Yuri's POV
"Ang dami namang pagkain sa bag mo." sabi ko habang isa-isang nilalabas ni Jeyron yung mga junkfoods, drinks and sandwiches mula sa bag niya.
"Prepared ako eh. Alam ko kasing gugutumin ka. Bigla-bigla ka nalang kasing umaalis. Hmm, oo nga pala, parang bad trip ka kanina, what happened to you?" mahabang sabi niya.
Bakit nga-- shucks. Sa kanya pala ako nainis. Now that I think of it, mas naiinis tuloy ako sa sarili ko. I got pissed dahil sa sobrang liit na bagay.
"Psssssssst!" oh, right. Sasabihin ko ba? Hmm, ayoko. "I don't wanna tell you." sabi ko sa kanya. Kumunot noo niya at medyo nag-pout. "Why?" tanong niya habang nagpapa-cute.
"Ahm. Hm-mm." sabi ko at nag-shrug. Kumuha ako ng chips at binuksan iyon. Nakatingin lang siya sa akin. Naco-concious ako pero hindi ko pinapahalata.
Kukuha palang ako ng chips pero bigla niyang hinablot yung bag of chips at inilayo sa akin. "Sasabihin mo sa akin o sasabihin mo sa akin?" tanong niya. "Eh, kasi eehhh." nag-pout ako. Pa-cute lang, haha! Malay mo umepekto.
"Hahalikan kita ulit o sasabihin mo? Pumili ka." ma-awtoridad niyang sabi. "Eh, bakit mo ba ako pinipilit?" tanong ko. "Syempre, nag-aalala ako sayo. Kaya nga kita sinundan eh. Ganito nalang, sabihin mo sa akin ang dahilan at makakakain ka. Kung hindi, hahalikan na talaga kita." HALAA?!
"Ayoko nga eh! Wag ka nga mangealam." sabi ko. Hinayaan ko na siya at tatayo na sana pero biglang hinila ako ni Jeyron.
'Yung totoo, nakaka-ilang hila na ba siya sa akin simula nung makilala ko siya?' Hinarap niya ako sa kanya, nanaman. Haaaay.
Nag-pout siya at nagpa-cute. Psh. Paawa effect pa. Ano nanaman ba gusto niya?! "Ano?!" tanong ko, pinapahalata kong naiinis na ako para tigilan niya na ang pangungulit sa akin.
"HAHALIKAN. KITA. O. SASABIHIN. MO?" sumeryoso siya bigla. "Why do you want to know the reason ba?" tanong ko. Diba? Bakit kailangan niyang malaman? "Dahil ba sa akin kaya hindi mo masabi?" biglang sabi niya.
Nanatili lang akong poker face. "Ano ba nagawa ko sayo?" tanong niya ulit.
Nakakahiya namang aminin! Ano ba yan. 'I-deny mo nalang!' ayy, oo nga noh. "Ha-ha-ha! A-ano ka ba, wala lang yun. M-meron kasi ako eh kaya, ayun..." unsure na pagsabi ko. Naku, sana maniwala.
Biglang namula yung mukha niya at tumingin sa ibang direksiyon. "Ah, sorry." sabi niya. "Ganun na pala kalala yung nagawa ko para ipahiya mo pa sarili mo sa akin." WUUUT?! Ipahiya? Grabe ah, ang OA na. Hahaha! Sabihin ko na nga para makakain na kami!
"*sigh* K-kaya ako na-bad trip kasi, ano.." waaaah! Nahihiya ako. "Ano?" eager niyang pagtanong.
"Ano.." hindi ko kaya! "Ano nga kasi?!" biglaang sigaw ni Jeyron kaya nagulat si Yuri at nasabi agad ang dahilan. "Kasiwalalangsayoyungpaghalikkosayokaninasamantalangakoaysobrangnahihiya!!" mabilis na sabi niya.
Nakatitig lang sa kanya si Jeyron. Para bang ina-absorb palang niya ang sinabi ni Yuri. "Psh. Ang babaw naman nun! Syempre hindi ko pinapakita na kinikilig ako noh! N-nakakahiya." mahina niyang sinabi ang last part ng sinabi niya.
"Sinabi ko na nga tapos mang-aasar ka pa." sabi ko at bumalik na sa pagkakaupo. Haay, ang gulo naming dalawa ah. Tatayo, uupo. Magsisinungaling, aamin. Sisigaw, bubulong. Magkaaway, magkaibigan.
Tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/14484070-288-k875498.jpg)
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...