(Third person's POV)
Hila-hila ni Ing sa kamay si Sedrick. Kamusta si Sedrick? Hayun poker face na siya. Hindi malaman kung naiinis na ba siya o naiirita na.
"Ang lawak dito~" sabi ni Ing sabay bitaw kay Sedrick.
"Alam ko." Sedrick
"Tsss..Yabang" bulong ni Ing.Sa hindi malayuan may nakitang mga tupa si Ing.
"SHEEP!!!"
"Ano??!! Shi---"
"Sheep! Ang daming sheep! Tara tara!!"Naunang tumakbo si Ing..
"A-akala ko nagprofane si Samantha"
sabi ni Sedrick na medyo gulat yung expression niya at bumalik din agad sa pagkapoker face. Sinundan ni Sedrick si Ing.
"Hello sheep!!" sabi ni Ing.
"Iba talaga naririnig ko. Hindi sheep" bulong ni Sedrick. Pagkalingon niya kay Ing eh wala na siya doon at nakita na lang niya itong.....
"Nasa loob si Samantha!! Hoy Samantha! Lumabas ka diyan!"
Hindi siya pinansin nito.
"Ugh! Papasok na lang ako sa loob ng pen"
Ni-rolled up niya yung sleeves at laylayan ng pants niya kaunti tsaka pumasok sa kwadra o pen ng mga sheeps.
"Tupa tupa!! Hellow!" sabi ni Ing.
Sheep: ............. Meh...
"Tara na Samantha! Wag na dito!"hinila niya si Ing sa kamay.
"Ay~ *pout* bye sheep!"
Agad silang lumabas.
"Ang KJ mo ngay kuya! Lalapit lang eh."
"Eh baka madumihan ka.."
"eh di magpapakain na lang ako!"
"Eh di magpakain ka."
"Okay! ^^"Naglakad ng mabilis si Ing.
"Sandali Ing.."
Nagenjoy si Ing sa paglibot sa farm. Nagpakain siya doon sa fishpond. Natutuwa siya sa mga isdang umaahon pag naghahagis siya ng food. Tapos may isdang na sobrahan sa talon at lumapag sa dibdib ni Sedrick na ikinagulat niya.
"Waah waah!" Sedrick,napaupo si Sed sa sahig at sinipa pabalik yung isda sa pond
"Ahahaha! Kuya ok ka lang? *abot ng kamay*" Ing,marahang hinawi ni Sedrick ang kamay ni Ing
"Ok lang ako Samantha" tinakpan ni Sedrick ang kalahati ni mukha niya tapos nagred na ang mga tenga niya.
"Tara na kuya" hinila ni Ing si Sedrick sa sleeves nito. Nakatakip pa rin si Sedrick at nagrered ang mga tenga niya.
Nagpakain si Ing ng carabao. Na si Sedrick naman eh takot na takot. Minamasamaan niya ng tingin yung carabao at tinititigan din siya nito.
"Ang pangit.."
Bulong ni Sedrick
Carabao: moooooo!!
Napa atras si Sedrick kaunti. Tas minasamaan niya ulit ito ng tingin. Niyaya siya ni ing na pakainin yung carabao. Pero ayaw niya talaga. Hinawakan na siya ni Ing sa kamay at iniabot sa kaniya yung damo.
"Ayan! Go na"
Sabi ni Ing. Nanginginig si Sedrick na pinakain yung carabao. At bigla siyang napangiti kaunti ng kainin nung carabao yung damo na binigay niya. Sinilip siya ni Ing at napansin niya ito.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...