Chap 17: These Feelings

1.2K 33 1
                                        

Yuri's POV

"It's our turn." na daw sabi ni Kamahalan Jeyron. Hala? Mukhang may balak itong monster na 'to ah?! Ano ba yan. Pero sige, sasakyan ko siya kasi nahiya rin ako sa ginawa nila sa akin, este-- sa amin pala, kanina.

Hinatak ko yung balikat niya ng malakas. Bubulong sana ako kaso biglang napalakas kaya dumikit mukha ko sa cheek niya. Parang hinalikan ko siya sa cheeks! NOOOOO!! At sa harap pa talaga ng mga kaibigan namin?! WHYYYYYY?! Masyado naman kasi akong malakas eh! Ano ba naman yan oh! Haaaaaaiiisshh!!

"Pft! H-hindi mo naman kailangan magpakitanggilas sa harap namin, Yuri!" sabi ni Nick habang nagpipigil ng tawa. Hindi ko namalayan na nakadikit pa rin ang mukha ko sa pisngi niya. Kaya, binitawan ko agad siya at lumingon sa opposite direction kung nasaan siya.

'Mayuri Hannah Valdez naman oh! NAKAKAINIS!!' pagsigaw ko sa isipan ko. Shucks naman! Feeling ko talaga namumula na ako ngayon. Eh si Monster kaya?

I glanced at him and nakita ko yung mukha niya. Parang... emotionless. Or should I say, poker face? Samantalang ako, bothered na bothered sa kahihiyan na nagawa ko. What the fudge?!

Eh wala lang pala sa kanya eh. Psh. Naba-bad trip ako dahil sa ewan. Bakit nga ba ako na-bad trip? Tsk! Ewan!

Nakabusangot na ako at iniling-iling ang ulo ko para mapatahimik ang mga katanungan sa isip ko at bumalik sa reality. Nag-poker face nalang din ako. I just stared at the sky. Aantayin ko nalang siyang magsalita. Hmp. Wala na akong gana gumanti sa kanila.

"Papasok lang ako sa van." plain na sabi ko. Eh, mukhang wala na siyang plano magsalita eh. Ano ba yan. Kay liit na bagay, kinaiinisan ko agad. Meron ba ako?! Kaso, kakatapos ko lang eh! ANG GULO!

"Sige. Tawagin ka na lang namin kapag naka-set na yung pagiinuman." sabi ni Alessa na nagaayos ng mga inumin. Yung iba, ganoon din. Pero si MONSTER, nakatulala lang din. Hmpf! Nakakainis siya! MONSTER!!

Pumasok na ako sa loob ng van at sinarado ang door. Nakita kong tumayo si Monster at kinausap si Alessa. Seryoso pa rin mukha niya. Hay! Ano ba yan. Bakit ba ako nagkakaganito?! Aish!!

Marahas kong ginulo ang buhok ko at pumadyak. Umupo na ako at sinubukang mag-relax. But, I failed. Tuwing pipikit ako biglang lalabas ang mukha ni Monster kanina sa isip ko.

"Argghh! Ano ba yan! Nakakainis naman!" sigaw ko sa loob ng van. Pampabawas ng inis. Hala? Bakit nga ba ako naiinis? Bakit pagdating kay Monster, even those little things ay kinaiinisan ko? "Haaaay! BAKIIIIT?" sabi ko sa sarili ko. Gusto ko sumigaw. Hmm. makalabas nga.

Kinuha ko ang backpack ko kung saan ako naglagay ng mga gamit ko kanina. Bumaba ako at kumuha ng isang bote ng tubig. Nilagay ko yun sa bag ko para may baon ako. "Saan ka pupunta, Yuri?" tanong ni Alex.

"*sigh* Titingin-tingin lang sa paligid. May gusto akong gawin eh. May camera ka ba diyan, Kuya?" tanong ko. Pagkatapos ko kasing sumigaw ay kukuhanan ko ng pictures ang nature. Pampa-relax din yun. "Wala eh. Si Jeyron meron. Tsaka, gusto mo ba ng kasama?" sabi niya.

"Wag nalang Kuya. Cellphone nalang pala gagamitin ko." sabi ko. "Edi sige. Basta mag-ingat ka. Wala pa namang signal dito kaya hindi ka namin mako-contact." pagpapaalala niya sa akin. Ang bait talaga ng mga kuya ko! Hindi gaya nung isa diyan eh.

'Bakit ba ang init ng dugo mo kay Jeyron?' tanong ng inner voice ko. Oo nga, bakit nga ba? Tsk! Wala akong ganang alamin yun.

"Sige guys, lilibot lang ako." sabi ko sa kanilang lahat. "Ingat ka." "Sige, ingat." "Bumalik ka agad." "Wag kang lalayo!" sabay-sabay na sabi  nila. I just nodded and smiled. Hindi ko na pinansin si Monster. Bahala siya.

Naglakad na ako paakyat sa bundok. Ang hangin at ang ganda ng paligid. Parang kumakalma na ako. Looks like, hindi ko na kailangan pang sumigaw. Relaxed na ako. I took my cellphone out of my pocket. May nakasaksak na earphones kaya naisipan kong mag-sound trip para may background music ako habang naglalakad.

Sinuot ko ang earphones at nagsimulang maglakad. Pinagmamasdan ko lang ang mga magagandang tanawin. Grabe, ang ganda talaga! Gumagaan ang loob ko sa nakikita ko.

I started taking pictures habang naglalakad. Hindi na ako naiinis. So, ibig sabihin pwede ko nang mapag-isipan kung bakit ako nainis kay Kamahalan kanina. "*sigh* Hmm-mm. Hmm." nag-hum nalang ako kasabay nung music na pinapatugtog ko. Classical music kasi kaya mabilis akong napakalma. I LOVE CLASSICAL MUSICS! Pero, biglang tinopak yung cellphone ko at tumigil ang music.

~ Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim.

Kahit anong aking gawin, hindi mo pinapansin.~

May narinig akong kumakanta sa likod ko. May sumunod sa akin? O baka ibang tao? Hala! Nakakatakot! Waaaaah! Mommy!! Heeeelp! Naririnig ko yung footsteps niya.

WAAAAH! KINAKABAHAN NA AKO!!

My King is a MonsterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon