Chap 11:Leveled Up

1.7K 43 2
                                        

Yuri's POV

After a few days, pinagpaplanuhan na namin ang outing. Kasama namin sila Alessa, Sam at Summer. Nagbago na talaga si Jeyron, hindi na niya ako pinapahirapan o pinapahiya. Siya pa minsan ang nagaasikaso sa akin. Lalo tuloy akong nagkakagusto sa kanya.

Ang bait na niya, pero minsan inaatake talaga siya ng pagiging arrogant and rude niya. Patience lang talaga ang kailangan ko sa kanya.

Kilala na rin siya nila kuya kasi pumunta siya sa bahay at tinulungan akong magset ng titirhan ng manok namin. Ka-close friend ko na rin siya. Minsan nagsasabi siya ng problema sa akin, minsan naman ako ang nagsasabi sa kanya kung meron akong problem.

Napapalapit na nga kami sa isa't-isa eh. Minsan lumalabas kaming dalawa at minsan kasama ang friends namin. 

Parang si Kuya Hans nga ay pumuporma kay Alessa eh. At itong si Alessa naman ay gustong-gusto si Kuya Hans pero aware siya na playboy ito. Kaya dapat munang patunayan ni Kuya Hans sarili niya kay Alessa, hahaha! Pa-hard to get pa eh, joke!

"Sa Baguio tayo! Magpalamig tayo!" sabi ni Kuya Nick. "May resthouse kami sa Davao." sabi ni Kuya Hans. Ngayon ay pinagpaplanuhan namin kung saan kami pupunta sa outing. Kompleto kaming lahat dito sa Employees Only room. 

"May bahay din kami sa bundok. Pwede tayong mag-hiking or camping!" sabi ni Alessa. Nagustuhan naman naming lahat ang idea niya kaya madaming sumangayon sa lugar na s-in-uggest niya.

"Don't worry, safe and peaceful doon. Malinis din at maganda ang surrounding kaya mag-eenjoy tayong lahat. Malaki rin yung bahay namin doon kaya kasya tayong lahat doon. Kaso, walang signal doon ah." sabi ni Alessa. 

"Okay lang yun! Mas-astig nga yung ganun eh! Parang adventurers tayo. Excited na ako!" sabi ni Kuya Nick. Nag nod nalang yung iba. "Kailan ba? Tsaka saang bundok yun?" tanong ni Summer. 

"Actually, hindi ko alam. Pero tatawag ako kay dad mamaya para matanong ang details tungkol sa bundok. Ipapahanda ko na rin ang bahay." sabi ni Alessa.

"So, kailan tayo aalis?" tanong ni Kuya Alex. "Anong date ba ngayon?" tanong ni Kuya Hans. "July 26 ngayon, Friday." sagot ni Kuya Cody habang nakatingin sa cellphone niya. 

"Pwede ko bang isama si Jillian?" tanong ni Kuya Cody. Si Jillian ay ang girlfriend niya. Naririnig ko lang name niya pero hindi ko pa siya nami-meet. Sabi nila Kuya Alex ay mabait daw siya at masayahin. Parang si Summer lang. 

"Okay lang." sabi ni Jeyron kay Kuya Cody. "So, bukas tayo aalis. Or mamayang madaling araw? Para 2 days and 1 night tayo doon." suggestion ni Kuya Cody. Wow, nagsalita siya! Kanina kasi ang tahimik niya eh. Busy sa cellphone, siguro ka-text niya si Jillian. 

"Okay na yun! Kayo?" sabi ni Kuya Nick. "Okay lang sa akin." "Fine." "Kayo bahala." "Game!" sabay-sabay kaming sumagot. Basta ang alam ko lang ay sangayon ang lahat.

"Sasabihin ko nalang sa inyo mamaya kung what time tayo aalis kapag natawagan ko na si dad ah. Busy pa siya this hour eh." sabi ni Alessa.

"Kain muna tayo oh." sabi ni Kuya Alex na galing sa mini-ref nila at kumuha ng mga makakain. Lunch break kasi ngayon eh. Maya-maya ay nag-ring na ang bell. Sabay-sabay na kaming pumasok sa room at nagklase.

Kriiing-- "Class dismissed." YES! TAPOS NA! Excited na ako mamaya eh! WOOHOOO!!

Sumakay na ako sa car ni Alessa. Nagku-kuwentuhan lang kami habang nagda-drive siya. Nabanggit ko rin yung napansin kong pagbabago ni Jeyron ng pakikitungo sa akin.

"Oo nga eh, minsan nahuhuli ko rin siyang nakatingin sayo." sabi niya, "Pero, hindi lang siya ang ganun. Pati ikaw." she added. I looked at her with a what-do-you-mean look.

My King is a MonsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon