Chapter 35.2

43.3K 600 36
                                    

Chapter 35.2

Ilang araw ng nakakalipas simula ng nalaman ko ang totoo laging ganto na lang ako. Matutulog ng may luha sa mga mata at pagkagising ko kumikirot ang puso ko. Inayos ko ang sarili ko dahil nalaman kong dumating na sila. Ilang beses akong tinatawagan ni Alexis ka pinatay ko ang phone ko kapag pumupunta siya dito ay tinataboy ko. Ngayon gusto ko na silang makausap. Oo sila. Para kahit papaano ay mabawasan na ang sakit nararamdaman ko. Gusto ko ng palayain ang sarili ko sa sakit. Pagtapos ng paghaharap namin nasa akin ang desisyon kung mananatili ako. Oo gusto kong lumayo alam ko sasabihin ng iba duwag ako dahil tatakasan ko ang problema. Wala na akong pakielam ang gusto ko lang lumaya na sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kapag nakikita ko si Alexis pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay. Kapag nakikita ko siya naalala ko ang panloloko nya sa akin. Alam niyo na siguro ang pakiramdam? Masakit. Sobra. Parang pinapatay akong pinong-pino. Wala ng natira sa akin. Kaya kung ano man ang natira sa akin ay isasalba ko na lang. Inayos ko ang sarili ko at bumaba ako nagtungo ako sa hapag kainan. Handa na akong harapin.

Pagadating ko sa baba nakita ko si Tita Annie tinawag ko siya at lumingon naman ito sa akin at nginitian ako.

"Chloe iha, sabi ng mga maid di ka daw lumalabas ng kwarto mo lagi kang nakakulong. May problema ba?" Nag aalalang tanong nito

"Pwede po ba kitang makausap? Sa may garden sana" sabi ko tumango naman ito at nagtungo na kami sa garden umupo kami sa swing. Ang lakas ng hangin. Tahimik kami. Tumikhim ako.

"Tita, Sino po si Alexis Del Madrid?" Mahinang tanong ko. Nangangatog ang kamay at binti ko. Pag banggit pa lang ng pangalan niya parang di na ko makahinga

Nagulat naman ito pero napangiti din ito ng malungkot

"Si Miguel ba kamo? Anak ko siya. May dalawa akong anak ang panganay si Miguel ang bunso ko naman si Alexa." Nakangiting sabi nito

"Pwede niyo po ba akong kwentuhan tungkol sa mga anak niyo?" Kinakabahang sabi ko

"Oo naman." Nakangiting sabi nito

"Si Miguel ay napakalambing na bata mas malambing pa nga ito kay Alexa eh. Pero napakapilyo din nito" bahagya itong napatawa

"Siya yung bata na ipagtatanggol niya ang kapatid niya kapag may nang away. Ayaw din nitong magpatalo. Pero mabait ito at mapagmahal na anak at kapatid. Mahal na mahal ko silang dalawa ni Alexa." Naluluhang sabi nito

"Alam mo ba na ang laki ng kasalanan ko sakanila lalo na kay Miggy? Kasi nangako akong di ko siya iiwan pero iniwan ko pa din siya. Kaya di ko sya masisisi kung galit sya akin. Na ayaw niya magpatawag ng Miguel o Miggy dahil si Miggy daw ay ang batang iniwan at walang nagmamahal. Ayan ang kwento sakin ni Madeline." Nagpunas ito ng luha. Kung ganon matagal ng magkakilala sila

"Anong klase akong ina? Iniwan ko ang mga anak ko at sumama sa ibang lalaki. Labing pitong taon noon si Alexis at sampung taong gulang naman si Alexa. Kung sinama ko naman sila di ko sila mabibigyan ng magandang buhay. Ilang beses ko silang dinalaw sa bahay pero pinagtatabuyan ako ng ama nila. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon na malapitan sila ay tinaboy ako ni Miguel. Sobrang nasaktan ako noon lalo na ng makita ko ang galit nito sa akin. Kaya kahit sa malayo ay pinagmamasadan ko na lang sila. Okay na sakin na nakikita sila kahit sa malayo malaman kong okay lang sila." Malumanay na sabi nito

"Pero alam mo ba kung ano ang kinagalit sakin ng sobra ni Miguel? Yun ay ang nangako akong di ko siya iiwan pero iniwan ko siya. Na sa pangalawang pagkakataon ay naiwan na naman siya ulit ng isang ina. Na sa pangalawang pagkakataon nawalan na naman siya ng ina. Hindi ko natupad ang pangako sakanya. Kahit hindi ko siya anak mahal na mahal ko ang batang yan. Na kahit hindi sya sa akin galing tinuring ko siyang tunay kong anak." Malungkot na sabi nito. Teka... Hindi niya anak si Alexis. Stepson niya ito marahil.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon