Chap 15: Girls' Secrets

1.2K 36 4
                                    

Yuri's POV

Nandito kaming mga babae ngayon sa labas. Talking about nonsense. Yung nagsimula kami sa school tapos napunta sa kung bakit may 9 na buhay ang pusa? Ganun lang naman. Hahahaha!

"Maiba ang usapan, kamusta lovelife, Yuri?" pag-iiba ni Alessa ng usapan.

"H-huh? A-ahh, okay lang?" patanong na sagot ko. Grabe talaga ito si Alessa! Baka mabuking ako eh!

"Ooh! Sino?! Sino?!" excited na tanong ni Jillian with matching alog sa arm ko. Katabi ko kasi siya eh.

"Hindi ata naman alam yan ah! Sabihin mo na. Sige na!" pamimilit ni Summer. "Oo nga, parang wala tayong pinagsamahan ah. *sniff* Ganyan ka na ah." sabi ni Sam na nagpapanggap pang magtampo at umiyak. Sus! Ang daming alam, hahaha!

"*sigh* Sige na nga. Basta secret lang ah." sabi ko para mapatahimik ko na sila. Ang ingay kasi eh! It's annoying kaya.

"Syempre, hindi na kailangan pang ipaalala yan noh! Automatic na yun." sabi ni Jillian. Okay, fine! Pero, kahit naman ako hindi pa sure sa aaminin ko eh. Teehee!

"So, ganito kasi yun. Simula nang medyo nakilala ko ang good side ni boy ay nagkakagusto na ako sa kanya. Hm, i think, kapag kasama ko siya magaan sa pakiramdam ko. Feeling ko safe and happy rin ako." panimulang pagkuwento ko.

"So, sino nga si boy?!" tanong ni Sam na parang nagmamadali. Si Alessa, nakatingin lang sa akin na parang nangloloko. I gave her a humanda-ka-sakin-mamaya look ko. Tumawa lang siya.

"S-si ...... eh! Hindi ko kayang aminin eh!" sabi ko. Grabe, nag-aalangan talaga ako! Eeeeh!

"Sabihin mo na! Ang dami pang ritwal bago umamin eh! Naku, kapag hindi mo inamin, ikukuwento ka lahat ng embarassing moments mo noon!" sabi ni Alessa, "Ikukuwento ko rin kay "boy"" dagdag niya pa.

Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang irita. "Nakakainis ka Alessa! Hate you talaga, tsk!" sabi ko. "I love you too bespren!" sabi naman ni Alessa na nangaasar.

"Ui! Sabihin mo na." sabi ni Summer. Shizzleberry naman oh! Bad trip. Tch!

"Ito na, lumapit kayo." lumapit naman sila sa akin at binulong ko sa kanila, "Si Jeyron." sabi ko ng mahina.

"Kyaaaaaaaa!" sabay-sabay nilang pagsigaw at pagtili. Waaah! Ang ingay! I gave them a sign

to shut up by putting my index finger on my lips. At mukhang nakuha naman nila iyon dahil tumahimik sila.

"Susuportahan kita diyan, Yuri! Mabait at matino yang si Jeyron." sabi ni Jillian. Alam ko naman yun eh! Hehe!

"Kaya pala palagi kang tumitingin kay Jeyron." sabi ni Sam habang nakahawak sa baba niya na parang may iniisip na malalim.

"Grabe, tama ang in-expect ko. Boto ako kay Jeyron, Yuri. Bagay kayo!" sigaw ni Summer. Si Alessa, ayun tumatawa lang.

"Eh, kayo sino ba mga love niyo?" binalik ko ang tanong sa kanila. Hmp! Hindi ako papayag na ako lang ang tatanungin at aamin noh!

Tumahimik silang lahat at umupo ng maayos. Hahahaha! Na-tense ata. "Alessa, kamusta naman kayo ni Hans?" tanong ko. Biglang nanlaki mata niya at umiwas ng tingin. Tumawa siya na halatang pilit, "A-ano ba yang pinagsasabi mo! Umayos ka nga." sabi niya sbay hampas sa braso ko pero mahina lang.

"You. Are. Lying." sabi ni Sam. Nakatingin lang si Alessa sa paa niya. "I think, ahm, I think... I love him." pag-amin ni Alessa.

"Yeaaaaah!" sigaw ko. Yung iba nagsisigaw din. Haha! Masyadong masaya ang topic namin ngayon, nakaka-tense!

"Sam! A-ano, ikaw naman. Sino love mo?" tanong ni Alessa na hindi pa rin maka-get over sa pag-amin niya.

"Wala pa." deretsong sagot ni Sam. Tumingin lang kami sa kanya pero hindi namin mabasa sa ekspresyon ng mukha niya kung ano iniisip niya.

"Walang thrill! Summer ikaw?" tanong ni Jillian kay Summer. Tumingin naman kami kay Summer. "Hm, crush palang." sabi niya. Yun oh!

"Sino?!" sabay-sabay naming tanong. Minsan pang kasi makapansin ng lalaki itong si Summer eh.

"Si N-nick." sabi niya. Wow! Si Nick! "Bagay kayo nun!" sabi ko. Sumangayon naman yung iba. Same silang makulit and cute eh. Kaya bagay sila!

"Ui, crush palang naman eh. Hindi ko pa siya love." sabi ni Summer. Teka, "pa"? "Hindi pa love"?! "Ibig sabihin, may chance na--" pinutol ni Summer sasabihin ko. "U-huh." savi niya habang tumatango-tango pa.

"Eh, firsts naman! First kiss. Yuri, you start." sabi ni Jillian. Para kaming naglalaro, hahaha! Hm, sino nga ba first kiss ko? Ahh, oo nga pala si Jeyron.

Jeyron..

Jeyron..

Jeyron..

WHAAAT?! Hala! OMG! Accidental kiss lang naman yun eh, diba? Pero, para sa akin first ko na rin yun! JEYRON IS MY FIRST KISS!

"Yuri! Game na."

My King is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon