Chap 24: Nothing Happened

1.1K 30 0
                                        

Laira's POV

Urgh, ang sakit ng ulo ko. Parang may mabigat na bato sa loob! Hindi ko rin maitayo ang katawan ko kasi feeling ko may nakadagan sa akin sa ka-- "Oh, sh*t." malutong na pagmura ko pagkadilat ng mga mata ko.

I just remembered what I did last night! Paano nangyari yun?! Sino may kagagawan nun?!

.

.

.

"ALESSA!!" sigaw ko habang nakahiga pa rin. Siya ang may kasalanan! Lagot siya sa akin mamaya! Patay talaga siya! Grrrr!

Nagbago ako ng puwesto sa pagkakahiga dahil naiinis ako. Paglingon ko sa gilid ay, "Goodmorning prinsesa ko. Ang aga-aga ang ingay mo." katapat ng mukha ko si Jeyron! Magka-nose to nose pa kami! Waaaah!

Natulala ako sa biglang pag-ngiti ni Jeyron. Kumunot nalang ang noo ko ng biglang maglaho ag ngiti niya. "Sorry sa kagabi ah." sabi niya sabay dahan-dahang tumayo sa kama.

Namula naman ang pisngi ko dahil ako naman ang may kasalanan--at si Alessa--kung bakit nagyari iyon.

"Thank you, Jeyron. I owe you, bigtime." sabi ko nang maalala ko ang mga sinasabi niya kagabi. Ang sweet niya kagabi! And those kisses..KYAAAH!

Napailing nalang ako sa naisip ko. Itigil mo yan, Yuri! FOCUS! "Pero, grabe, muntik na akong bumigay sayo kagabi! Ang hot mo kasi eh!--Ah! Sh*t!" sabi ni Jeyron. Binato ko kasi siya ng matigas na unan eh. Buti nga, hmp!

"Nangaasar ka pa eh! Nakakahiya kaya." sabi ko habang nakanguso. "Hahaha. Yuri, hindi ka dapat mahiya. That's part of growing up!" pangangatwiran ni Jeyron.

"Psh. Just act like nothing happened, okay?" sabi ko sa kanya ng seryoso. Mahirap na baka malaman pa nila at ipagkalat sa pamilya ko! Waaaah! Hindi ko ata makakaya yun!

"Ayoko nga. Syempre ipagkakalat ko yun noh! Ang astig eh. Hahaha!" pang-aasar niya. "Jeyron naman eh!" inis na sigaw ko sa kanya. "Bahala ka diyan." bagot na sabi ko.

Wala na. Tapos na ang buhay ko. Isa na akong patapon na kapatid. Kapag nalaman nila kuya yung nangyari, ano nalang gagawin ko?!

Pumasok ako sa CR without looking at him. Naghilamos at nag-toothbrush na ako. Lumabas ako mg CR at dumeretso palabas ng kuwarto. Hindi ko siya papansinin, hmp! Manigas siya diyan!

"Goodmorning, Yuri! Nakatulog ka ba ng maayos?" salubong na bati sa akin ni Alessa with her oh-so-innocent smile.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Goodmorning, Alessa. Lagot ka sa akin mamaya." sabi ko at ginaya ko rin ang ngiti niya.

Nagkatinginan silang lahat with the patay-tayo-diyan looks on their faces. "Mukhang may mga kasabwat ah." sabi ko na parang kinakausap ang sarili ko pero sadyang pinaparinig ko rin sa kanila.

"Goodmorning everyone!" masayang pagdating ni Jeyron sa dining room. "Ui, mukhang may nagyari ah.' sabi ni Kuya Hans.

"Ano Jey, naka-homebase ba?" tanong ni Cody. Binatukan naman siya ni Jillian. "Huh? Wad'ya mean?" kunot noong tanong ni Jeyron. "Ano bang nangyari sa inyo kagabi?" tanong ni Nick. "Hm, ininom namin yung gatas na binigay ni Alessa then we slept." pagpapaliwanag niya.

Waaaaah! Pinipigilan ko lang ang pag-ngiti ko dahil baka mabuking kami. "Kumain na nga tayo. Kung anu-ano pa pinagsasabi nila." sabi ko. Gutom na kasi ako eh. Tsaka nakakatakam yung bacon and eggs.

"Anyway, anong activity for today? And what time tayo aalis mamaya?" pag-iiba ng topic ni Jeyron. Nice one, monster! Wooh! Hindi halatang nagpapanggap kami.

"Mamaya, maghihiwalay-hiwalay tayo and maglalakbay sa gubat. Tapos kung sino yung magtagpo magsasama na sila. For example, si Yuri nakita si Jeyron. Sabay silang maglalakbay. Then, on their way nakita nila ako, tapos makiki-join ako sa kanila. So, siguro, magkakaroon tayo ng 2 groups kapag nagkita-kita dito sa house." mahabang explanation ni Alessa.

Mukhang masaya yun ah! Nakaka-excite naman. Sino kaya magiging groupmates ko mamaya?

My King is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon