Chap 37: Decision

1K 33 2
                                        

Yuri's POV

Hinatid na ako nila Alessa sa bahay namin at pinahiga na ako at pinagpahinga. Masakit na rin ang ulo ko kakaiyak. Feeling ko ang hina-hina ko. Yung pagod na pagod na ako kahit wala naman ako masyadong ginawa.

Wala pa rin sila kuya at pabor naman sa'kin yun. I'm sure magtatanong lang sila ng magtatanong. Ayoko muna nang may kausap. Gusto ko munang mag-isa.

Niyakap ko ang unan ko at umiyak ng umiyak. Bakit ba masyado akong nasaktan? Dahil ba mahal na mahal ko siya? Dahil ba nagtiwala ako sa kanya ng sobra sobra?

Naguguluhan na ako. Gusto ko nang magpahinga but my mind is filled with so many questions. Bakit niya hinalikan yung babae? Kung nakita niya kaya ako, hindi na niya ako papansinin?

Narinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. "Bunso.." Boses ni Kuya Sky ang narinig ko. Nakatalikod kasi ako sa pintuan at nakatakip pa ang mukha ko ng unan. "Ano ba gagawin mo?" Narinig kong bulong ni Kuya Daniel kay Kuya Sky.

"She needs us right now." Pabulong na pagsigaw naman ni Kuya Sky. Medyo napangiti ako dahil sa kanilang dalawa. Bakit ko nga ba kailangang iyakan ang lalaking yun kung may dalawang lalaki dito ang nagmamahal sa'kin?

Tumayo ako at hinarap sila. "Pfft. B-bunso. Haha--ano.. yung sipon mo." Halata sa mukha ni Kuya Sky na nagpipigil lang siya ng tawa. Sumimangot naman ako lalo at pinunasan ang ilong ko.

"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ni Kuya Daniel na tuluyan ng pumasok sa loob ng kuwarto ko. Umupo silang dalawa sa kabilaang gilid ko. "Care to share, bunso?" Tanong ni Kuya Daniel.

"Nandito lang kami, bunso." Sabi naman ni Kuya Sky. Ayan na, namamasa nanaman yung mga mata ko. "Si... si.. Jeyron... *sob* May h-hinahal-ikan k-kanina *sob* sa bar." Tuluyan nanaman akong umiyak.

Naramdaman kong niyakap ako ng dalawa kong kuya. It felt really warm and safe. Iniyak ko lang lahat habang nasa bisig nila ako. "Bunso, ano na plano mo?" Tanong ni Kuya Daniel sa'kin

"Yeah, it's either papatawarin mo siya o hihiwalayan mo." Sabi naman ni Kuya Sky. Hiwalay? Parang.. ayoko. "You should hear his explanation first." Advice ni Kuya Daniel.

"Oo. Or antayin mo siyang mag-sorry sayo at lumuhod sa harapan namin." Sabi naman ni Kuya Sky. Bintukan naman ni Kuya Daniel si Kuya Sky. "Tsk. Sky." Pagwa-warn niya kay Kuya Sky.

Ano nga ba gagawin ko? "Bunso, magpahinga ka muna. When you wake up tomorrow, the answer will be clear to you, okay?" Sabi ni Kuya Daniel. Tumango ako at hinalikan na nila ako sa pisngi. "Good night bunso. We love you." Sabi ni Kuya Sky.

"Rest well." Sabi ni Kuya Daniel at lumabas na sila sa kuwarto ko. Nanatili muna akong nakaupo at tulala hanggang sa nakaramdam na ako ng antok at pagod. I sighed at humiga na ako sa kama ko.

Sana nga, bukas alam ko na ang gusto kong gawin.

--------------kinabukasan--------------

"Yuri! Wake up!" Narinig kong may sumisigaw sa loob ng kuwarto ko. I slowly opened my eyes and I saw my girl friends. Kumunot ang noo ko while looking at them.

"Get up, Yuri!" Sigaw ni Summer at hinatak naman ako nila Jillian at Sam pa-upo sa kama. Si Alessa naman ay may face towel na hawak at pinunas yun sa mukha ko. Nagulat ako kasi ang lamig nung face towel, basa pala yun.

"What are you girls doing?" Matamlay na tanong ko. "Ha? Hindi rin namin alam." Nagkakamot sa ulo na sabi ni Jillian. Obviously, I know that they wanna take care of me and help me. I just pretended na hindi ko alam.

"Sam, pumili ka na ng susuotin niya." Utos ni Alessa kay Sam. "Aye, aye Captain!" Sabi ni Sam at sumaludo pa kay Alessa. "Sama ako!" Sabi ni Jillian. "Come on." Sabi ni Sam.

My King is a MonsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon