Chapter 20

43K 520 9
                                    


Chapter 20







Nasa soccerfield ko at hinihintay sila Allysa at Gem dumaan ang weekend at hindi nagparamdam si Alexis simula nung nangyari sa party tahimik lang siya nung inihatid ako sa bahay hindi man lang siya nag text or tumawag pagkatapos niya kong ihatid sa bahay medyo nag aalala ako pero bakit ako mag-aalala sakanya kung siya nga nga baka di ako naalala o baka naman kasama niya at busy siya na kasama si Madeline kaya pala pamilyar sakin ang mukha niya ay isa pala siyang model sa France kaya naman pala sobrang ganda niya talagang wala man lang text na kahit blank message kaya nakaka disappoint lang kapag tinignan ko yung phone ko tapos wala man lang text. Baka busy. Busy sa iba. Biglang nag vibrate yung phone ko dali-dali ko namang binuksan at nadismaya naman ako nung nakita ko sino yung nagtext. Globe lang pala. Mahal na mahal talaga ako ng globe lagi akong tinetext. Buti pa ang globe naalala ako. Feel na feel ko ang pagdadrama nung may nagtakip sa mata ko. Hinawakan ko naman ang kamay nito na nakatakip sa mata ko. Malaki... Malaki ang kamay halatang kamay ng lalaki. Hindi naman si Alexis to ang mahilig lang naman mag ganito ay si








"Jerome"sabi ko






Bigla niya namang inalis ang kamay niya at umupo sa tabi ko.














"Alam mo agad? Ang galing ah! Pakiss nga ko!"natatawang sabi nito at nag ngumuso pa kaya hindi ko mapigilang matawa minsan baliw din tong lalaki na to kung ano ano ang trip sa buhay












"Para kang bata! Naka pout ka pa! Kaya madaming naghahabol sayo eh. Ang cute mo kasi!"tumatawang sabi ko at sabay pisil sa pisngi niya ang cute lang namumula yung pisngi niya












"Aww. Ang sakit naman honeybunch!"nakangiwing sabi nito. Honeybunch? Ang corny talaga ng lalaking to! Ha ha ha









Hinampas ko naman siya kaya napa 'aww' na naman siya













"Honeybunch ka jan! Ang corny mo talaga! Paano ka magkaka girlfriend kung ang baduy mo magsalita! Seriously?"natatawang sabi ko













"At least napatawa kita sa pagiging corny ko kanina pa kita tinitignan at mukhang ang lalim ng iniisip mo. At yung babaeng gusto ko feeling ko ang layo niya na at may iba din siyang gusto."sabi nito sakanya













"Paano mo nalaman na may gusto na siyang iba? Sinabi niya ba sayo?"tanong ko sakanya


















"Hindi. I just feel it, lalaki din kasi ako alam ko kapag may gusto ang isang babae sa lalaki at halata naman may mahal na siyang iba. Bakit ang malas ko sa love."seryosong sabi nito















"Bakit hindi mo subukan? Malay mo may pag-asa ka? Alam mo ang mga babae mahirap basahin wala naman mawawala kung susubukan mo."sabi ko











Tinignan niya ko kaya napatingin ako sakanya nginitian ko lang siya at ngumiti din siya tapos bigla kaming tumawa parang baliw lang ang seryoso namin tapos bigla kaming nagtawanan. Natigil lang kami ng may nagsalita sa likod namin.










"Tapos na ba kayong mag date?"nakangising sabi ni allysa
















"Hindi kami nag date nag uusap lang kami. Ikaw yung utak mo talaga, si Matt lang kasi lagi ang iniisip mo kaya ayan tuloy."natatawang sabi ko














A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon