Chap 27: The Past

1.1K 32 1
                                    

Yuri's POV

Naglalakad pa rin kami ni Jeyron ngayon papunta sa bahay. Medyo madilim na kaya nagmamadali na kaming maglakad. Pero, may tanong na biglang lumitaw sa isip ko. Tinanong ko din naman si Kuya Cody kanina eh. "Uhm, Monster." pagtawag ko sa kanya.

"Hm?" kalmadong tanong niya. "Pwede ba akong magtanong tungkol sa past mo?" I asked. He suddenly looked at me with his 'why-are-you-asking' eyes. I smiled at him. "Na-curious lang naman ako. If you're not comfortable with me asking about your past, ok lang kahit hindi mo sabihin sa akin." sabi ko.

"I was once a gangster, a cassanova, and a bad guy. Well, kahit ngayon naman may pagka-bad guy ako. Pero, mas malala ako noon." nagulat ako nung nagsimula na siyang magkuwento pero, nakinig pa rin ako. "Dati, tingnan mo lang ako sa mata, manununtok na ako. Mahilig rin akong mang-bully kasama sila Alex. Noong elementary palang kasi kami ay magkakaibigan na kami. Bumuo kami ng gang. At marami kaming nakalaban." pagpapatuloy niya.

Pero, hindi naman yan ang gusto kong tanungin eh. Ano ba yan. Makikinig na nga lang ako. "There was one time na muntik na akong makapatay sa sobrang galit ko. Buti nalang napigilan ako ni Nick at Hans kundi, malamang matagal na akong nakakulong." na-shock ako sa narinig ko.

"Eh bakit mo ba siya muntik nang mapatay?" tanong ko. He sighed. "Nagselos kasi ako. Actually, karibal ko kay Dienice yung lalaking binugbog ko. Siya kasi ang palaging kasama ni Dienice noon. Sa sobrang selos ko, inabangan ko siya sa labas ng gate ng school nila at k-in-idnap para mabugbog." sabi niya.

"Grabe. Monster ka talaga dati." sabi ko habang tumatango. He chuckled. "Oo eh. Pero, mula nang makilala ako ni Dienice ay naging magaan ang loob niya sa akin." sabi niya. "Teka, hindi ka kilala ni Dienice pero kilala mo siya?" takang tanong ko.

"Yeah. Na-love at first sight kasi ako sa kanya noon. Nakasabay ko lang siya sa coffee shop tapos nakita siyang masayang nakikipag-usap sa isang babae. Her friend, maybe. Then, yun, I started to stalk her. My parents got mad at me kasi napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Gusto kasi nila ng isang perfect son. But, at that time, nagre-rebelde ako." sabi niya at biglang napayuko.

"U-ui. It's okay kung hindi mo na ituloy." sabi ko sanay hagod sa likod niya. He looked at me and smiled genuinely. "Alam mo, dahil kay Dienice, iniwan ko ang pamilya ko. At first they were mad and they sent me to another school. I was lucky kasi naging kaklase ko si Dienice. Pero, hindi nagtagal ay pinapabalik na nila ako sa bahay. But, I didn't. Hindi ko kayang iwanan si Dienice noon. I think I was so possesive sa kanya." sabi niya.

Bakit parang masakit sa akin ang naririnig ko? Ako naman ang nagtanong diba? Naaawa ako kay Jeyron eh. Parang nararamdaman ko yung nararamdaman niya. It's like he's crying inside. I think he misses hs family. "Do you miss them?" tanong ko. Ngumiti lang siya ng tipid at tumango. "I want to visit them but I can't. Sobrang nahihiya akong magpakita sa kanila dahil sa nagawa ko." malungkot na sabi niya.

"Jeyron, ang pamilya, kayang magpatawad. Kahit anong pang nagawa mo, papatawarin ka nila. Alam mo bakit? Kasi mahal ka nila. It's not bad to try diba? Wala namang mawawala sayo kung susubukan mong pumunta sa bahay niyo at yakapin ng soooobrang higpit ang parents mo." sabi ko. Napangiti naman siya ng konti.

"Yuri, samahan mo ako." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Teka, wala sa usapan yan ah." sabi ko. "Kapag tayo na, ipapakilala na kita sa parents ko. But first, ako muna pala ang makikipag-bati sa kanila." sabi niya habang tumatango. "Sagutin mo na kasi ako para may kasabay ako." 'yan nanaman siya. "Ewan." yan nalang ang sabi ko at nag-shrug. "Tsk. Humanda ka pag-uwi natin. Mapapasagot din kita." narinig kong may binulong siya pero hindi ko naintindihan.

"Ano yun?" tanong ko. "Wala, sabi ko, ayun na yung bahay oh. Malapit na tayo." sabi niya habang nakaturo sa bahay. "Oo nga noh. Tara, bilis!" sabi ko at hinawakan ang kamay niya para tumakbo. Narinig ko siyang tumawa. "Bakit ka tumatawa?" tanong ko paglingon ko sa kanya.

"Chansing na yan eh." sabi niya habang nakatingin sa kamay naming dalawa na magkahawak. "Psh. Bahala ka na nga diyan. Ang dami mong alam. Kung tutuusin, mas marami ka nang pana-nansing sa akin eh." sabi ko. Binitawan ko ang kamay niya at naglakad na. Bahala siya. Hindi naman sa galit ako, naba-bother lang ako sa fact na hindi pa nga kami pero sobrang sweet na niya. Paano nalang yan pag kami na? Oh my.



My King is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon