Chap 28: Fake Kiss

1.1K 28 1
                                    

Yuri's POV

Nandito ako sa kuwarto at nag-aayos na ng things ko. We're going home na kasi bukas may pasok pa. Ang saya nga kagabi eh. Naglaro at nagkulitan kami. Yung boys paminsan ay nag-aasaran.

Nag-truth or dare din kami. Waaa.Tuwing naaalala ko yung mga dare kagabi, kinikilig ako na ewan! Ibang klase mag-utos si Jillian eh. Nakakahiya na nakakakilig rin yung ginawa ni Jeyron. Waaaa.

------FLASHBACK-------

"Hahahaha!" narinig naming tawanan nila pagpasok namin ni Jeyron sa bahay. Ano kaya ginagawa nila? Pumunta ako sa sala at nakita ko na nanonood sila ng 'Status It's Complicated'.

"Sh*t. It's complicated nga! Hahaha." narinig ko. Sa pagkakaalam ko, kay Kuya Hans ang boses na iyon. "Yow guys." pagbati ni Jeyron. Lumingon sila at mukhang ngayon lang napansin na nakabalik na kami.

"Hello! Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Sam. Yung iba bumalik na sa pagnonood. "Nagkuwentuhan pa kami eh." sabi ko. "Hinalikan ko pa siya eh." seryosong sabi ni Jeyron. Sinuntok ko naman ang balikat niya.

"Aray naman." sabi niya at kunwari pang nag-sad face. "Puro kalokohan eh." sabi ko at inirapan siya. "Manood o umupo nalang muna kayo, malapit na matapos 'to." sabi ni Kuya Alex. "Ok." sabi ko at umupo na sa tabi ni Alessa. Yung iba nakaupo sa floor. Naka-carpet naman kasi kaya okay lang. Nasa upuan naman kami ni Alessa, Kuya Hans, Kuya Alex, Ako, at Jeyron.

Nakalipas ang ilang minuto ay natapos na ang palabas. Ako, minsan nakikitawa nalang. Medyo gets ko naman eh. "Maglaro tayo!" masiglang sabi ni Summer. Excited maglaro yan si Summer palagi.

"TRUTH OR DARE!" sabay-sabay na sigaw nila. "Game! Pwesto na!" sigaw ko. Bumilog na kami. Maglalaro kami ng spin the bottle. Kung sino ang matapatan ng bote pipili siya kung trurh or dare. Kapag tumanggi, you need to remove one thing that you're wearing.

Pinaikot na ang bote. Tapos tumapat kay Jillian. Since si Kuya Hans ang nag-ikot, siya magtatanong o mag-uutos. "Truth." sabi ni Jillian. Napangisi naman si Kuya Hans. "Heh. Kung ganon, sino ang crush mo sa aming mga lalaki dito bukod kay Cody?" tanong ni Kuya Hans.

Bakit parang may iba sa kanya? "I-ikaw." sabi ni Jillian. "Sabi ko na nga ba eh." mayabang na sabi ni Kuya Hans. "Pero syempre, joke lang yun. HAHAHA!" grabe, ang lakas ng tawa ni Jillian. "Si Nick ang crush ko noh. Babyface eh." sabi ni Jillian.

"Oh ako naman." sabi ni Jillian at inikot na ang bote. Tumapat naman ito kay Jeyron. "Dare." sabi ni Jeyron habang nakangisi. "I dare you to... kiss Yuri!" excited na sabi niya. "WOOOOH!" sabay-sabay na sigaw ng tropa. "Sa lips ah! For 10 seconds!" napalingon ako ng marahas kay Jillian at pinanlakihan ng mata.

"Hehe." nag-peace sign si Jillian. "TORRID! TORRID! TORRID!" pag-cheer ng tropa. "Hala! Ang dayaaaaa!!!" pag-angal ko. "Walang ayawan, Yuri!" sigaw ni Alessa. "KISS! KISS! KISS! KISS!" sabi nilang lahat. Lumapit na si Jeyron na mukhang excited at umupo na sa tabi ko.

Waaaaa. Ano ba yan! Nahihiya ako! Hinawakan niya ang pisngi ko. Naramdaman kong gumalaw ang thumb niya. Palapit na siya ng palapit akala ko hahalikan na niya ako, yun pala bubulong lang.

"Don't worry, princess. Fake lang 'to. Shhh." mahinang bulong niya. Hindi naman napansin ng iba dahil nang-aasar pa rin sila. Naramdaman ko ang thumb niya na pumatong sa lips ko. Tsaka niya nilapit ang mukha niya at pinatong ang labi niya sa thumb niya.

Mukhang naka-kiss siya sa akin. Pero, fake lang yun. Grabe, akala ko hahalikan talaga niya ako. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang may nakakakiliti na ewan sa bandang tiyan ko. Yun ba yung tinatawag nila na butterflies? Yung parang masaya, kinikilig, at kinakabahan ako all at the same time.

"1..2..3..4..5..6..7..8..9..10!" pagbibilang nila. Sa 10 seconds na yun ay nakadilat lang ang mata niya at nakatingin ng deretso sa mata ko. Lumayo na siya sa akin at binitawan ang mukha ko. Tapos ngumiti siya sa akin. "Game ulit!" sigaw ni Jeyron at bumalik sa pwesto niya.

------END OF FASHBACK------

Naaalala ko si Summer kagabi eh, haha! Wala nang suot na sapatos tapos nakalugay na ang buhok. Tanggi kasi ng tanggi sa mga dare at hindi sumasagot sa tanong. Tinanggal niya tuloy ang sapatos at ipit niya sa buhok.

Grabe talaga kagabi. Parang may part of me na gustong totohanin yung paghalik ni Jeyron sakin eh. Haay. Ewan ko ba. Makapag-impake na nga lang.

My King is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon