Yuri's POV
"Anong gagawin mo?! Lumayo ka nga!" sabi ko at biglang yakap sa sarili kong katawan. he's getting closer and closer na! Napapikit nalang ako nang mariin noong malapit na yung mukha niya sa akin, I can feel his breath near my face!
Ayan na! Malapit na siya! "Jeyron! Itigil mo na nga yang kalokohan mo!" sigaw ko sa kanya habang nakapikit pa rin. Malay mo biglang sumunod dahil natauhan sa sigaw ko, diba? Noong ilang inches nalang ang layo namin, nagulat ako dahil dumeretso lang siya at nilagpasan ako.
Bzzzzztt-- Kinuha niya yung seatbelt at isinuot na sa akin. "Tsk, tsk, tsk. Yuri, ano ba sa tingin mo ang gagawin ko kanina?" sabi niya habang palayo siya sa akin at umayos ng upo. Bigla nalang siyang tumawa mag-isa.
Ramdam ko naman ang pag-init ng mukha ko sa inis at hiya kay Jeyron. Hmpf! Bahala siya sa buhay niya! "Achoo! *sniff*" ano ba yan! Magkakasakit talaga ako. Haay, maghahanda na ako ng gamot sa bahay bago pa lumala ang magiging sakit ko. Kakalabas lang ni Kuya Sky sa hospital tapos ako naman magkakasakit? No way! Aagapan ko ang sakit ko.
"Nilalamig ka ba?" tanong ni Jeyron. Sus, pakitang tao lang yan! Tsaka obvious naman na nilalamig ako eh! "Sa tingin mo?" yan nalang sinagot ko sa kanya para malaman niya na ayaw ko makipag-usap sa kanya.
"Hmm. Gusto mo ng yakap?" nilingon ko siya tapos nakita kong pangiti-ngiti siya habang nagma-maneho. "Mag-drive ka nalang ng maayos diyan." sagot ko sa kanya para hindi na mangulit pa.
Tumahimik na siyang nag-drive pero napansin ko na iba yung way na dinaanan namin. Tumingin ako sa kanya na puno ng pagtataka ang mukha ko. At nahalata niya namankasi bigla siyang nagsalita, "Bibili lang ako ng gamot, in case na magkasakit ako." sabi niya. Nag-nod nalang ako.
Nasa harap na ng drug store naka-park yung kotse. Siya lang bumaba kasi siya lang naman ang bibili eh. Marami akong gamot sa bahay, hehehe. Sakitin ako eh! I just stared outside the window hanggang sa bigla akong inantok, kaya natulog ako.
Nagising nalang ako nang maramdaman kong kinakalabit at tinatawag ako ni Jeyron. Sumilip ako sa bintana at nakitang nasa harap na kami ng bahay namin. "Uh, thanks sa paghatid." tapos binuksan ko na yung pintuan ng kotse at bumaba.
Pumasok na agad ako sa bahay. Hindi ko na nilingon yung kotse ni Jeyron kasi narinig ko na bumusina siya at umalis na. Tsaka masama na pakiramdam ko at feeling ko pagod ako. Nakalimutan ko na may injury pa pala ako sa paa kaya nabigla ako sa paglalakad. Sumakit tuloy bigla! Argh!
Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng gamot at tubig. Pain relievers lang ininom ko para sa ankle ko. Tatawagan ko pa sila Kuya para ipaalam ang nangyari sa akin. Umakyat na ako sa hagdan gamit ang isang paa. Pagpasok ko sa kuwarto ko ay kumuha agad ako ng towel at naghubad ng basa kong damit.
Pagkatapos kong maligo, humiga na ako sa kama ko. "Haay, bukas ko nalang tatawagan sila Kuya." sabi ko sa sarili ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang malapit nang mag-6 pm. Maaga pa pero natulog pa rin ako.
Nagising ako ng madaling araw kasi bigla akong nilamig at nakaramdam ng gutom. Hinawakan ko ang noo ko at naramdaman kong may mataas na lagnat ako. Hassle naman oh!
Kahit nanginginig ako ay bumaba ako sa hagdan ng dahan-dahan. Dumeretso ako sa kitchen at nagpakulo ng mainit na tubig. I'll just eat cup noodles nalang, para madali. I sat down sa couch and pumikit ng saglit. When I heard the whistle from the kettle, tumayo na ako at pumunta sa kitchen.
Kumain na ako ng noodles then uminom ng gamot. Medyo umaayos na ang pakiramdam ko ngayon. Kinuha ko ang telephone namin at tinawagan si Kuya Daniel at Sky. Kriiiing-- Kriiiing-- "Yuri, kamusta ka?" bungad sa akin ni Kuya Daniel. "Kuya, kanina sa school, nahulog ako sa hagdan and I twisted my ankle. And before po ako umuwi, nabasa ako ng ulan then now, may lagnat ako." pagkukuwento ko sa kanya. "Ano ba yan, malala ba daw yung pagka-swell ng ankle mo?" tanong ni Kuya Daniel, "Sabi ng nurse, malala daw." pagsagot ko.
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
TienerfictieMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
