya ang priority ko. Kung may alam na ba si Alexis sa pagbubuntis ko? Wala. Nasabi ko na kala Allysa at Gem ang kalagayan ko sa una ay nagulat sila at nag iyakan pero masaya din sila dahil magkaka pamangkin at inaanak na din sila at the same time. Hindi nila alam na may problema kami ni Alexis ang alam nila di ko pa nasasabi at balak kong isurprise ito. Mabuti na lang kasama ko ang mga kaibigan ko dahil sa oras na ito sila ang pinaghuhugutan ko ng lakas ng loob.

Kasalukuyan akong nag aayos ng papeles ko papuntang Australia. Hindi ako tatakbo o hindi ko tatakasan ang problema ko wala akong balak mag tago. Balak ko sana magbakasyon may gusto din akong dalawin. Gusto kong malinawan gusto kong malaman ang mga nangyayari. Bago ako magbitaw ng desisyon.

Kasalukuyang nakasakay ako sa taxi ng mgring ang phone ko pagtungin ko sa caller ay si Alexis. Wala sana akong balak sagutin ito pero mukhang walang balak tumigil ito.

"Hello" walang ganang sabi ko

"Finally! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Lagi kitang tinetext at tinatawagan pero hindi ka man lang sumasagot" galit na sabi nito

"Busy lang ako may pina asikaso sakin si Daddy" sabi ko na lang

"Ganyan ba kaimportante yan at hindi ka man lang makasagot sa mga text ko?" Nagtatampong sabi nito

"Busy lang" walang ganang sabi ko

"May problema ba? Tell me, baby." malambing na sabi nito

"Wala. Pagod lang ako. Sige tatawagan na lang kita may inuutos pa sakin si daddy." sabi ko at pinutol ko na ang tawag

Napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang kailan ko ba sya iiwasan?



Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako agad sa kwarto ko pero bago pa man ako makarating sa kwarto ko narinig ko ang ingay ni Dad at ni tita Annie sa office. Di ko marinig ang pinag uuspaan nila. Kaya pinag walang bahala ko na lang at nagpunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Nakakapagod ang araw na to. Sa bawat lumipas na araw ganto na lang ang routine ng buhay ko.

Kinabukasan nakatanggap ako ng tawag kay Dylan niyaya ako nito sa despedia party nila nung una ayaw kong sumama pero sabi niya kasama naman daw sila Allysa at Gem kaya sumama na din ako dahil namimiss na kami ng Mama niya. Aalis na kasi sila ulit at babalik na sila sa America kaya nakakalungkot mamimiss ko si Dylan. Naging mabuti syang kaibigan sakin at habang buhay kong aalahanin iyon.


Isang simpleng party lang ang naganap sa bahay nila Dylan dumalo ang mga kaibigan at mga kamag anak ng pamilya nila. Sinalubong naman ako ng yakap ng ate niya at ng mama niya. Napayakap naman ako sakanila panay ang kulit nila sakin kung nagkabalikan na daw ba kami ni Dylan at lagi akong tumatanggi.

"Sabi ko nga kay Dylan, hindi niya na kailangan sumama samin pabalik sa US kung may rason naman siya para mag stay dito." Sabi ni Ate Dana

"Oo nga anak, hintayin mong sagutin ka ni Chloe tapos isama mo na din siya." nakangiting sabi ng mama ni dylan

"Mama naman!" Nahihiyang sabi ni Dylan

"Nako ang binata namin oh." natatawang sabi ng mama nito kaya nagtawanan ang mga tao sa hapag

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon