Dedicated to: sweet_003
(Ing)
*Lunchtime*"Samantha,paki abot yung water"
"Yes daddy"Sa tingin ko nasasanay na ako sa buhay ko ngayon. Hindi na nagbu-buffer utak ko kapag tinatawag akong Samantha at hindi na ako utal-utal magsalita kapag kausap ko sila.
"Manang Lita,pakuha nga po ng baso"
Nakakayanan ko naring magutos. At kung iisipin, Im a part of Craig family. May pamilya na ako. Hindi na ako nagiisa. May makakasama na ako,kapag may problema nandiyan sila para gabayan ako. Napakasaya ko talaga kapag naiisip ko ang bagay na iyon.
"Samantha,alam mo namang monday ngayon"
"Yes daddy,bakit po kasi?"Ang sarap pa ng kain ko >////<
Ham kasi ang ulam namin. Hehehe
"Pupunta dito si Luis. Kakausapin ka niya."
"Sure daddy. Bakit po? About saan?"
"For your wedding"WEDDING?!! I ALMOST FORGOT ABOUT THAT! Sa pagkagulat hindi ko maiwasang masamid. Agad to the rescue ang maids at pinunasan ang damit ko. Si Sedrick,yung tingin niya? Ganoon pa rin poker face. Siguro pag may sinaksak sa harap niya pokerface pa rin siya.
" Sige mga ate salamat. Oo nga pala dad..The wedding..hehehehe..."
"Magpapayat ka"
"Huh?"Nabigla ako dahil biglang nagsalita si Sedrick. Kanina pa kasi siya tahimik
"Magpapayat?" paguulit ko
"Oo,ang taba mo kaya."Ma-mataba!!! TT.TT mataba na pala ako sa lagay na ito ha. Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o nagsasabi ng totoo kasi hindi naman nagbabago facial expression niya.
"Sige, I'll try" sabi ko
"Samantha hindi ka naman mataba eh. Inaasar ka lang ni Sedrick" sabi ni Daddy
"Oh thank you daddy!" sabi ko sabay yakap sa kaniya tapos bumalik din ako sa dati kong pwesto."Sige na,kumain ka na" dagdag ni Daddy. Tumingin ako sa plato ko
"Uhmmm,busog na po ako.." sabi ko
"Aminado ka ding mataba ka. Nagda-diet ka na ata." sabi ni Sedrick
"Hindi kuya. Busog na talaga ako. Sige daddy punta muna ako sa room ko"
"Okay"Sooo,umakyat nga ako sa kwarto ko.
"Uugh! Yung kasal.." sabi ko sabay higa. Yan talaga yung matagal nang bumabagabag sa akin eh.
"Ayaw ko pang ikasaaaal! Tapos, hindi pa namin mahal ang isa't isa..Wait,ako lang ata.. Uuuugh!"
"Anong oras na ba?" agad kong nilabas ang phone ko at tinignan ang oras.
Knock knock knock knock
"Ay may tao!...S-sino yan?" sa pagkagulat ko nahulog ko yung phone ko sa sahig.
"Lady Samantha,si Rossette po ito."
"B-bakit?"
"Lady,kasi nandito na po siya"
"Sinong siya?"
"Si Sir Luis po"
"Si Luis??!! *step* Crack!! Aaaah!""Lady Samantha,ok lang po ba kayo diyan sa loob?"
"A e,oo oo. Im fine. Sige,salamat sa pagsabi"
"Opo"Narinig ko na ang yapak niya paalis. Oh no! Natapakan ko yung phone ko! Sira naaaa~
"Kaya ayaw kong nagsusuot ng heels eh."
Ang aga naman niyang dumating.
Agad akong nagsalamin at inayos ang sarili. At inayos din ang nakacurl na hair.
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...