Chap 12: Leveled Up 2

1.4K 39 2
                                    

[A/N: Leave comments and votes please! Masgaganahan po ako mag-UD kung may votes and comments po kayo~ Thank you thank you thank you po sa mga readers! Godbless you all!]

Yuri's POV

"Ui, kayo nalang hinihintay namin eh. Bilisan niyo na diyan!" sabi ni Alessa. Hahaha! Excited much siya! Pero kahit ako rin naman eh, hihihi! 

Hindi na ako masyadong awkward kay Jeyron. Tsaka yung about sa breast-touching incident kanina, sus, okay lang yun sa akin! Hindi naman sa nagustuhan ko yung nagawa niya pero, nagiging open-minded lang naman ako. 

Kanina ko pa kasi siya pinagmamasdan. Nung simula, naiinis isya pero nung nanghihingi siya ng fries ang cute niya! I saw it coming na naman eh, kaya may 2 drinks akong in-order kanina sa drive thru. Galing kong manghuhula! Hahaha! Syempre sinubuan ko na rin siya kanina kasi nga nagda-drive siya, diba?

"Yuri, ako na diyan." sabi ni Kuya Alex na nagmula pa sa likod ko. Nalaman ko kung sino kasi alam ko kung kaninong voice yun. "Ah, sige. Thanks kuya." sabi ko sabay ngiti sa kanya. Ang gentleman talaga! Si Jeyron kasi nagta-transform palang to good monster eh. Medyo matagal pa bago maging gentleman yun to the point na pati door ng car ay pinagbubuksan niya ako.

"Kuya Alex, bakit hindi ikaw yung dumaan sa bahay namin kanina?" tanong ko kay Kuya Alex habang naglilipat siya ng gamit ko sa van na gagamitin namin. "Ah kasi, si J--jsjbskaoiuhkp" hindi nakapagsalita si Kuya Alex ng maayos kasi tinakpan ni Jeyron yung bibig niya. 

"Ui, Jeyron! Bitawan mo nga siya!" sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Jeyron sa bibig ni Kuya Alex. Nakita kong tawa ng tawa sila Kuya Nick sa gilid habang nakatingin sa amin. "Sus, nahihiya pa siyang aminin oh!" sabi ni Kuya Nick.

""Naku, si Jeyron talaga! Binata na ang Jeyron natin Dadi Nick! Huhuhu~" sabi ni kuya Hans habang nagpe-pretend na nagpupunas ng luha niya sa pisngi niya. Hahaha! Mas-maarte pa siyang umiyak kaysa sa totoong babae eh!

"Ano bang nangyayari?" tanong ko sa kanilang lahat. "Kasi Yuri, si Jeyron.." tumingin muna si Kuya Nick kay Jeyron. Nakita kong namumula siya at parang nahihiya at hindi makatingin sa akin. Kuya Nick chuckled, "Si Jeyron, pinilit naming sunduin ka kasi masikip na sa kotse namin eh. Kasama pa pala natin si Jillian, kaya yun." pagpapaliwanag ni Kuya Nick.

Nandito nga pala si Jillian! Hinanap ko siya at nakita siya sa likod ni Cody. Lumingon siya sa akin at ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin naman siya. Ang ganda niya at mukhang friendly naman. Ngiti palang niya nakakabighani na talaga. Mukhang magiging close friends kami ni Jillian ah! Yey!

"Yuri! Halika nga dito!" sigaw sa akin ni Summer. Nasa tabi naman niya si Sam at Alessa. Sa mga ngiti nila sa mukha, parang alam ko nang nasagap silang chismis mula kay Alessa. Okay, Yuri. Prepare yourself~!

"Bakit yun?" tanong ko pagkapasok ko sa loob ng van. "Spill it." sabi ni Sam. "Ang alin?" tanong ko ulit. "You. Jeyron. This." sabi ni Summer sabay gawa ng shape heart gamit ang mga kamay niya. 

"Hahaha! Ano ba kayo! Masyado kayong seryoso. Gusto ko lang naman siya eh, anong masama dun? Tsaka, hindi naman love yun ah? May pinagkaiba ang love sa gusto noh! Kayo talaga~" pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Okay, fine. Pero ito nalang, kailan ka pa nagkagusto sa kanya?" tanong ni Sam. "Uhm, last last week ko lang ata na-realize." honest na answer ko. Hindi ko kasi alam ang exact date eh. Basta yun na yung sinabi ko, hehe!

