Yuri's POV
"Thank you ulit, Monster. Good night na." Pagpapaalam ko kay Monster. Nandito na kami sa harap ng bahay namin at gabi na rin. Hinatid na niya ako pagkatapos naming kumain sa yacht kanina.
"You're welcome, slave. I love you. Good night." Sabi niya at humalik sa pisngi ko. Paalis na sana siya pero hindi ako nakontento, mukhang sinaniban nanaman ako ng kissing monster, haha! "Monster!" Pagtawag ko sa kanya at lumapit naman ako papunta sa kanya.
Tumingkayad ako para mahalikan siya sa lips. Medyo matagal din ang halik. Naramdaman kong ngumiti siya habang nakalapat ang labi niya sa akin. Humiwalay siya at niyakap ako ng sobrang higpit. "Mahal na mahal talaga kita, Mayuri Hannah Valdez. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang kamatayan." Sincere na sabi niya.
Kinilig naman ako dun kaya napangiti ako at gumanti rin ako ng yakap na mahigpit sa kanya. "I love you too, monster. Ikaw at ikaw lang rin ang gusto kong makasama habang buhay." Sabi ko. I buried my face on his chest and snuggled on it.
Bumitaw na siya sa akin at tinitigan ako. "Pumasok ka na, baka iuwi pa kita sa bahay namin at ikulong sa kuwarto ko." Nakangiting sabi niya. Natawa naman ako. "Sige na nga. Haha. Bye monster ko. Love you!" Sabi ko at tumakbo na papasok sa bahay.
Narinig ko nalang na umalis na ang kotse niya noong nasa loob na ako. Nakita ko namang nakatingin sila Kuya sa akin. "What?" Nakangiting tanong ko. "Saya mo ah." Sabi ni kuya Sky. "Oo nga. Samantalang kami dito walang ka-bonding na bunso." Naka-pout na sabi ni kuya Daniel.
"Hahaha. Eh diba, magpapa-book tayo ng flight bukas? Deretso na rin tayo sa mall para mamasyal." Nakangiting pag-suggest ko kila kuya. "Ayoooown!" Sabi ni kuya Sky at nag-apir naman sila ni kuya Daniel. Umupo ako sa sofa, sa gitna nilang dalawa. "Kamusta date, bunso?" Tanong ni kuya Daniel.
"Sooobrang saya!" Nakangiting sabi ko. Niyakap ko si kuya Daniel ng mahigpit. "That's good." Sabi ni kuya Daniel at yumakap din sa akin. "Ehem. Ehem." Narinig ko si kuya Sky na parang nagtatawag ng pansin. Natawa ako at nilingon siya. "May ubo ka kuya?" Tanong ko. Inirapan naman niya ako. "Ganyan ka ah. Sige, pagpatuloy niyo yan." Sabi niya na nagtatampo.
Nanonood si kuya Daniel ng TV kaya bumitaw muna ako sa kanya. "Oh, ikaw naman oh. Hehe, sorry naman, mahina kalaban." Sabi ko at yumakap din kay kuya Sky. "That's better. So, tell me, anong ganap sa school mo?" Tanong ni kuya Sky.
"Kamusta na yung mga kaibigan mong lalaki?" Tanong bigla ni kuya Daniel at pinatay ang TV. Umakbay siya sa amin ni kuya Sky. At dahil nag-aabang sila ng kuwento, syempre nag-kuwento ako. Lahat-lahat kinuwento ko, simula sa simula. Gusto ko kasi, alam nila lahat ng tungkol sa akin. Tahimik lang silang nakikinig sa akin.
"Invite mo silang lahat sa farewell party natin ha?" Sabi ni kuya Sky. "Oo nga, I want to be friends with them too." Sabi ni kuya Daniel. "Oh siya, siya, matulog na tayo. Maaga pa tayo aalis bukas." Sabi ni kuya Sky at tumayo na. Hinatak niya ako patayo at hinatak ko naman si kuya Daniel patayo.
"Good night kuyas. Love you!" Sabi ko bago pumasok sa kuwarto ko. "Good night. Love you too, bunso." Sabi ni kuya Sky. "Good night bunso, love you too." Sabi naman ni kuya Daniel at pumasok na sa kuwarto nila. Sinarado ko na ang pintuan ko at naghanda na para matulog.
Habang nakahiga ako sa kama ko ay napansin ko ang maleta ko. Aalis na kami next week. Ano kayang gagawin ng mga kaibigan ko habang wala ako? Ano kayang gagawin ni monster? Titingin kaya siya sa iba dahil wala ako?
No. I trust him. Alam kong mahal niya ako. Mahal ko din siya. Kaya walang problema. Hmp, makatulog na nga lang!
--------------kinabukasan--------------
![](https://img.wattpad.com/cover/14484070-288-k875498.jpg)
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
JugendliteraturMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...