Chapter 32.2

32.4K 439 25
                                    


Chapter 32.2

Nang matapos kaming kumain sa Jollibee ang saya ng buong araw ko may ngiti ako sa labi hanggang pagtulog ko. Pag gising ko nakaramdam ako agad ng gutom kaya pagtapos kong mag shower ay bumaba ako agad at diretso sa kitchen. Maghahanap ako ng pwedeng makain. Habang naghahanap ako ng makakain ay pumasok si manang.

"O iha gising ka na pala may strawberry cheesecake dyan dala ng Daddy mo kagabi kaso tulog ka na. Ang tagal mo na daw kasing nagpapabili sakanya nyan." Sabi ni Manang

Strawberry Cheesecake? Super favorite ko to pero bakit naiisip ko pa lang nasusuka na ko? What's wrong with me?

"Uhm. Manang hindi na po, mag slice na lang po kayo bigyan niyo na lang din po si Manong Bert."sabi ko

"Himala tinanggihan mo yung paborito mo iha? May sakit ka ba?"tanong niya sakin

"Ay wala naman po. Parang gusto ko lang pong kumain ng tuyo at fried rice." Nakangiting sabi ko iniisip ko pa lang nagugutom na ko

"O sige ipagluluto kita. Maupo ka na jan." sabi ni Manang

At naupo na ko naamoy ko pa lang yung tuyo habang niluluto natatakam na ko. Haaaay. Nang matapos na ang pagluluto ay sobrang tuwa ko at ng ihain na ay agad kong nilantakan ang tuyo. Ang saraaap! Sa sobrang takaw ko ang dami kong nakain. Pag inom ko ng kape ay parang bumaliktad naman ang sikmura ko at agad-agad akong tumakbo patungo sa lababo. Naramdaman ko na lang may humahagod sa likod ko habang nagsusuka ako.

"O iha may sakit ka ba?"tanong ni tita Annie ng makitang nagsusuka ako at hinahagod nito ang likod ko.

"Wala po Tita, napadami yata ang kain ko." Sabi ko ng matapos na ko magsuka

"Ganon ba? O sige uminom ka na lang ng gamot para mawala yang pananakit ng sikmura mo." sabi ni tita annie tumango na lang ako

"O sige. I have to go. You should rest okay?"sabi ulit ni tita Annie at hinalikan ako sa pisngi at nag paalam na

Dahil marahil sa pagod ko ay inantok ako agad kaya umakyat ako ulit para pumunta sa kwarto ko paghiga ko naman ay agad akong nakatulog.

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Tinignan ko ang caller, si Allysa pala.

"Hello?"inaantok na sabi ko

"Bessy! Bangon ka na dyan! On the way na kami ni Gem dyan. You should ligo na okay?" Tumatawang sabi ni Allysa

Wait. Nandito na si Gem? Omg. Namiss ko yung bruha na yun!

"Okay. Ingat kayo ma bessy!"sabi ki na lang at binaba ko na. Mabilis akong kumilos at naligo na din ako. Saktong narinig ko yung busina ay nagbibihis na ko. Ang sikip na ng pants ko na to buti na lang naalala ko bumili ako ng bagong jeans at yun na lang ang sinuot ko. Mga ilang minuto lang ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sinalubong ako ng yakap ni Gem at syempre nakisama si Allysa. Para kaming baliw na akala mo ay napakatagal nagkahiwalay.

Nang matapos na kami ay agad ba din kaming bumaba at nagpaalam kay manang at sabay alis. Habang nasa sasakyan kami ay kwentuhan kami sa mga nangyari saming pagkatapos ng graduation. Kaya nag gala kami ngayon na parang bang mga high school students pinuntahan namin yung mga madalas namin pasyalan nung HS pa lang kami. Kaya nung mapagod na kaming tatlo at nagpunta kami sa favorite restaurant namin at doon na nag dinner. Sabi ko ay pupunta muna kong comfort room. Palabas na ko ng CR ng may nakabunggo akong babae na mas matangkad ng konti sa akin. Maganda siya. Simple lang ang ganda niya. Napatingin ito sakin at mukhang nagulat din ito pero ngumiti naman ito kaya ngumiti din ako. Pamilyar ang mukha niya. Aalis na sana ako ng pinigilan ako nito kaya napalingon ako sakanya.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon