Jeyron's POV
It's been 6 days since umalis si slave. I really miss her. Tumatawag at nagte-text ako araw-araw pero iba pa rin yung kasama ko siya. Tss. Nakakabakla. Damn.
"Ui, nakikinig ka ba?" Tanong ni Alex. Nandito kasi kami sa EOR. Natatandaan niyo pa ba 'to? Ang dami kayang nangyari dito. Lalong naging special 'tong lugar na 'to dahil sa bagong circle of friends namin.
"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko. Nakikipag-text kasi ako kay slave. Nagku-kuwento siya tungkol sa bakasyon niya eh. Alangan namang hindi ko pansinin, baka magpakamatay yun doon. Pfft. Guwapo ko kasi masyado.
"Hindi naman ako yung nagk-kuwento eh. Si Hans kaya." Sabi ni Alex at tumingin kay Hans. Nilingon ko rin si Hans at nakitang nakatingin siya sa akin habang naka-poker face. "Sorry. Ano ba yung kinukuwento mo?" Tanong ko. Mukhang pikon na si Hans eh haha!
"I saw Alessa with another guy! Damn it!" Inis na sigaw niya. "When? Where?" I asked. "Kanina. Sa Gym." Sagot niya. "Oooh. Natanong mo na ba siya about that guy you're talking about?" Tanong naman ni Alex. "N-no. How am I supposed to? Hindi naman niya ako boyfriend!"
"Ooooh! There you said it! Hindi ka niya boyfriend! Hahaha!" Pinagtatawanan siya ni Nick habang naglalaro ng COC sa cellphone niya. "Sh*t! May umaatake! Aggh!" Natatarantang sabi ni Nick. "Buti nga sayo." Sabi naman ni Hans. "Hahaha! Asar talo ka bro?" Pang-aasar ni Nick.
"Tama na Nick. Itapon ko yang cellphone mo eh." Sabi ko. "Fine, fine." Sagot naman niya at humiga sa sofa na nasa harap namin. "Oh anong plano mo?" Tanong ni Alex kay Hans. "I can't ask her. So..." Tumingin sa amin si Hans, "Pwedeng kayo ang magtanong? Please?" Dugtong niya.
"Yeah okay." Sagot ko. "Sige lang. Ano ba itatanong ko? "Alessa, nagseselos si Hans, so pwede bang malaman kung ka-ano-ano mo yung lalaki na kasama mo sa gym?" Ganun ba bro? Hahaha!" Pang-aasar naman ni Alex. "Subukan mo lang bro! Mababanatan kita!" Pikon na sabi ni Hans. "Oi Hans, Alex." Pagpipigil ko sa kanila. Tumigil naman sila at umayos ng upo.
Habang wala akong ginagawa ay nakipag-text nalang ulit ako kay slave. Habang nagte-text ako ay may na-realize ako..
Ang pangit pala ng tawagan namin noh?! Slave at Monster! The fvck is that?! Bakit ba hindi ako pumayag na palitan yun? Pero.. nakasanayan na rin kasi namin eh. Hmm. Tatanungin ko nga si slave, I mean, Yuri mamaya.
"Kailan uwi ni bunso?" Tanong ni Nick bigla. "Tomorrow." Sagot ko. "Guys, pangit ba yung tawagan namin ni Yuri? Slave and Monster." I suddenly asked. "Yeah. / Oo. Masagwa. / Ngayon mo lang na-realize?" Sabay-sabay na sagot nila.
"Sorry naman. Ngayon lang sumagi sa isip ko eh." Sabi ko at tumayo para kumuha ng root beer sa ref. Bumalik ako sa kinauupuan ko at ininom ang root beer. Susunduin ko pa pala si Yuri bukas ng gabi. Magd-dinner muna kami bago ko siya iuwi.
Yuri's POV
"Kuya Sky naman eh! Akin na yaaan!" Sigaw ko habang inaabot ang cellphone ko kay Kuya Sky. Inagaw niya kasi habang ka-text ko si monster eh! Nakataas ang kamay niyang may hawak ng cellphone ko. Ang tangkad niya pa naman! I can't reach my cellphone! Huhu!
"Nasa vacation tayo tapos text ka lang ng text diyan." Naka-pout na sabi niya. "Iiih! Wag ka nga magpa-cute, kuya! Akin naaaa!" Pilit ko pa ring inaagaw sa kanya ang cellphone ko pero ayaw niya pa rin ibigay. Sakto namang pumasok si mommy sa kuwarto.
"Mommy! Si kuya oh!" Sumbong ko kay mommy. "Sky, tama na yan. Bababa na tayo para kumain." Sabi ni mommy habang nag-aayos ng gamit niya. Nasa hotel room kasi kami. At ang kainan naman sa baba ay buffet! Yay!
Kinabukasan ay umuwi na kami sa Manila. Gabi na kami nakarating sa Manila at sinalubong agad ako ni Monster ng isang mahigpit na yakap. "Finally. Welcome back, Yuri." Nakangiting sabi niya at humalik sa labi ko. Saglit lang naman yung halik niya.
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Novela JuvenilMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...