Chap 32: Her Brothers

1K 26 0
                                    

Jeyron's POV

"Bakit yun?" Tanong ni Yuri. "Date tayo?" Nakangiting aya ko. "Ay, nagmamadali? Haha, bukas nalang pwede?" Sabi niya. "Tss." Sabi ko at kinuha na ang kamay niya para maglakad palabas ng school. "Galit ka?" Tanong niya. "Hindi ah." Sabi ko. Hindi naman talaga ako galit eh. Nag-iisip ako ng date namin. Hmm..

"Gusto mo sa beach tayo bukas?" Tanong ko. Malay mo pumayag edi magagamit namin yung yacht namin! Tapos magso-snorkeling kami. Oo, tama, tama! "Suuuure! Sino kasama?" Tanong niya. "Wala. Tayo lang." Simpleng sagot ko. "Date?" Tanong niya with sparkling eyes. Ang cute, haha.

"Yeah." Sagot ko. "Yiiieee! Oo nga pala, diba dapat may endearments tayo?" Tanong niya pagkasakay namin sa kotse ko. "Oo. Pero, meron na diba?" Balik tanong ko. "Whaaa--? Alin dun?" Gulat na tanong niya. "Monster and Slave right?" Sabi ko. Nag-pout siya at tumingin sa akin. "You want a kiss?" Tanong ko. Baka sakali lang haha, I don't wanna miss a chance.

"Hindi noh! Sumobra na tayo kagabi eh." Nahihiyang sabi niya. "Seriously? Ngayon ka pa nahiya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Siya nga yung nag-initiate ng kiss that night eh, haha! That was the best night ever! Sana maulit yun. Haha! Pagkatapos nalang ng kasal namin para legal. Oo, ikakasal kami. Angal?

"Tss. Hindi ka ba nahiya?" Tanong niya. I started the car and put on my seatbelt. Ting! *evil smile* I just thought of something! Haha! Lumapit ako sa kanya at ilalagay sana ang seatbelt niya. Bago ko gawin yun, ninakawan ko muna siya ng halik. "Ang lapit mo nama-- *tsup*" Putol ko sa pagsasalita niya.

She slightly froze. Medyo namula rin ang mukha niya kaya natawa ako. "Ang cute! Haha!" Sabi ko while pinching her cheeks. "Araaay!" Reklamo niya. Tumawa lang ako at binitawan na siya. "Ang sakit~" Parang batang pagreklamo niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ang part na namumula.

"Masakit pa?" Maamong tanong ko. "Hindi na." Nakangiting sabi niya. "Good. Sorry." Sabi ko at humalik ulit sa kanya ng mabilisan. Napangiti naman siya. "Nahihiya ka pa kasi, ang tagal-tagal na kitang hinahalikan eh." Sabi ko at nagsimula nang mag-drive. Kailangan ko pa palang magplano para sa date namin bukas.

"Eh, ganun eh." Sabi niya nalang. "Hayaan mo, sasanayin naman kita eh." Seryosong sabi ko. "Ikaw bahala." Sagot niya. Ikaw bahala? Ibig sabihin pwede? Wooh, yeah! Pwede ko siyang halikan anytime, anywhere! Hahaha! "Woah. Sige, sabi mo yan eh." Sabi ko at ngumisi.

"Tsk. Monster ah, umayos ka sa pag-iisip diyan. Kalokohan mo." Sabi niya na parang nababasa ang lahat ng iniisip ko. "Tch. Paano mo nalaman? Mind-reader. Tss." Sabi ko. "Hehe. Alam ko yang iniisip mo base sa hitsura mo noh." Sabi niya pa. Natawa nalang ako at nagmaneho na.

Nakarating na kami sa bahay nila Yuri. Nandito pa rin kami sa loob ng kotse ko. Kailangan ko pa magpaalam sa mga Kuya niya na kami na ni Yuri para legal na. "Tara. Okay ka lang?" Tanong ni Yuri sa akin. "Oh, akala ko ba mind-reader kita?" Mataray na tanong ko. "Hahaha, minsan lang yun. Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ulit niya. "Hindi. Bakit, dapat ba akong kabahan?" Balik-tanong ko.

"Psh. Yabang." Sagot niya while rolling her eyes. Natawa ako at yumakap sa kanya. "Hindi naman ako kakabahan kasi alam ko na kaya kong ipaglaban ang pagmamahal ko sayo at nandiyan ka naman para sa akin diba?" Tanong ko habang magkadikit ang noo namin.

Ngumiti siya at tumingin sa mata ko. "Syempre naman." Sabi niya at pinagdikit ang mga ilong namin. Ngumiti rin naman ako sa kanya. "Hep! Hep! Hep! Pumasok muna kayo dito bago kayo mag-PDA diyan!" Narinig namin na sabi ni Kuya Sky. Naghiwalay kami ng noo ni Slave at lumingon sa Kuya niya.

"Good afternoon po." Nakangiting sabi ko kay Kuya Sky. "Kamusta Jeyron? Pasok kayo." Nakangiting bati rin ni Kuya Sky. "Okay lang po. Thank you po." Magalang na sabi ko. "Ang galang ah. Haha." Bulong ni Slave sa akin. "Syempre noh, para sayo kaya kong gawin lahat." Bulong ko naman sa kanya.

Natawa na lang siya sa sinabi ko. Psh. Kilig lang yan eh. "Oh, Jeyron, napadaan ka?" Salubong sa akin ni Kuya Daniel na kakalabas lang sa CR. Mukhang kakaligo niya lang. "Opo. May sasabihin po sana ako sa inyo." Paninimula ko. "Ganun ba? Oh, sige upo muna kayo diyan. May pag-uusapan lang kami ni Sky." Sabi niya at tinawag si Kuya Sky para kausapin sa loob ng kuwarto.

"Hindi ka talaga kinakabahan?" Tanong ulit ni Yuri. "Hindi nga, ang kulit." Sabi ko. Hindi naman talaga eh. Kung tumanggi man sila sa relasyon namin, ipaglalaban ko iyon. At kung pumayag naman sila, edi walang problema. "Okay, fine. Sabi mo eh." Sabi niya. "Haha, tss." Reaction ko sa sinabi niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas sila Kuya Sky at Kuya Daniel mula sa kuwarto. Mukhang seryoso ang napag-usapan nila ah. Seryoso kasi ang mukha nila. "Ano ba sasabihin mo Jeyron?" Tanong ni Kuya Sky. "Ah, tungkol po sa amin ni Yuri. Sinagot niya na po kasi ako. I just want to have your blessing po para sa relationship namin." Magalang na sabi ko.

"No." Sabi ni Kuya Daniel na ikinagulat ko. "Kuya?" Hindi makapaniwalang sabi ni Yuri. "Bakit naman po?" Tanong ko. "Mag-aaral ka sa Canada, bunso. We'll leave next week." Seryosong sabi ni Kuya Sky. "Pero Kuya, wala naman kayong nabanggit sa akin na ganyan noon ah?" Sabi ni Yuri.

"Kahapon lang namin napagdesisyunan ang tungkol diyan. We'll book your flight tomorrow. Okay?" Sabi ni Kuya Daniel. Parehas kaming gulat ni Yuri. I held her hand and she was trembling. As i've said, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit na makalaban ko pa ang buong pamilya niya.

My King is a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon