His Side

65.3K 886 106
                                    

Alexis Miguel's POV

Pagkauwi ko pa lang sa bahay galing school ay narinig ko na ang ingay sa kwarto nila Mama at Papa. As usual nag aaway naman sila. Nagmadali akong puntahan si Alexa sa kwarto na ay pitong taong gulang pa lamang. Nasa may sulok ito at nakatakip ang magkabilang tenga nito. Agad ko tong nilapitan at niyakap.

"Kuya... I'm scared. Kanina pa nag aaway si Mom and Dad. Takot na ko." Mahinang sabi nito at humihikbi. Nadurog naman anv puso ko habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko.

"Don't be scared princess. Kuya's here di kita pababayaan." Sabi ko at niyakap ko ito ng mahigpit.

Nagsimulang mag away sila Mama at Papa ng bumalik sa pagtatrabaho si mama. Naririnig ko ay may pinag aawayan sila. Di ko lang maintindihan ng masyado dahil marahil ay bata pa ako nun.

Lumipas ang araw, buwan at taon na laging ganon na lang. Tuwing magkikita sila ay hindi pwedeng hindi sila mag aaway. Hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan ko.

Pag uwi ko galing sa training ng basketball ay nakita kong umiiyak si Alexa. Nakita ko rin ang ilang bag na nasa may sala.

"Mag vacation ba sila mama at papa?" Tanong ko kay Alexa na ngayon ay labing-isang taong gulang na at ako naman ay labing-pitong taong gulang na.

Umiling lang si Alexa at umiiyak. Nilapitan ko agad ito.

"Wag ka ng umiyak princess babalik naman sila mama, magrerelax lang sila ni papa." Sabay ngiti ko. Napawi ang ngiti ko ng nakarinig ako ng sigawan sa office ni Papa. Sumunod don ay ang paglabas ni mama na may dala pang isang bagahe at nagpunas ito ng luha.

Biglang parang may sumaksak sa dibdib ko.

"Ma, anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko. Niyakap naman ako nito ng mahigpit. Hindi ito nagsalita at kinuha pa nito ang mga gamit niya na nasa sala.

"Mama, saan ka pupunta? Magbabakasyon ba kayo ni Papa? Bakit di mo siya kasama?" Tanong ko

Umiling lang ito at patuloy na inayos ang dalawang bag na dala nito.

Pagkatapos nitong mag ayos ay binitbit na nito ang mga gamit niya. Bigla naman akong naalarma. Parang may mali. Nagsimulang umiyak si Alexa.

"Saan ka pupunta, mama? Aalis ka?" Naiiyak na tanong ko.

"Sorry anak. Alagaan mo si Alexa. Wag kang mag alala bibisita pa rin ako dito." Mahinang sabi ni mama at hinawakan ang pisngi ko. Di ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Mama! Wag kang umalis! Wag mo kaming iiwan! Mamaaa!" Sigaw ko habang umiiyak

"Mommy! Wag ka ng alis please?" Iyak na sabi ni Alexa at yakap dito

Niyakap naman kami ng mahigpit ni Mama na ngayon ay umiiyak na din.

"Anak, wag mong pababayaan ang kapatid mo ha? Alagaan mo siya mag mahalan kayo. Tandaan niyo mahal na mahal kayo ni Mama." Umiiyak na sabi ni mama habang hawak ang pisngi ko. Pinunasan nito ang luha ko at hinalikan ako sa noo. Niyakap at hinalikan ni mama din sa noo si Alexa na patuloy ang pag iyak.

"Mama... Please wag mo kaming iwan. Promise magiging good boy na ko. Di na ko magkukulit. Di na ko makikipag away sa school para di ka na mapatawag. Please po wag mo kaming iwan." Umiiyak na sabi ko

"Alexis, kailangan umalis ni Mama kasi mas lalo lang magugulo ang pamilya natin kung nandito ako." Mahinang sabi nito

"Mama naman please wag mo kaming iwan. Diba nag promise ka na di mo ko iiwan? Mama! Ayoko ng maiwan. Masakit po sa heart." Umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ni mama na ngayon ay humahagulgol na rin.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon