Yuri's POV
"Hi guys!" pagsalubong namin sa kanila. Magkakasama na kami ngayon sa isang grupo, yeah! Nagulat ako ng may biglang humawak sa beywang ko at hinatak ako.
"I miss you, princess." yan ang sabi ni Jeyron pagkahatak niya sa akin. Pinagdikit niya ang katawan at noo namin. "B-bumitaw ka nga." sabi ko. Feeling ko talaga namumula na ako eh! Nakakahiya sa kanila! PDA masyado si Jeyron. Huhu~
"Ui, wag kayong PDA. Baka iwan namin kayo diyan eh." sabi ni Kuya Alex. "Mas maganda nga yun eh." sabi ni Jeyron habang nakatitig sa mata ko at nakangisi.
Naramdaman kong may humawak sa braso ko at hinatak palayo kay Jeyron. "Amin muna siya, tutal palagi kayo magkasama." sabi ni Kuya Nick. "Tara, bunso!" masayang sabi niya. Sumunod naman ako sa mga Kuya ko.
Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Jeyron na nakaupo sa bato at naka-salumbaba habang nakatingin sa amin. Hinayaan ko nalang siya. Susunod rin naman yun eh. "Guys, ano, gala pa tayo o balik na sa house?" tanong ni Alessa.
"Gala pa tayo. Mas masaya 'pag magkakasama tayo eh." sagot ni Kuya Cody. "Sus, masaya ka lang kasi kasama mo na si Jillian eh." sabi ni Kuya Alex. "Aba, syempre!" masayang sabi ni Kuya Cody kay Kuya Alex habang nakaakbay kay Jillian.
"Nasaan si Jeyron?" nagulat kami sa tanong ni Alessa. "Akala ko sumusunod sa atin." sabi ni Sam habang nagkakalikot sa cellphone niya. "Eh wala nga siya oh." sabi ni Summer. "Babalikan ko nalang. Mauna na kayo, kita-kita nalang sa bahay." sabi ko habang naglalakad palayo.
"Ingat ka, bunso! Amin ka sa bahay ah!" sabi ni Kuya Nick. "Oo naman!" sabi ko. Kahit ako rin gusto kong makipag-kulitan sa kanila eh. "Jeyron!" sigaw ko. Naglalakad ako ngayon pabalik sa bato na inuupuan niya kanina.
*tsup* "Waaaaah!" sigaw ko. May humalik sa batok ko! Waaaaah! "Yuri~" narinig kong sabi niya habang pumupulupot ang mga kamay niya sa beywang ko. Sino pa ba ang gagawa nun? Si Jeyron, duh~
"I love you." sabi niya at pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. *tsup* Waaah~ humalik nanaman siya sa akin! Sa leeg pa! "Ano ba naman yan, Jeyron! Chansing na yan eh!" reklamo ko. Eh totoo naman ah!
"I love you~" malambing na sabi niya. Pumunta siya sa harap ko at hinalikan ako sa labi ng biglaan. Nakakatunaw yung halik niya! Hindi maganda 'to. Mahina ko siyang tinulak at mukhang na-gets niya ang gusto kong iparating. "Sorry." sabi niya ng nakayuko.
"Bakit ba nang hahalik ka nalang bigla? Kissing monster ka na ba?" tanong ko. "Nakakaselos naman kasi kayo eh. Tapos iniwan mo pa ako dito." pag-iinarte niya. Pumameywang ako at tumingin sa kanya. "So, pinagseselosan mo ang mga friends mo? Wala kang tiwala sa kanila? Sa akin? Ganun ba, Jeyron?" sabi ko na parang may batang pinapagalitan.
"May tiwala ako sa inyong lahat. Pero, kasi.." nakayuko siya habang sinasabi yan. "..ang ganda mo, sexy ka pa, mabait ka rin, maalalahanin at maganda. Gusto ko kasi akin lang yun eh. Kaso... aish! Pati tuloy ako naguguluhan." parang bata na sabi niya. At teka, dalawang beses ko ba narinig ang 'maganda'? Woah. Hihihi!
"Para kang baliw." yan nalang ang nasabi ko. "Baliw sayo, oo." sabi niya. "Psh. Monster." sabi ko. "Psh. Slave." sabi naman niya. Umakbay siya sa akin at naglakad kami pabalik sa house. "Mamaya ah, kila Kuya Alex ako." sabi ko. "Sige na nga." sabi niya. Pfft. Ang daming arte eh.
"Kailan mo ako sasagutin?" biglang tanong niya. "Hm, ngayon." sabi ko. Natawa naman ako sa hitsura niya kasi parang bata na nakatanggap ng malaking toy robot eh! Hahaha! "At syempre, hindi totoo yun." sabi ko. "I was expecting that." sabi niya. Medyo may pagkadismaya ang tono ng boses niya.
"Ang arte mo talaga. Bilisan mo nga." sabi ko. Parang zombie kasi siya maglakad eh. Padilim na nga eh. Huwwaaah! Baka may mga dark creatures dito! Yung ghosts, zombies, aswang, kapre, at... MONSTERS! "Bakit ka namumutla? Okay ka lang?" natauhan nalang ako sa tanong ni Jeyron.
Ano ba yan! Kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip ko! "Okay lang ako. May naisip lang." sabi ko at tumuloy na sa paglakad. "Wag kang matakot, andito ako. I'll protect you." sabi ni Jeyron at hinawakan ang kamay ko. Kumalma naman ako dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
