[Sorry late update~ Medyo busy po eh. ;)]
Yuri's POV
Kanina ko pa napapansin si Jeyron na tingin ng tingin sa akin, nakaka-concious naman! May dumi ba ako sa mukha? May pimple ba ako? Ano ba yan, ang hirap mag-focus sa pagtuturo sa kanya lalo na't hindi siya nakikinig.
Sakto paglingon ko rin sa kanya ay nagkalapit ang mga mukha namin. Kyaaa! Anong nangyayari sa akin? Parang may electrons na dumaloy bigla sa nerves ko at dumiretso sa puso ko! 'Calm down, Yuri. Magturo ka nalang!' sabi ko sa isip ko.
Pagkatapos kong magturo ay inaya ko na agad siyang bumalik sa classroom kasi yung puso ko ay hindi pa rin kumakalma. I want to stay with him longer sa hindi ko alam na reason. 'Nasanay ka lang nakasama mo siya, Yuri. Nothing more.' pag-eexplain ko sa sarili ko sa loob-looban ng aking isip.
In-offer niya ang arm niya, pero pagkahawak ko ay halos tumalon na ang puso ko mula sa dibdib ko, "Thanks." sabi ko sa kanya and we continued to walk outside the library and to the classroom. Siguro masyado lang akong emotional? Eh ano naman? Psh. Bahala na nga!
"Get one clean piece of paper and answer these questions quietly. And sa mga cheaters diyan, alam niyo ang magiging punishment ninyo." sabi ng teacher namin sa Math. Nasa classroom na kami and we'll take the long test na.
Curious kayo kung ano yung punishment? Well, magiging suspended ka lang naman ng 1 week then pagbalik mo maglilinis ka ng buong room and kakabisaduhin mo lahat ng formulas simula sa unang tinuro sa amin ni Sir. Grabe lang noh? Medyo harsh na ata yun. Pero, okay na yun para sa mga cheaters, hmp! Matakot sila!
Medyo matagal rin bago ko natapos yung test, nagdo-double check pa ako eh. Syempre dapat maka-high score ako! Dumating ang next teacher namin at nagturo para sa last subject namin. Ang Home Economics.
"Class, gusto ko lang i-announce na magkakaroon tayo ng isang project tungkol sa pag-aalaga at pagpapa-itlog ng isang manok. Alam kong hindi niyo kaya ang mag-isa kaya ginawa kong dalawa ang magka-grupo. Okay, so ang gagawin kong pag-group ay bunutan. Ang babae ang bubunot at kung sino ang mabubunot niya ay magiging ka-partner niya." nilabas ng teacher namin ang isang fish bowl na may mga papel na naka-fold, "Halu-halo na ang mga babae at lalaki dito. And first names lang ang nakalagay. Let's start!"
Isa-isang nilapitan ni Ma'am yung mga nasa harap at pinabunot, meron natuwa at merong nalungkot sa mga nabunot nila. When it was my turn, bumunot na ako, 'Sana responsible at mabait siya!' dasal ko sa aking isip. Nakakuha na ako ng papel. Hindi ko muna binubuksan para may surprise effect mamaya.
Pagkatapos ni Ma'am magpabunot bumalik ulit siya sa harapan,"Yung partner niyo ang magiging permanent partner niyo na for the whole year. Lahat ng magiging projects natin na pang-group ay makakasama niyo ang partner niyo. Wala nang aangal, okay? Class dismissed." sabi ni Ma'am sabay kuha ng mga gamit niya and exit sa room.
Dahil sa sinabi ni Ma'am ay lalo akong naging excited na buksan ang papel na nabunot ko. Kaya binuksan ko na.
JED AARON
Nice, si Jeyron pa talaga sa dinami-dami ng classmates ko! Si Jeyron na palaging pinapa-sayaw ang puso kong maharot! This is so annoying! Pero, no choice ako eh. Haaay, I've got to take what's coming to me, even if it's a kind monster.
"Jeyron, tayo magka-partner." nilapitan ko siya at pinakita ang papel sa kanya. Binasa niya lang ang nasa papel then he just nodded. So, ngayon hindi niyan ako papansinin? I take back what i've said about a kind monster, he's totally a freaking monster! Tch!
Umalis nalang ako na hindi pinapahalata na nainis ako. 'Kasi naman eh, magiging mabait siya sa akin tapos biglang hindi siya mamamansin? Parang kanina lang magkaibigan kami ah? Ngayon magkaaway nanaman? Ganyan ba siya palagi?' napatigil ako sa kakaisip ng ganyan ng may ma-realize ako.
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Dla nastolatkówMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
