Yuri's POV
"Maganda ba?" Tanong ni Monster sa akin pagkapasok namin sa yacht. Hinarap ko siya at ngumiti. "Oo naman." Sabi ko.
"So, ano na next?" Excited na tanong ko. "Punta tayo doon." Sabi ni Monster na tumuro sa may pintuan kung saan makikita mo yung deck. "Okaaaay." Sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta doon.
"Hindi ba aandar yung yacht?" Naka-pout na tanong ko. Dito lang kami? "Aandar. Hahaha. Wag kang excited!" Sabi niya. "Oo na, oo na." Sabi ko at tumingin nalang sa dagat. Humawak ako sa railings at naramdaman ko naman na yumakap si Monster mula sa likod ko.
"I love you, slave." Bulong niya sa may tenga ko at humalik sa pisngi ko. "I love you too, monster." Nakangiting sabi ko. Umandar na yung yacht at tinanaw lang namin ang paligid habang nakayakap siya sa likod ko.
Malinaw yung tubig at kitang-kita ang white sand at coral reefs sa dagat. Medyo palubog na rin ang araw kaya hindi masyadong mainit. May mga isla rin kaming nadadaanan. "Hala? Ba't tumigil?" Gulat na tanong ko. Umalis sa pagyakap si Monster at humarap ako sa kanya, only to find him smiling.
"Magso-snorkeling tayo. Magbihis ka na." Nakangiting sabi niya. Bigla namang nagningning ang mga mata ko. "Talaga? Waaah. Nasaan ba yung damit?" Excited na tanong ko. "Tara sa kuwarto." Sabi niya at hinatak ulit ang kamay ko para pumunta sa kuwarto.
"Eto oh. Bihis na." Sabi niya pagkatapos ibigay sa akin ang damit at hinawakan sa balikat para dahan-dahang itulak papasok sa CR. "Katok ka lang 'pag may kailangan ka." Nakangiting sabi niya. "Okay, wait lang." Sabi ko at pumasok na ng CR.
Sinuot ko na ang damit at lumabas ng CR. Pagkalabas ko ay nakabihis na rin si Monster. "Bagay sayo, monster. Mukha kang professional surfer. Hahaha." Sabi ko. Totoo naman kasi eh. Alam niyo ba yung swimwear na dikit na dikit sa balat? Yung pang-sisid sa ilalim ng dagat. Ganun ang suot namin ngayon.
"Ang sexy mo naman slave. Haha! Bagay rin sayo. Tsk. Alam mo, bagay ka talaga sakin eh." Sabi niya. "At bakit naman?" Tanong ko. "Kasi parehas tayong perfect." Sabi niya sabay kindat. "Waley, monster. Waley. Super." Poker-faced na sabi ko.
"Hahaha. Oo nga eh. Ang korni ko rin eh. Tsk." Sabi niya. "Tara na nga. Excited na akoooo!" Sabi ko with matching palakpak pa. "Let's snorkeeeel!" Sigaw niya at hinatak ako palabas ng kuwarto. Mukhang excited din si Monster eh. Hehe.
"Sakay na. Be careful." Sabi niya at inalalayan akong sumakay sa bangka. Alangan namang tumalon kami mula sa yacht? Hahaha. Masyadong mataas yung yacht na 'to noh. "Humawak ka ng mabuti, slave." Sabi niya. "Opo, opo." Sabi ko habang humahakbang papasok sa bangka.
Bumaba na ang bangka ng onti-onti. "Monster, biliiis!" Natatarantang sigaw ko. "Hahaha. Saglit." Sabi niya at umalis para pumunta sa kuwarto. "Waaaaah! Monsteeeer!!!" Sigaw ko. Okay lang naman sa akin lumangoy sa dagat. Eh pero, nakalambitin yung bangka eh! Tapos medyo gumagewang pa! Huhuhuhu.
"Yaaa! Jeyron!" Sigaw ko. Lumabas naman agad siya at may dala siyang mga goggles. "Waaah! Bad ka. Nangiiwan ka eh!" Sabi ko. Tumawa naman siya at sumakay na rin sa bangka. "Hinding hindi kita iiwan, slave. Hahaha!" Tumatawang sabi niya.
"Iniwan mo nga ako eh!" Sigaw ko. Bumababa na rin yung bangka at malapit na kami sa dagat. "Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan, slave. Kung mangyari man 'yun, eh babalikan agad kita. Binalikan naman kita diba?" Sincere na pagsabi niya habang hawak yung mga kamay ko.
"Now, let's prepare." Sabi niya at kinuha ang goggles at sinuot sa akin. Nakatingin lang ako sa pag-asikaso niya sa akin. "I love you na talaga, monster." Sabi ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Masyado ka nang inlove sa kaguwapuhan ko. Haha! I love you more, slave ko." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
After namin maghanda ay nag-snorkel na kami. Ang ganda talaga ng nature! Parang nasa fantasy world ako sa mga nakikita ko eh. Dinaig pa ang disney land. Hahaha! Magkahawak kamay kami habang nagso-snorkel. Noong medyo dumilim na ay umahon na kami at nagbihis na.
"Gutom ka na ba, slave? Let's eat." Aya ni Monster. Actually, gutom na nga talaga ako kanina pa. Hahaha! Nakalimutan ko lang sabihin kay monster kasi nag-enjoy ako masyado sa ginawa namin. "Yesss. Gutom na akooo." Sabi ko at yumakap sa beywang ni monster. Hinalikan naman niya ang tuktok ng ulo ko.
We went to the dining area and may food na agad na naka-serve. May butler din sa gilid at may hawak siyang wine. "Sit." Sabi ni Monster at hinatak ang upuan para makaupo ako ng maayos. "Thanks." Sabi ko. Tinignan ko isa-isa yung dishes. "Ako nagluto niyan. Especially made for you ang foods na yan." Sabi niya at umupo na sa harap ko.
"I know. Obvious naman sa dishes eh." Nakangiting sabi ko. "Thank you for this day, Monster. Sobrang saya ko." Sincere na sabi ko. "I'm glad that you're happy. Always remember that i'll do anything for you, slave. Now, let's eat. Gutom na rin ako. Hahaha." Sabi niya at nagsimulang kumain.
"May date ulit tayo bukas, slave." Sabi niya habang inaasikaso ang kakainin ko. "Sige ba." Sabi ko at ngumiti sa kanya. "Saan ba?" Tanong ko. "Secret. It's a surprise." Sabi niya at kumindat. "Hahaha. Hindi bagay sayo." Sabi ko. "Tss. Ikaw lang naman kinikindatan ko, aasarin mo pa ako." Sabi niya.
"Hehe. Sorry naman. Hindi lang ako sanay." Sabi ko at kinindatan din siya. "I love you, monster. Thanks for this day." Sabi ko. Natawa naman siya. "Bagay sayo, slave. I love you talaga. Soooo much." Sabi niya at kumain na ulit kami. Excited ako bukas! Ano kayang surprise niya? Yiiieee!
[Para po ito sa pinsan kong demanding. Wahahaha! Thanks Izha. :*
PS. Sabihin mo na sakin!]
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
