Yuri's POV
Dumeretso kaming lahat sa 82o. Gusto daw nila uminom. Syempre, kaming girls ay hindi pwede. Good girls nga diba? Haha.
When we arrived at the bar, pumasok agad kami. "You have a lot to tell us, Yuri." Sabi ni Alessa. "Oo nga eh, sorry ha. Hindi ko kayo nasabihan agad. I was shocked too." Sabi ko ng nakayuko.
Umakbay naman si Monster sa'kin. "Umupo muna kaya tayo." Sabi ni Monster sa kanila. Nagsitanguhan sila at naghanap ng upuan. "Monster, wag ka masyadong magpaka-lasing ha?" Sabi ko kay Monster na nakaakbay sa akin.
"Opo, slave." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. "Wag ka ring uminom." Sabi niya sa'kin. "Syempre naman." Sagot ko sa kanya.
Naglakad na kami papunta sa table namin. Nagtatawanan na sila doon. Psh. Parang ang tagal ata naming nawala? Hahaha. "Ui! Nandyan na pala kayo!" Sigaw ni kuya Hans.
Malakas ang music kaya kailangang sumigaw pa kapag medyo malayo ang kausap mo. "Jeyron! Tara sa counter!" Aya ni kuya Alex. Tumango si Monster at sumama sa kanila.
Ako naman ay umupo na sa table kung saan puro babae ang nandito lang. "Anong nangyari sa date niyo, Yuri?!" Excited na tanong ni Jillian. "Waaah! Oo ngaaa! Nag-kiss ba kayo?!" Malaking mata na tanong ni Summer.
Hahahaha. Yung tanong ni Summer, ang kulit lang. "Malamang nag-kiss sila! Hahaha!" Sigaw ni Sam kay Summer. Nakikitawa lang ako sa kanila.
Nag-kuwentuhan, kainan, at inuman lang kami for three hours. Grabe, ang saya! "Yuri, let's go to the boys na. Gusto ko na umuwi." Sabi ni Alessa. Tumayo na kami at pumunta sa counter.
Ang sikip ng dinaanan namin kaya nahirapan akong pumunta sa may counter. Ang dami kasing tao at nagsasayawan pa. Lumagpas sila sa dance floor. Haha!
I passed by a couple kissing each other. Aww. Ang sweet nila. Parang si Monster yung lalaki eh. "Yuri, hindi ba yan si Jeyron?" Narinig kong tanong ni Alessa sa'kin.
Tinignan ko ng mabuti yung lalaki. "M-monster?" Kunot noong sabi ko. "Yuri, let's go." Hinatak na ako ni Alessa. "P-pero, paano si.. *sob*" Hindi ko na napigilang umiyak.
"Girls let's go." Narinig kong sabi ni Alessa kila Sam. Tumayo naman agad sila at sumunod sa amin. Umiiyak lang ako habang hatak hatak ni Alessa.
"What happened?" Tanong ni Jillian nang makasakay kami sa taxi. "Nakita lang naman niya ang stupid boyfriend niya while making out with a girl." Inis na sabi ni Alessa.
"Alam ba niyang nakita niyo siya?" Tanong ni Sam. "No." Sagot ko. Tapos na ako umiyak pero naluluha-luha pa rin ang mata ko at humihikbi pa rin ako. "Uuwi ka ba sa inyo?" Tanong ni Summer sa'kin.
"Malamang." Sagot ko na medyo natatawa pa. Oo, tumatawa ako, pero sa totoo lang, gusto ko nang humagulgol ng sobrang lakas. Naaalala ko yung pakikipag-halikan ni Monster kanina. It hurts. It really hurts.
I trusted him. Akala ko hindi na siya titingin sa iba. "Paano kung lasing lang siya at yung babae ang nag-initiate ng kiss?" Tanong ni Jillian. "So? That won't change the fact na he responded pa rin sa halik nung sl*t." Mataray na sabi ni Sam.
"Sa bagay." Sabi ni Jillian habang tumatango. Hindi ko alam ang totoo, pero tama yung sinabi ni Sam. He still responded. He still held her. Alam kong ang drama ko, pero, kasi naman! Hindi pa nga ako nakakaalis, makikita ko na siyang may kahalikan na iba?
Ganun ba gagawin niya habang wala ako? Titingin nga siya sa iba? And worse, makakalimutan niya rin ba ako?
[Sorry sa late UD. Wala kasi akong maisip na next happening. Haha! Anyway, enjoy reading! Vote and comment!]
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
