Chap 19: Beside You

1.4K 36 1
                                        

Jeyron's POV

"Jeyron.." mahinang sabi ni Yuri. Ang init pa rin ng pakiramdam ko. Parang.... AISH! Wag ka nga mag-isip ng ganyan, Jeyron!

Tiningnan ko ang mga kamay ni Yuri, nanginginig siya! Hala! Natakot ba? Nagulat? Masaya? Ay, masaya tapos nanginginig?! Shivers of happiness ba?! Tsk!

"Y-yuri, okay ka lang?" mahinahong tanong ko. Hinawakan ko yung dalawang balikat niya at hinarap siya sa akin. Nakayuko kasi siya kanina eh. Tinitigan niya ako kaya tumitig din ako sa kanya. Tapos...... bigla siyang namula? "Yuri, anong nangyayari sayo? May masakit ba?" tanong ko tsaka nilapat ang kamay ko sa noo niya. Hmn, wala namang lagnat. "Wala ka namang sakit ah. Bakit ka namumula?" nagtatakang tanong ko.

"EH KASI BIGLA-BIGLA KA NALANG NANGHAHALIK! SINO BA NAMAN ANG HINDI MAHIHIYA?! IKAW LANG ATA YUN EH!" nagulat ako sa biglang pagsigaw niya. Kaya napaatras ako at tumayo naman siya. "Eh kung nahihiya ka, why did you kiss me back?" I gave her an annoying look. Mukhang inis na siya eh. Sarap asarin, hahaha!

Natahimik siya at tumalikod. Tapos umupo ulit siya at sinandal niya noo niya sa puno. Yung likod lang niya yung nakikita ko. "H-hindi ko alam. Ang alam ko lang, madalas kitang iniisip, palagi kitang tinitingnan, gusto kitang makasama araw-araw, gusto ko makita mukha mo palagi, bumibilis heartbeat ko kapag ang lapit mo sa akin, naiinis ako sayo kapag lumalapit ka sa ibang babae, *gasp*" mukhang nagulat siya sa pinagsasabi niya kasi tinakpan niya bibig niya.

Tapos, tinanggal niya ulit at tumayo na. "Sige, tutal alam mo nang in love ako sayo. Tanggalin mo na ako bilang slave mo. Besides, last rule mo yun, right? I know, the devil in you is happy kasi may nalaman kang hindi mo dapat malaman. Go! Spread the word. Bahala ka na diyan." sabi niya habang nakatalikod parin sa akin. Narinig kong umiiyak siya. Mahal niya rin ako? Ibig sabihin, may pag-asa pa ako? Tumayo ako at saktong paalis na siya ay nahatak ko siya at nayakap patalikod.

"Sa tingin mo, hahalikan ka ba ng Kamahalan mo kung hindi ka niya mahal?" tanong ko. Oo, aamin na rin ako. Sasabihin ko lahat ng totoong nararamdaman ko tulad ng ginawa niya. Tumigil siya sa pag-iyak. Hinarap ko siya sa akin, "Yuri, palagi kitang hinahanap, naku-curious din ako sa kung ano ginagawa mo sa araw-araw. At tinatanong ko sa sarili ko minsan, mahal din kaya ako ni Yuri? Pero ngayon, mukhang nasagot mo na ang tanong ko." pinunasan niya ang luha niya. "Baka naman pinagloloko mo lang ako?" tanong niya. "Nagdududa ka sa nararamdaman ko? O hindi mo inaasahan na mapapa-mahal din ako sayo?" tanong ko.

"Both?" patanong na sagot niya. Hm, paano ko ba mapapatunayan sa kanya na mahal ko siya? Ah! "Mayuri Hannah Valdez.." sabi ko at lumuhod ako sa harap niya, "Can I court you? I promise that I will always be beside you. Hindi ko hahayaang may manakit sayo. At papasayahin kita hangga't makakaya ko. So..will you accept me?"

Yuri's POV

Napaamin ako ng wala sa plano! Shucks. Pero, buti na lang umamin ako. Kahit umiiyak at nanginginig na ako sa hiya kanina. Nagulat nalang ako nung bigla siyang yumakap sa likod ko at umamin na din. Kinikilig ako! Urgh!

"Yuri?" ay, nakaluhod pa pala si Jeyron. Pero, may biglang pumasok sa isip ko. "What about my slave thingy? Nasa rule yun diba? That don't you dare fall in love with me one." tanong ko. Oh diba? It's true naman ah.

"Rules are meant to be broken." I nodded in response. Hm, oo nga naman. "Edi yes na!" masiglang sabi ko na may ngiti sa aking labi. "YEAH! KAMI NA! WOOOH!" sabi niya habang tumatalon-talon na parang bata. Kami na?! Eh diba ligawan stage palang?! Binatukan ko nga, "Hoy, ligaw muna bago maging tayo!" sabi ko. "Tss. Sa huli, magiging tayo rin noh!" ayan na, humahangin na ulit. Makaalis na nga, masyadong maraming nangyari sa lugar na ito ah. "Ui, Yuri.. joke lang naman. Salamat ah." sincere na sabi niya at ngumiti pa.

O-emji. Ang guwapo ng manliligaw ko! KYAAA! "Wag ka muna umalis. Kain muna tayo." sabi niya. Ngumiti ako sa kanya, pero.."Kain? Walang pagkain dito ah." sabi ko.

"Meron. Nandito sa bag ko. Magpi-picnic tayo!" parang batang sabi niya at hinatak ang kamay ko pabalik sa puno.

My King is a MonsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon