Chapter 38.2

44.7K 537 29
                                    

Chapter 38.2

"Isang tanong, isang sagot may balak ka bang pakasalan ang anak ko Del Madrid?" Striktong tanong ni Daddy. Napatingin ako kay Alexis tahimik lang ito kanina pa nag uusap ang pamilya namin. Nagkaharap-harap na sila masasabi kong ayos naman ang pag uusap nila pero di pa din nakaligtas sakin ang pasimpleng pag irap ni mommy kay daddy dahil kasama nito si tita annie. Nandito din ang daddy ni Alexis kasama si Alexa.

Tinignan ko ulit si Alexis nakangisi lang ito.

"Ano papakasalan mo ba ang anak ko o hindi?" Tanong ulit ni daddy di ko alam kung matatawa ako o maiinis

"Opo Dad, papakasalan ko pa siya kahit ngayon po kung gusto niyo." Nakangising sagot ni Lex. Teka tinawag ba nyang Dad si Daddy?

Napangiti naman si Daddy kung kanina ang sama ng tingin nito kay Alexis ngayon ay nakangiti na ito.

"Good. Gusto ko sa lalong madaling panahon ay maikasal na kayo. Ayokong lumaki ang apo ko na hindi buo ang pamilya." Sabi ni Dad

"Apo natin." Pagtatama ni Mommy

"O siya apo natin." Sabi ni Daddy. Tumikhim naman si tita Annie

"Sana mapatawad niyo kami. Kung hindi man ngayon sana dumating ang araw na napatawad niyo kami." Sabi ni tita Annie kay mommy at sa daddy nila Alexis.

"Kalimutan na natin yun. Matagal na yun. Ang importante sa atin yung mga anak natin." Sabi ng daddy ni Alexis

"Salamat Alejandro." Sabi ni tita Annie

"Tama na po yan. Sana magkaayos-ayos na po kayo." Sabi ni Alexa at yumakap kay tita Annie na mommy nya. Naramdaman ko naman ang paghawak sa kamay ko ni Alexis

"Puntahan muna po namin si baby Chace baka gising na yun" sabi ni Alexis at hinatak ako iniwan namin na nag uusap ang mga magulang namin

Pagdating naman sa room ko sila Gem and Allysa ang nagbabantay kay baby Chace. Nagpaalam naman ang dalawa na aalis muna sila.

"Baby..." Tawag ni Alexis. Nilingon ko siya.

"I love you. Damn. I'm so in love with you." Sabi nito at hinalikan ako sa labi.

"Lex... Si Chace baka magising." Sabi ko at sinilip si baby na mahimbing ang tulog na nasa crib

"Don't worry. Mahimibing ang tulog ni Chace." Bulong nito sa akin at hinalikan ako ulit. Dahan-dahan ang paghalik nito na parang ninamnam ang bawag halik nito. Nararamdaman ko na din na paunti-unti na kong nahihiga sa kama. Nakapatong sa akin si Alexis at patuloy pa rin akong hinahalikan nito. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa legs ko. Nakaramdam ako ng init at ramdam ko na din ang pagkabuhay ng sandata niya 'doon' biglang nag init ang pisngi ko. Hinubad ni Alexis ang shirt na suot niya. Hinalikan ako nito sa may tainga ko pababa sa leeg ko. Akmang tatanggalin na nito ang suot kong damit ng biglang may kumatok. Pero patuloy pa din ito sa paghalik sakin habang hinahaplos ang hita ko pataas at pababa.

"Lex... May kumakatok..." Bulong ko dahil sunod-sunod ang pagkatok pa din nito. Wala naman narinig si Alexis dahil patuloy pa din ito sa paghalik sa leeg ko. Lumakas na naman ang katok at narinig ko na ang pag iyak ni Chace dahil ito ay nagising sa ingay.

"Lex..." Tawag ko. Bigla itong sumubsob sa leeg ko kaya ramdam ko ang init ng hiniga nito.

"Ayaw ko." Parang batang sabi nito.

"Si Chace gising na at may tao sa labas mag ayos ka na." Sabi ko at pilit na tumatayo pero pinigilan ako nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Fuck it!!! Istorbo!" Galit na bulong nito kaya natawa ako dahil halatang iritado ito. Naiinis na tumayo ito na parang bata. Wala itong suot na pang itaas. Binuksan ang pinto ako naman ay binuhat si baby Chace. Sinilip ko naman kung sino ang nasa labas si Alexa pala.

A Night To Remember (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon