Chapter 17

42.2K 516 29
                                    

Advance happy 25k reads! Mwa :**

Chapter 17

Nakangiting nagdadrive si Alexis samantalang ako dito ay nakasimangot. Halatang pinipigilan niya lang tumawa habang ako dito ay halos mapunit na ang mukha ko dahil sa sobrang inis.

"Di ka ba titigil jan? Nakakainis ka!" reklamo ko sakanya

"What? I didn't do anything." painosenteng sabi neto

Nakakainis di ko na lang siya pinansin hanggang makarating kami sa park

Nakaupo kami sa swing habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro at mga teenagers na PDA ewan ko feeling ko tuloy nahihiya ako sa nangyari kanina sa parking lot. Gusto ko siyang tanungin kung sino yung kasama niyang babae noon pero di ko magawa, sino ba naman kasi ako para magtanong di ba? Ano ba kami? Nagkikiss kami pero wala kaming relasyon? Naguguluhan na din ako gusto kong linawin ang lahat pero di ko alam kung paano ko sisimulan.

Sa di kalayuan may nakita kaming batang lalaki may kasama siyang batang babae at mukhang nag aaway sila. Sa tingin ko 8 years old ang dalawa. Mukhang paiyak na yung batang babae dahil nangigilid na ang luha nito.

"Ikaw! Lagi mo na lang akong inaaway wala naman akong ginagawang masama sayo! Lagi mo kong inaasar tapos kanina inaway mo pa si Dominic sinabi mo pa sakanya na wag ng makikipaglaro sakin! Bakit ang sama mo? Ang bad mo! Huhuhu" sabi nung batang babae sa batang lalaki

"Eh bakit ka ba nakikipaglaro at usap dun? Ang panget naman nung Dominic na yun mas gwapo pa nga ko dun! Ang lampa pa nun!" Sabi nung lalaki sa babae

"Kahit na! Gwapo din naman si Dominic at mabait pa! Atleast siya di niya ko inaasar at di ako pinapaiyak! Ikaw lagi mo na lang akong inaasar at pinapaiyak! Nakakainis ka talaga!" Sabi nung batang babae sa batang lalaki

"Gwapo ba yun? Ang payat kaya nun! Isang suntok ko lang tumba na yun! Ang lampa naman ng crush mo! Bakla yata yun eh!" Sabi nung lalaki sa babae

"Hindi ko naman siya crush! Friends lang kami. Bakit ka ba kasi nakikielam kung sino ang dapat kong i-friends ha? Kaya ako nawawalan ng friends dahil sayo!" sigaw nung babae sa lalaki

Di na ko nakatiis at tumayo ako at nilapitan ko silang dalawa dahil mukhang malapit ng masapak nung batang babae yung batang lalaki sa inis niya. Sumunod naman sakin si Alexis.

"Kids, bakit kayo nag aaway? Bad yan." Sabi ko

"Anong name niyong dalawa?" Tanong ko ulit

"Marcus po" sabi nung batang lalaki

"Lyca po" sabi naman nung batang babae

"O, Marcus at Lyca bakit kayo nag aaway? Bad ang mag away" Tanong ko

"Eto kasing si Marcus inaway niya yung kaibigan ko. Huhu." Umiiyak na sabi nung batang babae

Napakamot ulo naman si Marcus

"Marcus, bakit mo naman inaway yung kaibigan niya?" Tanong ko

"Baka kasi po awayin siya nung Dominic na yun." Sagot ni Marcus

"Hindi naman eh! Ang bait nga ni Dominic! Di mo katulad bad boy ka! I hate you!" Umiiyak na sabi ni Lyca

Mukhang natigilan naman si Marcus parang nalungkot siya.

"Wag kayong mag away, pwede niyo naman pag usapan ng maayos diba? Ang babata niyo pa eh para na kayong lovers kung mag away." Natatawang sabi ko

Nanlaki naman ang singkit na mata ni Lyca at nag blush siya. Tapos si Marcus he looked away.

"Hindi na po! Ayoko sa bad boy!" Sigaw ni Lyca

"Mas ayaw ko naman sa brat! Lampa!" Sigaw naman ni Marcus

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon