Epilogue

2.1K 39 3
                                        

Jeyron's POV

"Monsterrrrr!" sigaw ni Slave habang tumatakbo papalapit sa akin. Kakatapos lang ng classes namin at magl-lunch kaming lahat sa kung anong restaurant na magustuhan naming kainan. "Careful! Takbo ka nanaman ng takbo eh." Sabi ko sa kanya. "Parang tatay ka nanaman. Sige ka, Monster. Tatanda ka ng maaga niyan! Hehe." Pang-aasar niya sakin.

"Oo nga. Tignan mo oh, namumuti na buhok mo." Sabi naman ni Alex habang hinahawakan at parang nandidiring nakatingin sa buhok ko. Tinignan ko lang ng walang emosyon si Alex at hindi na siya pinansin. Hinawakan ko na kamay ni Slave at hinatak na siya palabas ng EOR. "Halika na nga! Gutom na ako!" Naaasar na sabi ko sa kanya. Narinig ko namang tumawa sila at sumunod na sa akin.

"Where do you want to eat?" Tanong ko kay Slave. "Uhm. Sa.... Pizza Hut tayo!" Masayang sabi niya. "Sige." Sabi ko at huminto para sabihan yung mga nasa likod namin na sa Pizza Hut kami kakain. "Let's eat at Pizza Hut."

Sumangayon naman silang lahat at naglakad na ulit kami. "Yuri! Yuri!" Napalingon kaming lahat sa sumisigaw na dalawang babae sa kabilang parte ng kalsada. "Sino sila?" Nagtatakhang tanong ko kay Yuri. "Uwaa~ sila Marjorie at Judith! Mga pinsan ko!"

Masayang sabi ni Yuri at biglang bumitaw sa akin para dere-deretsong tumakbo papunta sa mga pinsan niya. "Teka lang, Yuri! Baka madisgrasya ka!" Sigaw ko sa kanya noong biglaan siyang tumawid ng kalsada. "Yuri!!!" Hindi niya ba ako naririnig?! Sh-t naman!

Tumakbo na ako at sinundan siya para maitabi siya sa gilid ng kalsada. "Yuri! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Excuse me? Sino ka?" Tanong sa akin ng babaeng niligtas ko pero hindi ko na kilala. "Nasaan si Yuri?" I asked the girl. "What? Sinong Yuri? Oh, wait.. do you mean, Mayuri Hannah Valdez? That girl who died because of a car accident?" Natatawang sabi ng babae.

Died?

Car accident?

Si Yuri...?

No.. no. I must be dreaming..

Wake up, Jeyron! Wake up! Panaginip lang 'to! Hindi totoo 'to! Wake up!

"Jeyron! Wake up!" I heard a voice calling me. I slowly opened my eyes and looked around me. Why am I in the hospital? Kumunot ang noo ko and I looked at the person who was waking me up. "Tita? Ano pong nangyari?" Nagtatakhang tanong ko.

Why can't I remember anything? Wait.. me and Yuri had dinner together last night! Pero bakit nasa hospital ako ngayon? Bakit nandito si tita?

Nanlaki bigla ang mga mata ko. "Tita, nasaan po si Yuri? Ano po bang nangyari? I can't remember clearly." Naguguluhang tanong ko kay tita. Niyakap naman ako bigla ni tita. At habang yakap yakap niya ako ay may nakita akong familiar na babaeng nakahiga sa hospital bed. She was so familiar that it hurts.

Naramdaman ko nalang ang biglang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa babaeng iyon na maraming kung anu-anong medical instruments sa katawan niya. "It can't be.. kagabi lang, masaya kaming nagkakainan.. then sumakay kami sa Ferris Wheel.. tita.... tita, what happened?"

Hindi na ako makapagisip ng maayos dahil patuloy na akong humagulgol sa balikat ni tita. "Jeyron.." sabi ni tita habang hinihimas-himas ang likod ko. "Listen to me.." she said. Hinarap niya ako sa kanya at tinignan sa mga mata. I couldn't see her clearly because of my tears but I know that she's crying.

"When you were driving Yuri home. You both got into a car accident. Minor injuries lang ang nakuha mo because the car na nakabangga sa inyo ay nag-galing sa side ni Yuri. That's why mas malakas ang impact kay Yuri causing her to be in a coma." Natulala ako sa sinabi ni tita.

Pinilit kong tumawa. "Haha. No.. haha. It can't be. Iba ka rin pala magbiro tita noh? Ahaha. That's not true right? Joke lang po ang lahat ng ito diba?" Nginitian ako ni tita. "Oh, you poor boy. Living a happy dream with Yuri made you have a hard time going back to the cruel and unfair reality, huh?" Naiiyak na sabi ni tita while gently caressing my face.

"This is the reality now, Jeyron. You need to wake up. You need to be strong for Yuri. If you want her to fight, then go fight with her. Do you understand me?" Seryosong sabi ni tita. "I will, tita. I will fight with her and for her. But I need time to calm myself." Naluluhang sabi ko at pilit na ngumiti.

"Thank you po, tita. And I'm sorry. It should've been me." Malungkot na sabi ko. "No.. no. Be strong, Jeyron. Wala kang kasalanan. You're a good boyfriend and son. I'm very thankful na nakilala ka ni Yuri kasi nakita kong sobrang saya ng bunso namin sayo." Umiiyak na sabi ni tita.

Niyakap ko si tita para patahanin siya habang hinihimas ang likod niya. I'm still having a hard time believing this. But, sa nakikita ko?

Si tita na umiiyak, sa babaeng mahal na mahal kong nakahiga sa hospital bed.

I have no other choice but to believe this heartbreaking truth.





[Any comments? Hehe. Season 2, coming soon after my other stories! ^0^]

My King is a MonsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon