Yuri's POV
"Slave, gaano ka katagal sa Canada?" Tanong ni Monster. Nasa kotse niya kami ngayon at on the way na kami pauwi. Sila Alessa naman, umuwi na rin. Nag-solo nga kami sa pamamasyal kanina eh. Syempre, magkasama kami ng Monster ko.
"I'm not sure eh. I'll ask kuya muna." Sagot ko. "Mamaya ha." Sabi niya. "Opooo." Sinandal ko na ang ulo ko sa bintana. "Monster." Pagtawag ko sa kanya. "Hm?" Respond niya. "Will you ever love another girl?" Tanong ko.
Bigla nalang kasing lumitaw sa isip ko ang tanong na yan. Alam ko namang 'no' ang isasagot niya eh. Hihi! "Hmm, yeah." I suddenly looked at him with my eyes widened. Tumingin din siya sa akin habang nakangiti at bumalik na sa pagd-drive.
"Ano?" Kunot noong tanong ko. "Anong ano?" Takhang tanong ni Monster. "Anong sabi mo?" I asked with my eyebrow arched. "Sabi ko, oo, magmamahal pa ako ng ibang babae bukod sayo." Natatawang sabi niya. "You've got to be kidding me!"
"I'm serious."
"So magiging timer ka?!"
"Uh, maybe?"
"What the hell! Akala ko pa naman 'no' ang sasabihin mo!"
"Hahahaha."
Tumahimik na lang ako at nag-pout. I'm seriously in a bad mood now. Tss. Akala niya nakakatawa. Bahala siya diyan! Hindi ko siya papansinin!
"You mad?"
"..."
"Slave."
"..."
"Yuri."
"..."
"You know, magmamahal din ako ng lalaki kung sakali."
Napalingon ako sa kanya sa sinabi niya.
"Nababaliw ka na ba?"
"Pfft. No."
"Bakla ka ba?!"
"What the? Hindi ah!"
"Seriously! Anong trip mo?"
"I'm not joking with you."
"So magmamahal ka ng ibang babae at, ewww, lalaki?!"
"Yes. And they will call you mom."
"Ha! Sinasabi ko na nga ba't cheater— teka ano ulit yun?"
"They will call you mom." He said then winked at me. "Don't tell me, pagse-selosan mo ang mga magiging anak natin?" Seryosong tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi niya.
At noong nag-sink in sa akin ang sinabi niya. I blushed. Kenekeleg eke! Enebe! Enexpected nemen yen! "Ui, kilig ka noh?" Tanong niya. "Ahe! Ikaw naman kasi eh!" Kinikilig na sabi ko. "Pfft. Hahaha! I love you, my-soon-to-be-wife-and-mom-of-my-children." Nakangiting sabi niya.
"I love you too~!" Malambing na sabi ko. "You're still blushing." Sabi niya. "Sorry naman! Kung makapakilig ka kasi diyan eh!" Pagsisi ko sa kanya. "Syempre, mahal kita eh." Astig na pagsabi niya. "Oo naaa. Pero alam mo ba, mas mahal talaga kita eh." Sabi ko naman.
"Pagbibigyan kita ngayon lang, dahil nandito na tayo sa harap ng bahay niyo. Baba na tayo?" Tanong niya. "Psh. Halika na." Sabi ko at bumaba na. Bumaba na rin siya at pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Mayuri baby!"
"Mommy! Daddy!! Waaaah!"
[Sorry sa short UD and sa late UD. :3 Nawala sa isip ko hahahahaha! Sorry sorry sorry sorry~ *SJ sorry sorry, play!* Parteh! XD Enjoy reading! 2-3 chapters left! (~o~) Vote and comment, please! Arigato ne~ :*]
BINABASA MO ANG
My King is a Monster
Teen FictionMayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa isa't isa. Eh diba nga, importante daw ang first impressions. Dahil sa 5 lalaki na iyon ay marami siya...
