Chapter 24

32.3K 424 8
                                    

Sorry sa super late update!

Chapter 24

Naalala ko pa nung first day namin ni Alexis bilang couple sobrang sweet niya hatid-sundo ako. Mabilis din lumipas ang mga araw at akalain mo yun 1 month na kami. Nung first monthsary namin sinurprise niya pa ko akala ko nga nakalimutan niya eh. Hindi mo inakala na may tinatagong kasweetan pala tong si Alexis. Ang sungit niya sa iba pero pagdating sakin parang bata kung maglambing. Katulad na lang ngayon kasama ko siya nandito kami sa condo niya. Wag green! Wala kaming ginagawa. Every saturday lang ako nagpupunta dito. Nanonood na lang kami ng movie. Mas gusto niya kasi na kapag free time namin yung magkasama lang kami. Ewan ba at di yata nagsasawa sa kagandahan ko. Lol

"Baby..." Bulong ni Alexis

"No."madiin na sabi ko

Pero ayaw magpatalo ng loko.

"Please naman baby. Sige na..."bulong ulit nito sakin

"Ayaw ko nga eh! Ang kulit naman!"naiinis na sabi ko

"Baby naman eh. Sige na, please?"at nag pout pa. Eww

"Ano ba sa ayoko ang di mo maintindihan?"sabi ko

Kung may ibang makakarinig samin iba sigurado ang iisipin. Tsk

"Miss ko na kasi baby. Di ka ba naaawa sa kagwapuhan ko? Matitiis mo ba ko?"pacute na sabi nito

"Ayoko nga! Ang kulit mo ha!"naiinis na talaga ako. Alam niyo ba kung ano ang pinag aawayan namin? Gusto niyang ipagluto ko siya at may sakit daw kuno. Eh ang lakas-lakas niya. Umaarte lang to. Paano ba naman nakita niya na kasama ko si Jerome pero kasama namin si Allysa at Gem. At nagalit talaga siya sakin dahil ayaw niyang nakikipag usap ako. Napaka seloso lang. Pero kahit papaano kinikilig ako. Hihihi

"Pagod ako Lex. Alam mo naman siguro na ang dami kong tinapos na projects diba?"sabi ko

"Sabi ko naman kasi sayo na ako na lang ang gagawa ng projects mo para di ka na mapagod. Ayan tuloy napagod ang baby ko."sabi nito. Ahhhh! Kinikilig talaga ako. Namula naman ako sa sinabi niya kaya lalo niya akong inasar

"Namumula ang baby ko... Halika nga at ikikiss kita."nakangising sabi nito

"Tumigil ka nga! Wala na tuloy akong maintindihan sa pinapanood ko."sabi ko

Tumigil naman ito. Nakaakbay ito sakin habang nanonood kami. Paminsan-minsan kinikiliti ako. Nagpa-deliver kami ng 2 box of pizza. Nagluto din ako ng popcorn.

"Sarap talaga magluto ng baby ko."sabi ni Lex

"Popcorn lang yan! Parang ngayon mo lang natikman. Bolero ka talaga."natatawang sabi ko

"Basta kahit anong iluto mo para sakin yun na ang pinakamasarap sa lahat."nakangising sabi nito

"Che. Manood ka na nga lang. Ingay mo."natatawang sabi ko sabay subo sakanya ng pizza

He chuckled

Nang matapos na ang pinapanood namin niyaya niya akong mag dinner sa favorite seafoods restaurant ko. Tutal 6pm na din naman. Medyo gutom na ako agad. Kaya inaasar ako ni Lex na tumataba na daw ako. Tss

Nang makarating kami sa restaurant. Sinalubong kami ng receptionist at pina assist kami sa mga tauhan doon. Nang makarating kami sa table namin nagpaalam si Lex na pupunta muna sa restroom. Kaya ako ang naiwan sa table namin. Medyo natagalan ito bago bumalik. Makalipas ang ilang minuto bumalik din ito pero parang gusot yung polo niya. Kaya naman napakunot ang noo ko.

"Ano nangyari sa polo mo?"tanong ko

Sasagot pa lang sana ito ng dumating yung order namin kaya hinayaan ko muna bago kami kumain pinaghimay pa ako ng hipon at crabs ni Lex. Nasanay na din ako na tuwing kakain kami inaasikaso niya talaga ako. Akalain mo yung masungit na Alexis Del Madrid ay may gantong katangian? Nagsimula na kaming kumain masarap talaga ang pagkain sa restaurant na to kaya tumataba ako. Hahahaha

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon