Jeyron's POV
"Yuri! Game na." narinig kong sabi ni Alessa kay Yuri. Nakita kong nakabilog silang lahat at namumula ang mukha ni Yuri. Ano ba ginagawa nila?! Tsk, mga babae talaga, iba ang trip! Nakakatakot!
Tinignan ko lang sila from the door of the van. Nasa gilid ko lang sila Hans. Maybe, nakatingin lang din sila sa girls.
Yumuko si Yuri. Parang may binulong. Pag-angat niya, she covered her face. Yung iba, nakanganga... literally. Tapos bigla silang huminga ng malalim, "WHAAAAT?!" "ANOOO?!" sabi nila ng sabay-sabay.
"SI JEYRON ANG FIRST KISS MO?!?!"
...processing.....
…buffering….
…loading….
A-ako?! FIRST KISS NIYA?! AAAAAAKKOOOOOO?!?! Sh*t! F*ck! Ewan ko ba kung matutuwa ako o magugulat eh! Dapat ba akong kiligin?! Sh*t! Nakakabading!
Nakita kong nakatingin sa akin sila Alex. Halata sa kanila ang pagkagulat. I can feel my face heat up! Nag-face palm ako para hindi ko sila makita at hindi rin nila ako makita. Ramdam ko na parang nakatingin LAHAT sa akin. Pati si Yuri, i think?
Biglang hinatak nila Nick at Cody ang arms ko. Nakatakip pa rin mukha ko. I don't know where they're taking me! Napagdesisyunan kong tanggalin yung kamay ko sa mukha ko kasi I look stupid and weird.
Nakita kong nakapalibot sila sa akin. Tumingin ako sa gilid ko. Katabi ko si Yuri! Anong plano nila?! Naka-upo kaming dalawa ni Yuri. Nakayuko siya. "Jeyron at Yuri. JeYuri. Hmm, okay na ba yun?" sabi ni Summer ng seryoso habang nakahawak pa sa baba niya. "JeYuri is good. Okay na yun. Now for the interview. Handa na ba kayo?" sabi naman ni Nick at ginaya pa si Korina sa Rated K. Nag-nod silang lahat.
Kumuha sila ng mga upuan. Umupo sila at humarap sa akin--este, sa amin pala. Okaaaayy...? Ano gagawin nila?!
"Ang susunod na programa ay rated spg. Maaaring may mga nakakakilig na scenes, aminan, ka-sweetan at ka-corny-han na sobrang angkop sa mga batang manonood." sabi ni Nick. "Ehem! Jeyron, ayon sa aming narinig ay IKAW daw ang first kiss ni Yuri! Is that true?" sabi ni Alessa na parang reporter at tinuturo-turo pa ako. "Kailangan po ang honest na pagsagot dito, okay? Kundi, may penalty kayo!" dagdag niya.
*sigh* I looked at Yuri. Nakatingin din siya sa akin at nagtagpo ang mga mata namin. Nanlaki mata naming dalawa at nag-iwas ng tingin. This moment is just SO awkward.
"Ui! Sagot!" sigaw ni Alex na mukhang excited na. "A-ano, Y-yuri? Sasagutin ko ba?" bulong ko kay Yuri pero rinig naman nila. Nag-nod lang siya. "*breathe in* *breathe out* Oo." sabi ko.
Yung mga reactions nila, parang ewan. Halata naman na kinikilig at gulat sila. Gusto rin ata nilang tumawa sa sobrang tuwa eh! Pinipigilan lang nila. Psh!
Nakakainis sila! Gaganti kami ni Yuri mamaya. Akala nila kami lang ang gaganitohin nila ah?! SILA RIN! "Ehem. Ok. So, paano nangyari?" tanong ni Jillian. Paano nga ba nangyari? Hmm.. AH! Yung hinatak ko siya tapos natisod siya at natumba siya tapos nakapatong siya sakin. Then, yung accidental kiss. Psh. Diring-diri pa ako noon eh. Hindi ko akalain na magkakagusto pala ako sa kanya.
"It was just an accident guys. No big deal!" finally, nagsalita rin si Yuri. Nag-nod ako to show that I agree. "Hinatak niya ako noon sa wrist ko tapos natumba kaming dalawa, then, ayun." pag-explain niya. It's obvious na nahihiya siya.
"When was that?" tanong ni Sam. "And where?" dagdag ni Cody. Ano ba yan, akala ko tapos na. "Sa EOR (Employees Only Room). Matagal na rin yun. Mga 2nd week ng pagiging slave niya, maybe?" sabi ko. Actually, I'm not sure kung kailan yun eh. I just guessed para matigil na sila.
"Walang thrill! Tapusin na nga natin ito. Tara guys!" sabi ni Summer. Nagkatinginan kami ni Yuri. Halatang may gusto siyang gawn at gets ko yun kasi kahit ako, gusto ko rin maghiganti. "Tara." sabi ko. Nag-nod siya at ngumiti. Sh*t. Ang. Ganda. Niya. Napapamahal ako sa kanya dahil sa mga ginagawa niya eh. Hindi pa nga kami eh, sobra na pagmamahal ko sa kanya. Yuck! Ang corny ko! P*ksh*t! Nababading ako!
"Guys! Meron pa kaming hindi nasasabi sa inyo!" sigaw ni Yuri, dahilan para magsibalikan ng mabilis silang lahat sa upuan nila sa harap namin. Tumingin ako kay Yuri. She's smiling sheepishly. Naku, lagot na kayo! Actually, may pang-blackmail din pala ako sa kanila!
"It's our turn. Pwede?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Novela JuvenilMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
