Chapter 33.2

35K 484 14
                                    

Chapter 33.2

Nagising ako na mabigat ang nararamdaman ko. Alam mo yung may kung anong kumikirot sa puso mo na hindi mo maipaliwanag. Kailan ko muna sigurong aliwin ang sarili ko para kahit papaano ay mabawasan itong iniisip ko. Naligo at nag ayos ako pagkatapos ay nagpunta ako sa mall. Maaga pa ba para bumili ako ng gamit ng baby? Hmm. Gusto ko kasama ko ai Alexis kapag namili kami ng gamit pero paano? Kung hanggang ngayon ay di pa kami ayos. Siguro kailangan ko munang magpa check up.

Pagdating ko sa clinic ni Dra. Silvestre ay agad naman akong pinapasok ng assistant niya. Kaibigan ni mommy si Dra. Angeline Silveste or Tita Angie papakiusapan ko na lang siya na wag sabihin kay daddy ito. Pagpasok ko sa loob ay agad akong nginitian ni Dra.


"Oh good morning hija, long time no see!" Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi

"Namiss ko kayo tita Angie!" Sabi ko at niyakap ito napatawa naman ito


"Hay nakung bata ka! Halika na at masimulan na natin yang check up mo." sabi nito


"So... Kailangan mo muna nating isure kung buntis ka so first bigyan kita ng PT tapos mag test ka sasamahan ka ni Mel sa may cr. Okay?" Sabi ni dra

Nag test na po ako Tita, positive po." Nahihiyang sabi ko


"Hindi naman 100% sure ang PT so itry na lang natin ulit and after that transvaginal ultrasound naman okay ba?" Sabi nito at tumango na lang ako


Nag diretso ako sa cr at sinamahan ako ni Mel assistant ni Tita Angie. Pagtapos kong mag test ay binigay ko ito kay ate Mel dahil bibigay niya daw kay doctora. Naghintay naman ako mga ilang minuto ang nakalipas ay tinawag na ko nito. Nakangiting sinalubong ako ni Doctora.

"Congratulation Chloe! Wanna hear the heartbeat of your baby?" Nakangiting sabi ni Tita Angie napaiyak naman ako at bahagyang tumango


"Let's go hija." Sabi nito

"Mel, pakibigyan mo ng hospital gown si Chloe and then diretso na kayo sa loob." Sabi ulit nito

Pagtapos kong isuot ang hospital gown ay nag diretso na kami sa loob. Pinahiga ako ni tita Angie at may pinahod itong malamig sa tiyan ko. Tinitignan ko naman ang monitor.

"Nakikita mo ba hija yang bilog na yan? That's your baby. Medyo blurred pa kasi di pa siya buo after 2 weeks balik ka dito mas malinaw na iyan. At naririnig mo pa yung pintig na yun? That's the heartbeat of your baby." Nakangiting sabi nito kaya di ko napigilan ang mapaluha ng narinig ko ang heartbeat ng baby ko.

My baby...


May nabubuhay sa loob ng sinapupunan ko. Ang anak ko.


"So, according to your test 10 weeks na ang baby mo. Dapat maging mas maingat ka na ngayon iwasan ang stress at puyat okay? Kasi makakasama yan kay baby. By the way nasan ang daddy? Dapat samahan ka niya sa check ups mo at para masabi ko na din sakanya ang mga bawal sayo." Sabi nito

"Hmm. Busy po kasi yung boyfriend ko. May inaasikasong negosyo." I lied


"Ohh okay. So next time isama mo na lang siya?" Sabi nito

"At Chloe, wala ka bang balak sabihin kay Fred ito? Nako dapat ipaalam mo din sakanila ito." Sabi ulit nito


A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon