Chap 40: Original Plan

1K 27 0
                                        

Yuri's POV

"Kailan pa kayo nakauwi?" Masayang tanong ko habang nakayakap kila mommy and daddy. "We just arrived this morning, bunso! Ang laki laki mo na!" Masayang sabi rin ni mommy at bumitaw sa pagyakap para tignan ang kabuuan ko. "So, is he your boyfriend?" Mapanuksong tanong ni daddy sa'kin. "Ah, oo nga pala." Sabi ko at lumapit kay Monster.

"Mommy, daddy, si Jeyron, my boyfriend." Pagpapakilala ko kay monster. Nakangiti naman silang dalawa. "Hello po. Uh, welcome back po." Sabi ni monster and stretched his hand out para makipag-shake hands sana kaso ang ginawa ni mommy at daddy ay niyakap siya. "Hello, dear. Salamat sa pag-alaga kay Mayuri ha." Sabi ni mommy. "We all treat her like a princess, so you better treat her like a princess too, okay?" Bilin ni daddy.

"Walang anuman po. I don't treat her like a princess, sir..." Sabi niya at tumingin muna sa akin bago tinuloy ang pagsasalita niya. "I treat her as my queen." Nakangiting sabi niya. Psh! Kung sabihin ko kaya sa kanila na ginawa niya akong slave? Wahahaha! Joke! Keleg leng eke eh. Pfft.

Natawa naman si daddy. "That's very good then!" Nag-thumbs up siya kay monster at hinawakan ang balikat niya. "Would you like to join us for dinner?" Tanong ni daddy. "It would be my pleasure, sir." Sabi ni monster at tumingin sakin habang nakangiti. Sus. Saya niya oh. "Oh, just call us 'Tito' and 'Tita', okay?" Singit ni mommy. "Okay po tita." Nakangiting sabi ni monster.

"Let's go to the dining room." Sabi ni daddy at humawak sa waist ni mommy habang naglalakad sila papunta sa kusina. 'Yan sila mommy at daddy, mga bagets pa ang isip niyan eh, hindi lang halata. Kapag kami-kami lang ang nandito sa bahay ay wagas kung magharutan silang dalawa! Minsan nga nadadamay pa kami sa mga laro nila! Hindi pa nga namin sila nakikitang magalit eh. Cool, right?

"Mayuri, nakapag-prepare ka na ba para sa pag-alis natin?" Tanong ni mommy. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Natin? "Opo. Bakit 'natin'?" Takhang tanong ko. "Pffft." Narinig kong nagpipigil ng tawa si kuya Sky. "Anong 'bakit natin'?" Balik tanong ni mommy. "Sabi nila kuya, kaming tatlo lang daw ang aalis?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni mommy kay kuya Sky at kuya Daniel.

"Kayo ha. Ano nanamang kalokohan ang sinabi niyo kay bunso?" Nanlilisik ang mata ni daddy habang tinitignan sila kuya. Nagkatininan kami ni monster at nagkibit-balikat lang. Wala naman akong maintindihan sa pinag-uusapan nila eh. Malamang pati si monster din, wala. Kakain nalang ako! Ang sarap pa naman ng ulam!

Nom nom nom nom~

Nakaramdam ako ng pagkalabit sa akin. "Slave." Bulong ni monster sa akin. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa kanilang lahat at nakatingin din naman sila sa akin. "Bakit yun?" Tanong ko sa kanilang lahat. "Weren't you listening?" Pabulong na tanong ni monster sa'kin. "Hindi, kumakain ako eh." Alanganin na pagsabi ko.

"It's okay, i-explain mo ulit Daniel." Sabi ni daddy. "Explain what?" Tanong ko kay daddy. "Just listen to them." Nakangiting sabi ni daddy. "A-ano.. niloko ka lang namin ni Sky. Ang totoo kasi niyan ay magbabakasyon lang tayo sa Canada for 2 weeks with the whole family." Pagpapaliwanag niya. "We just wanted to see your reactions, bunso. Sorry." Sabi ni kuya Sky. "Talaga? Totoo yan?" Tanong ko habang nanlalaki ang mata ko.

"Oo naman bunso, makakapag-sinungaling ba kami sa harap nila mommy't daddy?" Sabi ni kuya Sky. "Sabagay." Tumatangong pagsang-ayon ko. Kung ganun, edi hindi na ako mawawala ng matagal? Edi hindi na ako malalayo kay monster? Di bale, 2 weeks lang yun! Kaya yan!

"Bunso?" Pagtawag nila kuya sa akin. Tumahimik kasi ako bigla. Mukhang inaabangan nila ang reaction ko eh. "Edi masaya! Okay na yun kaysa sa magtatagal ako sa Canada noh!" Masayang sabi ko. Yumakap din ako sa braso ni monster at inalog-alog iyon. "Yeyyy!" Sabi ko. Natawa naman si monster sa inasal ko. "Kumain ka na ulit." Sabi niya kaya bumitaw na ako sa kanya at kumain ulit. Hihihi! Ang saya! Wala nang problema! Plus makaka-bonding ko pa sila mommy at daddy sa Canada!

Kakatapos lang naming kumain at nandito kami ni monster sa labas ng bahay sa may kotse niya. "Mukhang wala nang dapat problemahin ah." Sabi niya then he cupped my face with his warm hands. "Wala na nga." Nakangiting sabi ko at yumakap sa beywang niya. "I have to go. Bukas flight niyo diba? Sasama ako sa paghatid." Humalik siya sa noo ko at sumakay na sa kotse niya.

"Bye! I love you!" Sigaw niya mula sa loob ng kotse. "Byeee! I love you too!" Kumakaway na pagsabi ko. Umandar na yung kotse pero nagulat ako noong biglang huminto ang kotse. Lumabas si monster sa kotse niya at tumakbo papalapit sa'kin. Anong kailangan nito? "May nakalimutan ka ba?" Takhang tanong ko.

"Uh, yeah. Kunin ko lang ha." Sabi niya. "Ok. Tara." Maglalakad na sana ako papasok ng bahay kaso bigla niyang hinatak ang kamay ko at napayakap ako sa kanya. Yumakap din ako sa kanya. "Akala ko ba may nakalimutan ka?" Tanong ko. "Meron nga. Ito oh." Naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa labi ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. Napangiti ako habang nakahalik siya sa akin. Naramdaman ko rin naman ang pag-ngisi niya.

Humiwalay siya at nakipag-noo sa noo. "I love you more than anything in the world."

Iiiiihhh! Kiliiig! Ano ba, monster!

My King is a MonsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon