[A/N: Vote and leave comments po! Labyu all! Mwaaaah! Godbless you all!]
JEYRON'S POV
I texted Alex na ako na ang dadaan sa bahay nila Yuri. He replied that siya na daw ang dadaan at alam na ni Yuri. But, I insisted na ako na ang magsundo hanggang sa mag-forfeit na siya sa pakikipag-debate sa akin.
Nasa harap na ako ng bahay nila Yuri ngayon. Nakita ko siyang sumulip sa bintana. When she walked out of their door, I got out of the car. I went near her. I saw her figuring-who-I-am face while looking at me. Hahaha! She's so cute, I could kiss her!
'That's it!' I thought as I remembered something that could make me happy and Yuri crazy. Hahaha! I kissed her on her forehead because that's what Alex and the others do! Yeah, the joy inside me can burst out anytime.
"B-bakit ka humalik sa noo k-ko?!" tanong niya sa akin. I laughed softly because of her reaction. Haha! She's blushing, how cute! I pinched her cheeks, "Bakit? Sila Alex lang ba pwede humalik sa noo mo?" I asked.
Huminga siya ng malalim, "KAMAHALAN, hindi po kita KUYA. SLAVE mo po ako." sabi niya habang dinidiinan niya ang pagsabi ng wairds na Kamahalan, Kuya at Slave. Tch! Parang ayaw niya sa halik ko ah?! Noo palang yun, paano na kaya kung labi?!
"Bakit? As you've said, ako ang KAMAHALAN mo at ikaw ang SLAVE ko. I can do what I want to you." sabi ko. Ginaya ko rin ang pagsabi niya ng Kamahalan and Slave. Akala niya ah!
"So, that means you can kiss me if you want to?" she asked. I nodded in response. "But what about your rule no. 4? What if you kissing me makes you fall for me?"
Fuuu---! Ang OA naman niya! "So? Sinong nagsabi na magkakagusto ako sa isang katulad mo?" I said, "Tsaka, bakit ka worried? May feelings ka na sa akin noh?"
"Asa ka." sabi niya then umalis na siya sa harapan ko at sumakay sa kotse ko. The hell is wrong with that girl?! Nakaka-bad trip siya ah. Baka hindi ko mapanindigan ang pagiging mabait ko sa kanya! Tch! Nakakainis!
Bago ako umalis, nakita ko ang hand bags ni Yuri sa sahig. 'Tch! Akala niya bubuhatin ko ito?! Bahala siya!' Pumunta na ako sa kotse ko at pumasok sa loob. Nakatingin lang siya sa akin ng masama. Tumingin din ako sa kanya at nagtanong ng may pa-inosenteng effect pa, "Bakit?"
Halatang nainis siya at bumaba ng kotse na may mga binubulong pa sa sarili niya. I'm sure she's already cursing na. Tch! Pasalamat siya gusto ko siya! Kung hindi baka naiwan ko na siya ngayon!
Tinitignan ko lang siyang kumuha ng bags niya sa labas. P*cha! Ang bagal naman oh! Nakakairitang nakakainis na siya! Halatang sinasadya niya eh! Binaba ko ang window sa may passenger's seat at sinigawan siya, "Hoy! Bilisan mo nga, ang bagal mo!"
At dahil sa pagsigaw kong iyon ay binilisan na niya ang paglalakad. Last strike na lang, sasabog na ako sa inis.
"Alam mo na address ni Alessa?" tanong niya sa akin na halatang walang ganang makipag-usap sa akin. Hindi ko nalang siya sinagot kasi pianapakalma ko pa sarili ko. I mean, I'm sure she knows what silence means, right?
"Kamahalan Jeyron, alam mo na po ba ang address ni Alessa?" tanong niya ulit na medyo naiinis na ang tono ng boses niya.
Huminga ako ng malalim, "Oo." sagot ko. Medyo kumalma na rin ako kahit papaano. Huwag lang siyang masyadong makulit. Tsk!
"Jeyron, daan muna tayo sa drive thru, hindi pa ako kumakain eh." sabi niya. "Fine." sagot ko. Dumaan na kami sa drive thru at ngayon ay kumakain siya. Natatakam ako sa fries niya, fave ko kasi yun eh. Hmm, hihingi nalang ako! "Uhm, Yuri." tawag ko sa kanya.
"Oh?" tanong niya. Paano ko ba sasabihin? Baka mapagkamalan niya akong patay gutom o inggitero! Ayoko naman nun! Pero, hihingi lang naman ako diba? Tsk! Anu bayan ganito ba kahirap humingi ng fries niya?!
