Chapter 38

45.7K 568 14
                                    

Chapter 38

Nakauwi na kami sa bahay at tulad nga ng sinabi ni Alexis ay ginagawa nito ang lahat para makuha ulit ang loob ko. Pero hindi naman ito ganon kadali na patawarin siya agad dahil tuwing naalala ko ang masasakit na sinabi niya ay di ko pa rin mapigilan ang mapaiyak. Kahit anong sabi ko na kalimutan na ay di ko magawa. Nandoon pa rin kasi ang sakit na hanggang ngayon ay di pa rin naghihilom. Minsan naiisip ko na kaya niya ginagawa ito ay dahil nakokonsensya baka hindi niya naman talaga ako mahal na baka pinaglalaruan niya na naman ako. Ano mang pilit ko na kumbinsihin ang sarili ko na totoo na ito ay hindi ko magawa dahil nandito pa rin ang takot na baka masaktan na naman ako ulit. Sa ngayon hindi na lang ako ang masasaktan pati na rin ang anak ko. Okay na ako na lang ang masaktan wag lang ang anak ko. Masisi niyo ba ako kung may pagdududa ako? Alam ko sa pagdating ng tamang panahon ay makakalimot din ako. Mapapatawad ko siya ng buong-buo pero siguro... Hindi pa lang ngayon.

"Langya ka bessy! Hindi mo naman sinabi na may gwapo kang kaibigan dito! Ang sharap niya!" Nakangising sabi ni Allysa

"Loka ka talaga! Manyak mo bessy!" Natatawang sabi ko

"Hehe. Sorry naman ang hot niya kasi." Nakatawang sabi pa nito at nag peace sign

Naputol ang pag uusap namin ng pumasok si Mommy sa kwarto ko at sinabing nasa baba daw si Ivan. Kaya bumaba na kami. Pagbaba ko pa lang ay nakita ko na agad ang nakangiting mukha ni Ivan.

"Good morning gorgeous! Good morning baby Chace!" Bati nito sa amin ni Chace na ngayon ay karga ko.

"Ang aga mo ha." Natatawang sabi ko

"Of course may dala akong food sainyo." Sabi nito at inabot ang dala nito

"Nag abala ka pa. Salamat. Tara kain muna tayo." Nakangiting sabi ko at nagpunta na kami sa dining room. Si mommy muna ang nag alaga kay Chace. Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan kami. Masarap kausap tong si Ivan puro kalokohan din sila Allysa at Gem ay mukhang nag eenjoy naman sa mga kwento ni Ivan. Nagulat na lang ako ng biglang nakarinig kami ng ingay sa salas. Madali naman akong pumunta doon nakita ko naman si Alexis na nakaupo doon habang karga nito si baby Chace. Hindi ako nito tinignan nasa anak lang namin ang atensyon nito. Nakita ko din nakabagsak ang lata ng gatas na pang baby marahil ay dala nito. May dala rin itong pagkain. Nilapitan ko siya.

"Alexis, tara kain ka muna. Akin na muna si Chace." Sabi ko pero hindi ako nito pinansin. Napakagat labi naman ako

"Huy. Lex." Tawag ko pero di ako nito pinansin. Nainis na ako. Anong problema niya?

"Bahala ka nga dyan." Naiinis na sabi ko at bumalik sa lamesa. Hindi man lang ako nito pinigilan. Nakasimangot akong bumalik doon kaya narinig ko naman ang pagtawa nila lalo na ni Ivan.

"Anong nakakatawa?" Naiinis na sabi ko

"You." Sabay turo pa sa akin ni Ivan

"Che! Kumain na lang kayo." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain pagtapos namin kumain ay si Gem na ang nagpresinta na magligpit. Pumunta kami sa salas at nandoon pa rin si Alexis. Umupo kami doon ramdam ko naman ang pag ngisi ni Ivan. Si Alexis naman ay di pa rin kami tinitignan.

"Babe, you want this?" Nakangising sabi ni Ivan at inalok ako ng kisses na chocolate sanay naman ako aa pagtawag nito dahil halos ata sa lahat babe ang tawag nito.

"Say ah..." Nakangising sabi pa rin nito kaya binuksan ko na lang ang bibig ko para kainin ang kisses. Bigla naman tumayo si Alexis at dala si Chace papuntang garden. Pag alis na pag alis ni Alexis ay humagalpak ng tawa si Ivan.

"See? He's jealous! Coward." Nakangising sabi nito

"Did you plan it?" Tanong ko at tumango naman to

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon