Chap 21: Nice Moments

1.2K 31 0
                                    

Yuri's POV

"Hooooy, hoy, hoy! Saan kayo galing?!" tanong ni Summer. Haay. Kakabalik lang namin ni Jeyron at mukhang lagot kami sa kanila.

"Oo nga, at tsaka anong ginawa niyo?!" naghihinalang tanong ni Nick. Hala, anong iniisip niya? "Bakit ngayon lang kayo?" kalmadong tanong ni Kuya Alex.

"Guys! Good neeeews!" masayang sigaw ni Jeyron. Bakit kaya? Teka.. hala! Baka sabihin niya na— "Nililigawan ko na si Yuri! Wooh!" OH GOSH...

"'Nak ng tinapa! Ang bilis mo kumilos Jeyron! Da mubs!" masayang sabi ni Hans.

"Haay, sa wakas nagkaaminan na rin!" sabi ni Alessa. "Took you long enough." sabi ni Sam. "Sus, sagutin mo na kasi agad. Hindi na uso ang li—" naputol ang sasabihin ni Jillian dahil biglang may isinigaw si Manong driver na ikinasaya namin.

"AYOS NA HO ANG SASAKYAN!" masiglang pagsabi ni Manong. Hindi naman siya excited noh? Hahaha.

Sumakay na kami sa van at nagsimula nang pumunta sa resthouse nila Alessa. Pagkatapos ng ilang minuto ay binasag ko na ang katahimikan. "Malapit na ba?" tanong ko. Ang sakit na ng balikat ko eh. Sinandal ba naman sa akin ni Jeyron yung ulo niya? Tulog kasi ng tulog eh. Tsk.

"Siguro." sagot ni Alessa. Teka, diba— "Diba resthouse niyo yun?Bakit hindi mo alam?" nagulat ako kasi biglang nagsalita si Jeyron. Sheesh! Hindi naman pala siya tulog eh! "Hindi ka pala tulog?! Kanina pa kaya nananakit balikat ko!" inis na sabi ko kay Jeyron.

"Ay, sorry! Hindi mo man lang sinabi na masakit na! Ayoko pa naman yung nasasaktan ang mahal ko." sabi ni Jeyron with matching kindat pa. Nakakakilabot na nakakakilig! Shucks! "O-oo na! Alam mo naman kasi na mabigat ulo mo eh. Matigas pa.." pabulong na pagsabi ko sa dulo. "Narinig ko yun ah. Hindi naman ganoon katigas eh." sabi ni Jeyron habang naka-pout. Hahaha. Na-offend agad.

"So, bakit nga pala siguro ang sagot mo Alessa?" tanong ni Jillian na nasa harap namin. Oo nga pala noh. Bakit nga ba? "Psh. Akala ko nalimutan niyo. Kasi, ganito yun. Kahit resthouse namin yun ay hindi pa ako nakakapunta dahil busy ako. Kaya, hindi ako sure sa kung saan o ano ang hitsura ng bahay. Si manong lang nakakaalam kasi nakapunta na siya dito. Hahaha. Na-daig pa ako eh." paliwanag ni Alessa.

"Sus, yun lang pala. Sige na, atleast lahat tayo sabay-sabay na first time ang pagpunta sa resthouse niyo." sabi ni Cody. "Mark this day on your calendar, guys! Eto ang magiging monsary ng barkada natin! Tuwing monsary natin ay maga-out of town tayo!" masayang sabi ni Jillian.

"Ayos! Masaya yun!" excited na sabi ni Summer. "Yey!" sabi ko habang pumapalakpak na parang bata. Nagulat ako ng may biglang pumisil sa dalawang pisngi ko at hinarap sa kanya.

"Ang cute mo talaga! Sarap mong pisilin!" si Jeyron pala. "Ayay mashakit Cheywon!" ugh! It hurts na! Tinatanggal ko yung kamay niya pero lalong humihigpit eh! Waaaah! Naiiyak na ako, ang hapdi!

Nanlaki mata ko sa sunod na ginawa ni Jeyron. Binitawan niya ang pisngi ko at biglang niyakap ako ng mahigpit. So, ngayon, ang mukha ko ay nasa dibdib niya. Nilapit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong sa tenga ko na dahilan para mamula ako sa kilig. Anong sinabi niya? Eto lang naman oh.

"Sorry, prinsesa ko. Ang cute mo kasi eh. Hindi ko na matiis. Sagutin mo na kasi ako, *chuckle* mahal kita, Yuri."

"Hoy! Mamaya na kayo maglambingan! Share naman kayo ng rooms eh!" pagsingit ni Summer sa amin. "Err. Ang PDA naman. Hindi pa nga kayo eh!" reklamo ni Nick. Oo nga naman, bakit ba ako masyadong nalalapit kay Monster— este Jeyron pala, eh, hindi pa pala kami? Pero, teka, anong sabi ni Summer?!

"Share kami ng kuwarto?!" sabay na tanong namin ni Jeyron.

My King is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon