Chapter 4

83.1K 1.1K 25
                                    

Hello Maryan! Ayan na dinedicate ko na sayo! Hahaha. Hi mo na din ako kay Fafa Jared! Hehe. ^__^ V

Chapter 4

Tulala akong naglalakad papunta sa room namin. Dahil na rin sa nangyari sa Janitor's room. Nakakahiya!

Di talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni Alexis.

Naguguluhan ako.

Ano bang kailangan niya?

Nabalik lang ako sa realidad ng bigla akong batukan ni Allysa.

"HOY CHLOE! KANINA PA KITA KINAKAUSAP DI KA MAN LANG SUMASAGOT! NAKA KATOL KA BA?"sigaw ni Allysa

"Ouch! Masakit yun ha! Bakit ka ba nangbabatok ha?"sabi ko

"Kanina pa kasi ako salita ng salita di ka man lang nakikinig simula nung dumating ka kanina wala ka sa sarili mo. Ano nakita mo ba si Sadako sa CR kaya ganyan ka?" sabi niya

Daig ko pa ang nakita si Sadako...

Dahil nakita ko lang naman yung manyak na yun! Nakakainis naisip ko na naman yung nangyari kanina!

Bakit ko ba iniisip ang mga nangyari kanina? Siguro joke lang naman yun.

Biglang dumating si Gem tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang sinusuri niya yung itsura ko. Yung parang may kasalanan akong ginawa.

Bakit naman?

Nilapitan niya ko...

"I smell something fishy."maarte kunwari na sabi niya at inamoy pa ako

"Ano na naman ang naamoy mo? Baka breath mo lang yun! Hahaha"sabi ni Allysa

"No. May iba akong naamoy."nakakalokong sabi ni Gem

Tumabi siya sakin at nagulat naman ako sa sinabi niya...

"I smelled SEX."sabi niya habang nakataas ang kilay

Bigla naman akong hinatak ni Allysa at inamoy niya ang damit ko. Nababaliw na ba to?

"Wala naman eh!"naka pout na sabi niya pagkatapos amuyin yung damit ko

"Ano bang sinasabi mo Gem? Kung ano ano na naamoy mo. Gutom lang yan!"sabi ko

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang leeg ko... At may hinaplos siya dun.

Di ko inaasahan ang sinabi niya.

"Eh ano yang nasa leeg mo? Kagat ng lamok? Ang laking lamok naman ng kumagat sa leeg mo." nakakalokong sabi niya

Nagulat ako. Seryoso ba siya?

Bigla niyang tinapatan ng salamin ang may bandang leeg ko. Napamura ako ng nakita ko kung ano yung nasa leeg ko.

Fvcksht.

Bago pa man mag process sa utak ko biglang nagsalita si Allysa.

"BAKIT MAY LOVE BITE KA SA NECK? SINONG BAMPIRA ANG KUMAGAT NIYAN?!" sigaw niya

Buti na lang wala nga tao sa classroom kundi nakakahiya.

Nataranta naman ako bigla. Bakit ako may ganto? Bigla ko na naman naalala yung lalaki na yun!

Argh! Wala na siyang ginawang matino! Hinalikan niya na nga ko nilagyan niya pa ko ng kiss mark. I hate him! Arghhh

Bakit niya ko nilagyan ng ganto?!

Pano ko to matatanggal! Nakakahiya kitang-kita pa naman!

Lagot ako kapag may nakakita neto!

"Kaya naman pala medyo magulo yan yung damit mo at tulala ka dahil may ginawa kang milagro!"sabi ni Allysa

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon