Chapter 3 A New Job Offer

277 15 1
                                    

Pagkarating ni Sedrick sa mansion nila agad niyang pinuntahan ang daddy niya..

"At nakasulat din naman sa letter niya na huwag natin siyang hanapin. Kaya sa tingin ko okay lang kung gagawin natin iyon. At sa gagawin nating iyon,hindi makakatiis si Samantha at babalik siya sa atin. And she's a spoiled daughter of the Craig's hindi niya kakayaning mabuhay sa mundong hindi nakukuha ang gusto niya.." sabi ni Sedrick

"Sige anak..Pero saan mo kukunin ang magpapanggap na Samantha Craig o ang kapatid mo?"
"Don't worry dad..May nahanap na ako.."

°°°°°°°°°°°°°°
(Ing)

"Pssst! Ing!"

Kinalabit ako ng isa sa mga katrabaho ko

"O bakit??"
"Yung mga lalaking iyon. Halos 2 araw na silang pumupunta dito"
"O tapos? Costumer sila eh"
"Hindi!! Lagi silang nakatingin sa iyo eh!"

Napatingin tuloy ako sa gawi nung dalawang lalaki na mala-Men In Black kung manamit at with shades pa..

"Ay nako! Pabayaan mo na sila. Baka nagkakataon lang na...kapag nakatingin ka eh nakatingin sila sa akin..Pabayaan na,magtrabaho na lang tayo.."

Mga bandang hapon...

Teka,parang tama yung sinabi ng katrabaho ko.  Hanggang ngayon nandito pa sila...hmmm...magiingat ako..

Uwian na!

Nagpaalam na ako sa boss at sa mga katrabaho ko. Pagkatapos kinuha ko ang bag ko.

"Wala na yong dalawang lalaki..Phew!"

Pagkasabi ko niyon agad na akong lumabas ng resto. Pagkalabas ko mayroong magarang itim na kotse nakaparada sa harap

"Wow! Nice wheels! Kanino kaya itong kotse? Ang kintab pa ha?" tapos biglang may nangalabit sa akin at agad akong napalingon.

"Miss,kailangan mo pong sumama sa amin"

Teka! Ang lalaking ito ay isa sa dalawang lalaki na laging nasa resto..

"B-bakit? Hindi ako sasama sa inyo pwede ba! I don't know you" sabi ko sabay talikod kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko

"Ano ba! Bi-bitawan mo nga ako!" agad naman akong nakakalas kaso nga lang pagharap ko,nasa harapan ko na yung isa,tinakpan ng panyo ang aking bibig at ilong. Nakaramdam ako ng pakahilo at parang bumigat ang mga mata ko at hindi ko mapigilang makatulog.


Nang magising ako,nakaupo ako sa isang sosyal na couch at may lalaking nakatalikod sa harapan ko pero malayo siya.

"E-excuse me? Nasaan ako?" sabi ko. Agad lumingon ang lalaki at nagulat ako kung sino iyon.

"I-IKAW??!! D-di ba ikaw yung tumawag sa akin ng Samantha tatlong araw ang nakaraan.."

Ba-bakit siya nandito? Bahay niya kaya ito?

"You have a sharp memory! Naaalala mo pa pala ako.. Nagtataka ka siguro kung bakit ka nandito"

Napakaseryoso ng tono ng boses niya.
"Syempre naman! Bigla na lang may kumuha sa akin na hindi ko kilala! Tapos magigising akong nakaupo sa isang sosyal na sofa..Sinong hindi magtataka?"

"Well,wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Gusto kong magpanggap ka as Samantha Craig my younger sister.."

Ha? As a younger sister niya? Magpanggap? Tama ba narinig ko?

"A-anong gagawin ko?" tanong ko
"Magpanggap bilang kapatid ko,as Samantha Craig.." paguulit niya..Tama nga narinig ko..

"B-bakit naman?"
"....sigh..ikukuwento ko na nga"

Pagkatapos...
"Anoooo?!! So,sa huli maikakasal ako sa taong hindi ko kilala! Parang ako yung fiancee at hihintayin ko pang dumating ang fiance ko? Teka,ang hirap ng pinapagawa mo...Magpapanggap tas ikakasal pa!"

Nababaliw na ako..

"Bago ka magreklamo at yung sinabi ko ay hindi pa iyon ang buong details ng gagawin mo..Napag alaman ng research team namin na isa kang tao na nangangailangan ng malaking halaga ng pera dahil sa mga utang mo"

"Te-teka!.....Oo tama kayo..hmp!"
"So,ang utang mo ay hindi lang kay Manang Su,meron din sa katrabaho mo,kapitbahay,sa isang tindahan at pati sa isang convinient store etcetera..Hmmm,pwede na palang mangutang sa isang convinient store?"

Talagang may papel pa siyang hawak at doon niya binabasa lahat ng sinasabi niyang info about me. Nakakahiya ><

"Anong gusto mong palabasin?"

"Well,Lets make a deal..Wait,ako nga pala si Sedrick Craig...Uhurm! If you will accept our offer..I,MY money,We,Craig,will pay all your debts..Kahit sentimo wala kang ilalabas na ipambabayad mo sa mga utang mo..Kami na bahala sa lahat.."

Lahat??
"At base sa research,aabot sa 159,000 php ang utang mo...Think about...Miss?? What is your name?"
"Ing..."
"Think about it Miss Ing, iyon lang ang gagawin mo...At mababayaran na agad lahat ng utang mo. Pero kung magtratrabaho ka lang as a waitress or palipat-lipat ka ng work. I am sure na hindi mo agad mababayaran ang utang mong iyon. Samantalang kami anytime pwede naming bayaran....So what do you think? Deal?"

Napakahirap magdesisyon kahit naman mababayaran lahat ng utang ko. Paano kung nagkaproblema habang isinasagawa yung plano? Baka ipa-patay na lang ako sa kalye niyan!! Oh no!

"ummmm...."
"Ok then, bibigyan kita ng panahon magisip..This is my calling card. Tawagan mo ako kung nakapagdesisyon ka na.. Ihahatid ka ng driver namin sa bahay niyo..Ihahatid ka naman ng maid namin palabas ng mansion...sige,nice meeting you Ing"

Sabi niya. Napakaseryoso pa rin ng tono ng boses niya

Lumabas na ako at nakita ko na yung maid na nagaabang sa akin. Hinatid na niya ako palabas ng mansion nila. Napakalawak ng mansion super! Paglabas mo napakalawak ng topiary garden nila,napakaraming flowers at trees in different shapes....

Nang makarating ako sa bahay. Pinagiisipan ko talaga kung tatanggapin ko ba o hindi itong offer sa akin...Tssss! Ang hirap! Halos magdamag ko nang hawak itong calling card... Kailangan ko siguro munang palipasin ang gabing ito para makapagisip na ako ng mabuti...

Her Borrowed IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon