Chapter 36.2

41.9K 581 26
                                    

Chapter 36.2

Paguwi namin tinanong ko si mommy kung bakit nagtatagalog si Ivan ang sabi naman niya ay dahil half Greek and half Filipino pala ito. Pinay daw ang mommy nito at greek naman ang tatay nito. Pero dito na sila tumira dahil nandito daw ang negosyo ng pamilya nito at umuuwi oa din naman daw ito sa Greece. Kaibigan ni mommy ang mommy ni Ivan at si uncle George pala ay kapatid ng daddy ni Ivan. Kaya nagkakilala sila mommy and uncle George dahil sa mommy ni Ivan. That's why.

Hindi ako makatulog sa kaiisip sa text na natanggap ko. Kaya ng matapos ang dinner namin ay hindi na kami nagtagal inaya ko na si mommy na umuwi kami dahil hindi ako mapakali sinabi ko na masama ang pakiramdam ko. Kaya nagmadali akong lumabas. Pero sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin dahil kinakabahan ako ng sobra na feeling ko bawat galaw ko ay may nakatingin. Na bawat kilos ko ay may matang nagmamasid sa akin. Hindi kaya... Pinipilit kong kumalma. Ininom ko ang gatas na tinimpla sa akin ni mommy bago matulog. Humiga ako sa kama ko at pilit kong pinipikit ang mga mata ko pero mga ilang segundo ay didilat na naman ako. Pasado alas-dose na ng gabi at hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ko kung online sila Allysa at Gem nakita ko namang online pa si Gem ichachat ko pa lang sana ito ng bigla itong nag offline. Binaba ko ang phone ko sa may side table ko. Nakatingala ako sa kisame para antukin ako naputol ang pagiisip ko ng biglang tumunog ang phone ko at agad ko naman itong kinuha. Tinignan ko kung sino ang caller pero number lang. Hindi naman ito international caller dahil australian ang number.

Calling  +61*********

Hindi ko alam kung sasagutin ko to o papatayin ko na lang ang tawag. Pero ayaw tumigil sa pag ring ay sinagot ko na din.

"Hello?" Sagot ko. Katahimikan. Walang nagsasalita sa kabilang linya tinignan ko baka naka end call na pero nakita ko naman na naka accept ang tawag. Pero bakit walang nagsasalita?

"Uhm. Hello? Who's this?" Tanong ko. Pero wala pa din nagsasalita. Nakarinig lang ako ng pagbuntong hininga sa kabilang linya. Pero hindi pa din ito nagsasalita. Naghintay ako na magsalita ito pero hindi ito nagsalita sa inis ko ay inendcall ko na lang at inoff ang cellphone ko. Siguro ay prank call yun at walang magawa sa buhay. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog na din ako.

Makalipas ang ilang linggo ay unti-unting gumiginhawa na ang pakiramdam ko at lumalaki na ang tyan ko kaya ngayon halatang buntis na talaga ako dahil ang laki na nito. Tapos sa height ko pa napagkakamalan akong high school huhu. At si Ivan naman ay pagtatawanan ako na akaka mo ay close kami at lagi din ako nitong pinupuntahan para inisin sa bahay kahit na tinataboy ko siya. Tuwang-tuwa naman si mommy dahil kahit papaano ay may kaibigan na daw ako dito. Mabait naman si Ivan pilyo nga lang talaga. Kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko dito. Mabuti na lang at isang linggo itong wala dahil uuwi sila ng pamilya niya sa Greece. Todo paalala pa ito sa akin na mag ingat daw ako at wag ko siyang mamiss masyado. Mura naman ang inabot niya sakin kaya napatawa ito. Kaya naman matatahimik ang mundo ko dahil walang makulit. Ginising ako ni mommy para magsimba kami at pagtapos ay dadaan kami sa OB para magpa check up. Alas-otso ng makarating kami sa St. Mary Catholic Church Thornbury. Marami din kaming pinoy na nakasabay sa misa. Ang mga iba ay kakilala at kaibigan din pala ni mommy kaya pinakilala niya ako. Nakilala ko si Riza  na anak ng kaibigan ni mommy matanda lang sa akin ito ng tatlong taon at may asawa na Australiano ang napangasawa nito at may isang anak na din ito na ngayon ay katabi nito ang gwapong anak niya na sa tingin ko ay dalawang taong gulang pa lamang. Naging magkaibigan naman kami dahil mabait ito.

Nang matapos ay misa ay nagpaalam na kami at sabi nito ay minsan papasyalan niya ako sa bahay namin dahil medyo malapit lang din naman daw. Pagtapos ng misa ay nag diretso na kami sa Royal Women's Hospital para sa check up ko. Nang matapos ang check up ko ay binigyan kami ng reseta na kailangan sa pagbubuntis ko. Tinignan ko naman ang sonogram ko at ayaw pa din magpakita ng baby di pa din namin alam ang gender sabi ni doc baka gusto daw kasama ang daddy para humarap ito bahagya naman akong napangiti.  22 weeks na akong buntis sabi naman ng doctor ay okay lang naman ako at healthy ang baby ko kaya natuwa naman ako akala din nito ay 7 months na ang pinagbubuntis ko dahil malaki daw ito pero mag aanim na buwan  lang ito. Wala ng mas hahalaga pa sa kalusugan ng baby ko. Pagtapos namin ay pumunta kami sa mall para mamili ng ibang gamit ni baby kahit sinabi ko kay mommy na wag muna dahil di pa namin alam ang gender pero ang sabi ni mommy mamili na kami dahil excited na siya kaya pumayag na din kami. Kumain muna kami bago namili ng gamit at ito na naman ang pamilyar na pakiramdam ko na may nagmamasid sa akin. Napalingon ako sa paligid pero wala namang tao. Napahawak ako sa tyan ko at marahan kong hinaplos ito. Binalewala ko na lang iyon binilhan din ako ni mommy ng maternity dress dahil yung iba kong dress ay masikip na ang bilis lumaki ng tyan ko. Mukhang malaki si baby ang takaw ko kasi ng mommy. Hehe. Pagtapos namin mamili ay umuwi na kami pagdating namin sa parking lot ay may napansin ako lalaki na nakatayo sa di kalayuan sa kotse ni mommy. Naka black leather jacket ito naka black jeans at naka cap. Kaya hindi ko makita kung sino ito ng mapansin nitong nakatingin ako sa lugar niya ay dali-dali itong sumakay sa BMW kaya pinagwalang bahala ko na baka may hinihintay siguro sa isip-isip ko. Nakasunod naman si mommy sa akin at sumakay na kami para makauwi.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon