[Sorry for the super late UD guys. Nawalan ako ng inspiration. Lol XD Enjoy reading. This'll be a long UD para makabawi naman ako sa inyo. :D Vote and comment!]
Yuri's POV
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila habang tinutulak nila ako palabas ng bahay. "Ayokong umaliiiis!" Sigaw ko na parang bata. "Ano ba Yuri! Labas naaaa!" Sabi naman ni Alessa at sabay sabay nila akong tinulak palabas ng bahay at noong muntik na ako sumubsob ay may nakasalo sakin.
"Uy, bunso! Okay ka lang?" Tanong ni Kuya Alex pagkatapos niyang itayo ako ng maayos. "Oo, thanks ah. Sila kasi eh." Sabi ko at tumingin ng masama kila Alessa. Ngumiti naman sila at nag-peace sign. "Umiyak ka ba kanina?" Tanong ni kuya Alex. "Huh? Hindi ah." Sagot ko.
"Namamaga mata mo oh." Sabi niya at tinuro pa ang mga mata ko. "Ah, side effect yan ng pag-iyak ko kagabi." Sabi ko at ngumiti ng tipid. Naalala ko nanaman. Geez. Ayokong umiyak sa harap nila. Pero.. last na yung kagabi eh. Tama na.
"Yuri, let's go?" Sabi ni Summer. "Ah, yeah." Sabi ko at sumunod sa kanila papasok sa kotse ni Alessa. "Wait. Nasaan si kuya Alex?" Takang tanong ko pagkapasok namin sa kotse. "May sariling kotse yun. Don't worry about him." Sabi ni Sam.
"Ah oo nga pala. Pero saan ba talaga tayo pupunta ngayon?" Tanong ko. "Sa amusement park!" Masayang sabi ni Summer at Alessa. "Anong gagawin natin doon?" Kunot noong tanong ko. "Ano bang ginagawa doon? Malamang nagpapakasaya!" Pamimilosopo ni Sam.
Nag-make face nalang ako at tumingin na sa labas ng bintana. I sighed. Ano kayang ginagawa nung lalaking yun? Nage-enjoy na ba siya kasama yung babaeng hinahalikan niya noong gabing iyon?
Naalala ko nanaman yung hitsura nilang dalawa habang naghahalikan. Naluluha nanaman ako. Urgh. Why am I so emotional? It's annoying me! Hindi na dapat inaalala yung ganun. Hindi na dapat iniisip ang lalaking katulad niya. Masasaktan lang ako.
The other girls keep on talking about stuff. Hanggang sa mag-open ako ng topic na ikinatahimik nilang lahat. "Kamusta love life niyo?" Tanong ko at ngumiti ng tipid habang nag-aantay ng sagot nila.
"Uhm.. nakilala na nila mom and dad si Hans. They don't like him daw." Malungkot na sabi ni Alessa while driving. Aw. Medyo strict kasi ang parents ni Aless eh kaya kailangang patunayan muna ni Hans ang pagmamahal niya kila tita sa pamamagitan ng pag-handle ng relationship, business at school all at the same time.
"Ako.. yung review time lang kami huling nagkaroon ng time alone ni Alex." Sabi naman ni Sam. "Eto ako.. basang basa sa ulaan~!" Pagtingin namin kay Summer ay kumanta siya niyan kaya natawa kami sa ginawa niya.
"Ayun. Crush ko pa rin siya. Hihihi!" Kinikilig na sabi niya at nagtakip pa ng mukha. "Hahaha. Parang bata. Ang cute." Sabi ni Jillian kay Summer. "Hihihi!" Pa-cute na tawa naman ni Summer. "Kami naman ni Cody, okay lang. Haha." Nakangiting sabi ni Jillian.
Tumango lang ako. Yung iba sa kanila nababawasan ang progress ng relationship nila. Yung iba nadadagdagan. Hindi talaga maiiwasan ang ups and downs pagdating sa love. *sigh* Bakit ba ang drama ko? Hahaha. Nahihiya na talaga ako sa pinagsasabi ko.
After a few minutes ay nakarating na kami. Bumaba kami ng kotse at nakita kong nag-iba ng direksyon ang kotse na kuya Alex. "Akala ko ba kasama natin siya?" Tanong ko kay Alessa. "Ewan ko sa mga yun." Sabi niya at tinalikuran ako.
"Tara na! Kyaaa!" Excited na sabi ni Jillian. Tumatalon-talon pa siya. "Gusto kong sumakay ng extreme rides!" Sabi naman ni Summer at nakatingin sa matataas at mabibilis na rides. "Relax guys." Natatawang sabi ni Sam. "Enjoy this day ha. Bawal mag-emote." Paalala ni Alessa.
"Who am I to ruin the mood? Tsaka tapos na ako doon. Wala na." Sabi ko. "Wala nang ano?" Tanong ni Sam. "Wala na akong iiiyak pa." Sabi ko at ngumiti sa kanila. "Rides nga tayo." Sabi ko. "Saan tayo una?" Sabi ni Alessa. "Sa rollercoaster!!" Sabay na sabi ni Jillian at Summer.
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