"Uhm, ano, kasi ano eh, uhm, pwede.." sabi ko, hindi ko ma-finalize sa isip ko kung ano yung sasabihin ko! Grabe naman! Nakakahiya talaga. Pero, hindi ko naman kayang tiisin ang fries na siya lang ang kumakain at nag-eenjoy. Eto na!
"Pwede... pahingi ng fries?" diniretso ko nalang ang pagsabi para hindi ako mautal. Napangiti naman siya sa sinabi ko at kumuha ng isang piraso sa kanyang madaming fries.
Ahh~" sabi niya at tinapat ang fries sa harap ng bibig ko. Susubuan niya ako! Nakakakilig! Hahahaha! Syempre ngumanga ako, baka mangalay siya eh.
Waaah~ ang sarap ng fries! Mas-lalong sumarap kasi sinusubuan ako ni Yuri ngayon! Waaah~! Ang sarap talaga! Ano ba yan! Nakakabading naman magkaroon ng taong gusto mo! Ny*ta, Jeyron magpakalalaki ka nga!
Nagda-drive lang ako habang sinusubuan ako ni Yuri. Ngayon ko lang napansin, ang bilis magbago ng mood sa aming dalawa. Kanina lang magkasagutan kami tapos ngayon sinusubuan niya ako. Ang sweet!
"Inom ka oh." sabi ni Yuri sabay tapat ng drink niya sa akin na may straw. "Paano ka naman?" tanong ko. Kasi kapag ininuman ko yun ay hindi siya makakainom kasi may bakas na ng laway ko yun!
"May isa pang drink dito." aba! Handa si Yuri ah. Uminom na ako sa straw habang nakatingin pa rin sa daanan.
After i8747 minutes ay malapit na kami sa bahay nila Alessa. Nang may tumawid na pusa bigla kaya napabreak ako agad. Hinarang ko agad yung right arm ko sa harap ni Yuri kasi ganun ang nakikita ko sa mga palabas kapag nagbe-break sila ng biglaan.
Syempre, dapat protektahan ko si Yuri noh! Lagot ako sa mga Kuya niya at mga kaibigan niya kapag nagkagalos itong si Yuri dahil sakin! At ang masaklap, hindi pa nga siya napapa-sakin ay aayawan na niya ako kasi hindi ako maingat! Hahaha! Ang OA ko na.
Napatagal yung paghawak ko kay Yuri, nagtaka naman ako kasi hindi siya gumagalaw. Paglingon ko, naka---n-naka-NAKAHAWAK AKO SA CHEST NIYA!!!
Tinanggal ko agad ang kamay ko. 'P*cha! Sh*t! F*ck! Nahawakan ko breast niya!' Tinignan ko siya at mukhang namumula na siya sa hiya. In-offer ko naman yung kamay kong nakahawak sa breast niya.
Yung style na magpapapalo ka sa Mom mo kapag may kasalanan ko na nagawa. "Sory, Yuri. I'm really truly sorry! Hindi ko sinasadya, promise! Paluin mo na kamay ko kung galit ka. Sorry."
"A-ano, ahm, o-okay na Jeyron. Hindi mo naman sinasadya, d-diba? O-okay lang." sabi niya sabay lingon sa gilid niya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse.
"Sorry, Yuri. Sorry talaga." sabi ko. Nakaka-ewan lang! Namumula na siya sa hiya ngayon. Actually, hindi ko nga alam kung hiya ba o galit yung ikinamumula niya eh!
Narinig kong huminga ng malalim si Yuri, "Jeyron, okay lang. Alam kong hindi mo magagawa yun kasi kahit monster ka ay may respeto ka sa babae." sabi niya na mukhang seryoso.
Haay, buti nalang napatawad niya ako. Ang bai--teka, MONSTER?! "MONSTER?! Sinong monster? Ako?!" sabi ko tapos tinuro ko rin ang sarili ko pagkasabi ko ng "ako".
"Hahaha! Oo, kasi eh. Noong una kitang nakilala, para kang monster. Pero, don't worry. Nagiging good monster ka na kaya!" sabi niya sabay thumbs up pa.
Napangiti ako sa sinabi niya. Nakakatuwa naman siya, "Ah, sige, gusto mo yan eh." pagpayag ko. Okay lang sakin yun. Medyo totoo naman kasi eh. Naging monster NANAMAN ako nung nag-break up kami ni Dienice.
"Awww, nagiging good monster ka na talaga!" sabi niya tapos tumawa ng mahina. "Malapit na pala tayo!" dagdag niya.
"Syempre, naka-move on na ako noh." sabi ko. Nagpark na rin kami sa harap ng bahay nila Alessa. Nakita ako yung iba na kakarating lang. Bumaba na ako ng kotse at bumaba na rin si Yuri.
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