"Ooh~ okay." sabi ni Sam. "Girls, tatawagin ko na sila ah?" tanong ni Alessa. "Go." sabi ni Sam. "Ge lang." sagot ni Summer. At ako ay tumango nalang.  Nagaayos pa kasi ng gamit sa likod ang mga lalaki, syempre, except Jillian. Ang tahimik naman niya kasi eh. Mamaya nga dadaldalin ko siya!

"Boys and Jillian! Pasok na kayo! Aalis na tayo! Hans pakipasok nalang ng snacks dito. Thanks!" utos ni Alessa kay Hans. Hahaha! Parang slave lang eh! Teka, speaking of slave. Nasaan na ba si Jeyron?

Sumilip ako sa labas ng bintana at nakitang nakasandal lang si Jeyron sa kotse niya at nakatulala lang na parang walang pake sa nangyayari sa mundo. Bumaba ako ng kotse at nilapitan siya. Hinwakan ko shoulder niya at sumigaw ng, "Monster!" sa harapan niya.

"Ah! Sh*t!" mura niya kasi nagulat siya sa akin. "Bakit yun?" tanong niya sa akin na may naiiritang tono sa boses niya. Okay..? Ibang Jeyron nanaman ang kaharap ko ngayon ah! Medyo gets ko na ugali niya ah! Astig!

"Jeyron, kalma lang. Pasok na tayo sa loob kasi maiiwan na tayo, okay?" sabi ko kay Jeyron habang pina-pat ko ang likod ni Jeyron. "Ok." sagot niya at naglakad na papuntang kotse. Pinauna niya akong umakyat at sumunod siya.

 Tutal huli kami pumasok, sa likod kami at magkatabi sa may bintana sa right side. Siya yung nasa harap ng bintana at ako naman ang nasa tabi niya. Nasa kabilang tko naman ay si Sam at Summer. Tumingin ako sa kanila at ginantihan naman nila ako ng meaningful na tingin at ngiti nila sa akin.

Inaantok ako. Naduduling na ako at medyo naghe-head bang na. Hahaha! Nakapikit na ako pero wala akong maayos na posisyon. Hanggang sa hinwakan ni Jeyron ang ulo ko at pinatong sa balikat niyang nakaakbay sa akin. Natulog nalang ako kasi ang sarap sa feeling ng may yumayakap sayo kapag tulog ka.

"Yuri, gising na." naririnig ko ang boses nila Sam at Summer. Pagdilat ko ay nakita kong may liwanag na galing sa bintana ng kotse. Nakahinto rin kami sa isang lugar na puro damo at puno lang ang nasa paligid. Umayos ako ng upo at tumingin kay Jeyron. Tulog din siya.

"Yuri, nasiraan tayo. Malayo pa sa rest house nila Alessa pero wala na ring signal dito. Wala rin masyadong mga tao na pumupunta dito." sabi ni Sam sa akin. 'Hala? Paano kami niyan?' sabi ko sa isip ko.

"Ano na ngayon?" tanong ko kay Alessa na kakarating lang galing sa labas. "Inaayos pa ni Kuya Jun eh. Mdyo matatagalan pa daw." sabi niya. Si Kuya Jun yung driver ng family niya. "Edi, dito nalang muna tayo mag-overnight. Bonfire tayo diyan oh." sabi ko sabay turo sa mapunong part ng lugar na ito. "May tent ka ba diyan?" tanong ko kay Alessa. 

"Hmm, meron ata. Pero mas-okay kung dito na tayo sa kotse matulog, diba?" tanong niya. Kung sa bagay, mas-safe nga dito. 

"Hmm, bakit tayo nakahinto? Nandito na ba tayo?" tanong ni Jeyron habang umuunat-unat pa. Ang cute niya kapag bagong gising! Sinabi namin ni Alessa ang nangyari at ang plano namin sa kanya. 

"Oh? Edi ganun nalang gawin natin. May pagkain naman tayo dito eh. Ako nalang magluluto mamaya." sabi ni Jeyron sabay ngiti. "Wow! Marunong ka magluto?" tanong ni Alessa. "Oo naman. I live alone kaya." sagot ni Jeyron.

My King is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon