Yuri's POV
Monday na ngayon at nandito na kami sa classroom. "Class, exams niyo na sa darating na Thursday and Friday. Nagre-review na ba kayo?" our teacher asked. "Not yet, ma'am" sagot namin. Ngayon lang naman sinabi 'yan eh.
"Ngayon mo lang po sinabi sa amin ma'am eh." sabi ng classmate ko. "Really? Oh, my bad." sabi ni ma'am. Napatawa nalang kami. May pagkatanda na kasi si ma'am, siguro sa dami ng trabaho niya nakalimutan niya 'yung tungkol dito.
"Slave, psst. Ui! Yuriii~" pabulong na pagtawag niya sa akin. Lumingon ako sa likod at nakita si Monster na may hawak na paper at may nakasulat.
Let's review together. :*
Psh. I just nodded and listened to ma'am again. "Yuri, come with me." biglang sabi ni ma'am.
I stood up and followed ma'am. Nadaanan ko sila Alessa kaya sinabi kong mauna na sila mag-lunch. They just nodded.
"Ma'am, bakit po yun?" tanong ko kay ma'am as soon as we got into the faculty. "I want you to check this at home." binigay niya sa akin ang papers. "Ok po." I said. Kinuha ko na yung mga papers at lumabas.
"Hey." napalingon ako sa nagsalita and it was Jeyron. He smiled at me and I smiled too. "Tulungan na kita." kinuha niya ang mga papel at medyo nahawakan niya pa ang kamay ko. Ayan na naman ang electricity! "Thanks." nakangiting sabi ko.
"Saan nga pala tayo magre-review?" tanong niya. "Sa amin nalang. Wala pa naman sila Kuya eh." I replied. "What time?" tanong niya. "Hm, after mo magpahinga, okay lang?" sabi ko. Papunta na kami sa canteen for lunch. Tumango siya at ngumiti ng tipid.
"Ako na maglilibre sayo. Doon tayo kakain sa EOR." sabi niya nang makarating kami sa canteen. Pumila na kami at bumili ng foods. "Yow!" bati ni Kuya Hans sa amin pagkarating sa EOR. "Hi Kuya, nandyan na sila Alessa?" salubong ko. Nauna na si Jeyron sa loob at nilapag ang mga pagkain namin.
"Yeah, just go inside." sabi niya at lumabas ng EOR. "Saan ka pupunta?" narinig kong tanong ni Jeyron kaya napalingon ako. "Sa Hell." sabi niya. Hell? Pfft. "Seryoso? Hell as in sa impyerno?" tanong ko. "Haha, nope." he said and left. "Jeyron, saan 'yung Hell?" paglingon ko kay Jeyron ay wala siya sa puwesto niya kanina.
"Yuri, ano pang ginagawa mo diyan?" nagulat ako sa tumawag sa akin. "Ano ba yan! Nangiiwan ka kasi eh, may tinatanong pa ako---" naputol ang sasabihin ko sa kanya dahil hinatak na niya ako papasok.
Kwentuhan at kainan ang ginawa namin buong break time. Sa EOR kaming lahat nakatambay. Surprisingly, dito rin pala nagaaral si Jillian. Kaya nakatambay rin siya sa EOR.
After ng breaktime ay nagpaiwan ang boys sa EOR. May paguusapan daw sila. Kanina pa nga sila seryoso eh. Minsan ngingiti tapos seseryoso ulit. Parang may iniisip silang problema na ewan. Hmp, tatanungin ko nga si Jeyron mamaya, hihihi!
"Yuri, wanna go to the mall?" tanong ni Alessa sa akin. "Seriously?" I asked her. "Hehe, joke lang." sabi niya sabay peace sign. "Sino kasama niyo magreview?" tanong ni Summer. "Kami ni Jeyron." sabi ko. "Nick and me!" masayang sabi ni Summer. "Hans at ako." sabi naman ni Alessa.
"Ikaw?" sabay-sabay na tanong namin kay Sam. "Wala." sabi niya. "Dapat meron! Why not Kuya Alex?" suggest ko. "Sige, I'll tell him later." sabi niya. "Tell me what?" nagulat kaming apat sa biglang nagsalita sa likod namin. Lumingon kami at si Kuya Alex pala 'yun.
"Ah, pwedeng sabay tayo magreview?" tanong ni Sam. Parang nahihiya pa nga eh. "Sure. Saktong-sakto, naghahanap din ako ng partner." sabi ni Kuya Alex sabay ngiti.
KRIIIIIIIIIING~! "Class dismissed." ma'am said. I stood up and went to Alessa's chair. "Let's go?" I said. "Oh, sasabay ako kay Hans." sabi niya. "Sorry." she added. "It's okay. Mukhang kailangan niyo ng privacy eh." sabi ko at ngumiti ng nangaasar. "Psh." sabi ni Alessa at umirap kaya natawa kami nila Sam.
"C'mon Alessa." sabi ni Kuya Hans pagkalapit niya sa amin. "Bye, girls. Bye, bunso." nakangiting sabi ni Kuya Hans. "Bye kuya Hans, bye Alessa. Ingat." pagpapaalam ko. Tumango at ngumiti nalang sila bago umalis.
"See you later, slave." narinig kong sabi ni Jeyron. I smiled at him. "Bye, monster." sabi ko. "Oooh. So, that's your endearment huh? Yiiieee!" kinikilig na sabi nila Summer. Nangaasar yung mga mukha nila. "Hindi ah. Asaran lang namin 'yun ah." pagtanggi ko.
"Uwi na nga tayo." aya ni Sam. Lumabas na kami at sumakay sa sundo ni Sam. "Bye, thanks for the ride!" pagpapapaalam ko nung nakarating na kami sa bahay namin. "Anytime. Bye! Goodluck sa review!" kumakaway na sabi ni Sam. Pumasok na ako sa loob at hindi ko inaasahan ang nakita ko. "YURI!"
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
